Pagmulat ko nasa hospital bed ako at may dextrose nakalagay sa kanang kamay ko. Napabalikwas ako ng bangon. "Baby," aniya ni Kier na agad lumapit ito sa akin. "K-kailangan ko na bumalik sa anak natin." natatarantang saad ko kay Kier. "Kaya mo ba? Anong nararamdaman mo?" nag-aalalang tanong niya habang hinahalikan ang aking mukha. Ang kan'yang kamay hinahaplos-haplos ang aking tiyan. "Please, Kier. Mas importante ang anak ko. I'm okay. K-kailangan na nating puntahan si Kai." "Puntahan ko lang ang Doctor. Wait me here, okay?" aniya na hinalikan ako sa labi. I'm not okay. Para kay Kai, kailangan ko lang lumapit sa Tatay niya. Sa sitwasyon ng anak ko, ayoko i-involve ang nararamdaman namin. He's still married to his first wife. I still respect, Tia. Kahit sobrang sakit, kailangan kayanin

