Maayos na ulit ang bahay-kubo. Medyo lumaki lang ito at malapad ang space sa loob. At siguradong matibay na ito dahil malalaki ng ang haligi. Parang hindi na nga ito matawag na kubo dahil malaki na malapad ang space. "Magbihis ka may pupuntahan tayo," Aniya sa akin ni Kier. "Saan tayo pupunta?" "Pinapunta tayo ni Mang kanor sa birthday ng anak niya." Napanguso naman ako. "Puwede ba na makaligo muna." "Okay. Bilisan mo lang." Kainis! Ayaw ko talaga na minamadali ako sa pagligo. Kinuha ko ang tuwalya at pumunta na sa likuran kung saan nandoon ang banyo. Tinanggal ko muna ang salamin ko at ipinatong sa gilid ng drum. Mabilis kong binasa ang aking katawan at naglagay ng shampoo sa aking buhok. Sobrang puti ko talaga, kapag masyado akong expose sa araw, namumula ng sobra ang aking bala

