|CHAPTER THIRTY THREE| NAGHIWALAY kami ng landas ni Zed. Ako naman ay pumunta sa bahay ng isa sa mga kaibigan ko. Si Dennise. Nagulat pa siya ng makita ako sa labas ng bahay niya. Kaagad niya akong niyakap ng mahigpit at pinapasok. "Kamusta ka na? Ilang buwan kang hindi nagparamdam saamin. Nag-alala kami sayo. Buti nalang at nagmensahe ka saamin na okay ka lang. Saan ka ba galing?" Sunod-sunod niyang tanong at pinaupo ako. "M-Mahabang istorya. Pero ipapaliwanag ko naman sa inyo mamaya. Pupunta ba sina Chelsy at France dito?" Tanong ko sa kaniya. "Tatawagan ko sila para pumunta. Anong gusto mong inumin o kainin?" Aniya. "Tubig nalang." Sagot ko na ikinatango niya at agad na kumuha ng tubig. Habang umiinom ako ay ramdam ko ang pagsusuri niya saakin. Nang makatapos sa pag-inom ay n

