Nandito kami sa sala na nakaupo. Kaharap sila Mommy at Daddy. Nasa tabi ko naman si Kier. Si Kai dinala muna ng katulong sa kuwarto ko. "Kukunin ko na ho ang mag-ina ko." Seryosong saad ni Kier kay Daddy. Napatingin naman ako rito. "Nag-aaral pa si Sheena, Mr.Harrison,"aniya naman ni Daddy. "Sir, kaya ko pag-aralin ang si Sheena. Kahit saang University kaya ko suportahan ang mga pangangailangan niya. Besides, sinunod ko ang gusto mo three years ago, hindi ko pinuntahan si Sheena sa US. Maybe this time, ako na ang masusunod." Napayuko ako sa sinabi ni Kier. Ibig sabihin, alam na ni Daddy na kasal na kami noon pa ni Kier. "Sheena?" Umangat ang ulo ko at tumingin kay Mommy. "M-Mom?" "Ano desisyon mo?" tanong ni Mommy sa akin. Humarap ako kay Kier. Nakatitig ito sa akin. "S-sasam

