"Nanay!" "Kai? Come here." Nakangiting saad ko sa aking anak. "Ba-bye, Nanay. Ba-bye." nakangiting saa niya sa akin. "Kai! No baby! Huwag ka umalis!" "I love you, Nanay!" "Nooooooo!" nilamon na ito ng liwanag ang katawan ng anak ko. "Kai!" "Baby? S-Sheena, please, tama na!" mangiyak-ngiyak na saad ni Kier. Yumuko ako at humagulhol ng malakas. Apat na buwan na ang nakalipas. Apat na buwan na halos nawalan na ako ng bait. Sobrang sakit. Hindi ko kayang tanggapin na wala na si Kaiser. Hinawakan ko ang aking tiyan, limang buwan na ito. "Please, tama na. Ilang beses ka dinugo, huwag mong hintayin na mawala sa atin ang kambal." mahinang saad ni Kier na hinahaplos ang aking mukha. "Leave me alone." blangko ang mukha na saad ko sa kaniya. "B-Baby." "I said. Leave me alone!" Bago nag

