SPECIAL CHAPTER "Happy Anniversary!" Nagulat kami ni Sheena na bigla na lamang dumating ang limang anak naming lalaki. Alam naming mag-asawa na sobrang abala nila sa trabaho at may sarili na silang mga bahay. "U-Umuwi kayo?" mangiyak-ngiyak na saad ng Asawa ko. "Of course naman, Nanay," nakangiting saad ni Thunder at niyakap ang kan'yang ina. "Tay," lumapit sa akin si Dust at yumakap ito sa akin. Napabuntong hininga naman ako. May kulang. Wala si Star Kisses. "Don't worry Tay, she promised na uuwi siya." Yes. After three months, nagpakasal na si Star Kisses at si Moon, na anak ni Jenny at Garret. "N-Nasaan siya?" tanong ko kay Dust. "Nasa misyon, Tay." sagot naman ni Sun. Akala ko tama ang desisyon ko. Hindi pala. After ikasal si Kisses kay Moon. Hindi pa rin tumigil sa kan'ya

