Chapter 1

1090 Words
"HOY BITAWAN MO KOOOO!!!" Ibinuhos ni yasi ang buong lakas niya para itulak si Miguel. Ngunit pinaghahalikan padin siya nito. Mas malakas ito sakanya. Dahil Nauubusan na siya ng lakas. Nandidiri siya sa ginagawa ng nobyo niya sakanya. Matapang siyang babae ngunit sa pagkakataong ito ay nanghihina siya. Sabi nila may forever? Lintik na forever yan! Napaniwala siya ng mga kabarkada niya na si Miguel ang forever niya. Ngunit isa pala itong rapist!! Panay tulo lang ang kanyang luha at halos mapaos na siya kakasigaw. "Yas! Wag ka nang magpakipot!" Halos sakalin na siya ni Miguel para hindi siya makagalaw. Diyos ko mamamatay na ba siya ngayon? "K-Kapag ako n-nakatakas sayo bwisit ka!" Pilit padin siya nagmamatapang kahit na takot na takot na talaga siya. Lalo na nang bigla nitong punitin ang blouse niya! "Ang ingay mo! Pakipot ka pang babae ka! Hindi ka na makakatakas sakin. Akin ka na ngayon!" Ang walang hiyang lalaking ito sinabihan siya ng pakipot? Hoy kahit siya nalang ang natitirang lalaki sa mundo hinding hindi niya ito papatulan pa! Kadiriii !!! Gwapo sana si Miguel kaya niya ito sinagot at dahil na din sa panunukso ng mga kabarkada niya. Ngunit rapist pala ang talapandas na lalaking to!! "H-Hayup ka! Wag!" Nagpupumiglas padin siya upang pigilan ito. Ihiniga siya nito sa maliit na papag na gawa sa kahoy. Lumang luma na at mukhang babagsak sila sa sobrang lakas ng pagpupumiglas niya. Marahas na tinangal nito ang Bra niya! Sabay sapak sakanyang mukha. Namanhid ng husto ang kanyang mukha sa ginawa ng rapist na lalaking to. "Anak nang pating kapag sinuswerte ka nga naman. Ang laki ng dibdib mo!" Lumayo ito ng konti sakanya at naghubad. Nasa loob sila ng isang bahay kubo. Bakit ba siya sumama sa lalaking ito? Sinamantala niya ang pagkakataon para ibuhos ang lakas niya sa pag tadyak sa ari nito. Sapul. Kahit namamanhid pa ang kanyang mukha ay nagawa niya pading sipain ito. Napamura ito ng malakas! Pulang pula ang mukha nito at halos mamilipit sa sobrang sakit ng pagkakasipa niya. Nagmadali siya lumabas nang bahay kubo na iyon. Tumakbo siya sa gubat. Dinala siya ni Miguel sa gubat kanina pagkatapos ng trabaho niya. Sabi nito may papakita daw ito sakanya. Lintik ang landi niya kasi sumama siya sa Miguel na ito ng hindi nag iisip! Kahit masakit ang katawan niya dahil sa pakikipag laban kay Miguel tumakbo padin siya ng may pagmamadali. Tinakpan niya lamang ang kanyang dibdib ng kanyang braso. Niyakap niya ang sarili niya habang mabilis na tumatakbo. Patak ng patak ang luha niya. For the first time natakot siya. Hindi siya takot sa kahit ano o kahit sa multo. Wala siyang kinakatakutan Maliban sa mga oras na ito. Pakiramdam niya nagahasa siya kahit muntik pa lamang. "Bwisit ka Miguel pagbabayaran mo to!" Sigaw niya habang tumatakbo siya. Hangang sa may nakita siyang mga tao. Hindi siya nagkakamali mga mangingisda ang mga ito. Dahil malapit na siya sa Dagat. Nakita niyang kakababa lamang ng mga ito galing sa banka. "Tulong!! Tulungan niyo po ako!!" Malakas na sigaw niya upang marinig siya nang mga ito. Agad naman siyang nilapitan ng mga ito at tinulungan. Nawalan siya ng malay pagkatapos niyang maramdamang safe na siya. Ipinikit niya ang kanyang mata dahil sa labis na pagod at pagkatakot na naramdaman niya. Nagising na lamang siya nasa loob na siya ng kwarto sa isang ospital malapit sa pinangyarihan ng krimen. "Mabuti naman po at gising ka na miss. Kamusta na ang pakiramdam mo?" Napalingon si Yasi sa isang babaeng nakauniform na kulay puti. "O-okay naman." Ngumiti ang babaeng nurse sakanya. "Mabuti naman kung ganon. Miss wala kang identification card kaya hindi pa namin naco-contact ang family mo." Family? May pamilya nga ba siya? Nag iisa nalang siya sa buhay niya. Ang mga magulang niya ay pumanaw na nung nasa elementarya pa lamang siya. Wala din siyang kapatid. Ngunit may tiyahin siya.. Nasa ibang bansa. Katulong ito nang isang royal family sa bansang france. Ito lang ang pamilyang meron siya. Matandang dalaga ang tita niya. Ito ang nagpa-aral sakaniya. Kahit nasa ibang bansa ito tinulungan siya nito makapagtapos ng pag aaral. Ibinigay niya ang contact number ng Tita Nene niya. Wala siyang pambayad sa private na hospital na ito. Kaya kailangan niyang manghingi ng tulong sa tiya niya. Grrr bakit naman kasi sa private hospital pa siya dinala ng mga tumulong sakanya? Naisip nanaman niya ang walang hiyang Miguel na yon! "Miss kakausapin ka daw ng tita mo.." Napatingin si Yasi sa nurse na katabi niya. Napataas ang kilay niya Aba may load si ate nurse pang tawag sa ibang bansa? Nakangiti lamang ang nurse sakanya. Kinuha niya yung cell phone nito at kinausap ang tiya niya. "Hello Tiya" medyo mahinang boses niya dahil panigurado bubungangaan siya nito. "Yasmine! What happened?! Ano nanaman tong gulong napasok mo anak?" Halatang alalang alala ang Tiya nene nya. "T-Tiya muntik na ho akong magahasa" "Ano?!!!" Sigaw nito "M-muntik lang naman ho tiya. Buong buo padin po p********e ko" "Nilalang mo lang yon?! My God Yasmine! Napakadelikado nang nagyari sayo! Uuwi ako diyan! At ipapakulong natin ang nagtangka sayo!" What?!!!! Uuwi ang tiya niya? Naku po magkakaron nanaman siya ng curfew! Talagang yun pa ang inisip mo yasmine? Kastigo niya sa kanyang sarili. "Tiya okay naman po ako. Wala lang po ako pambayad dito sa hospital" "Uuwi ako sa ayaw at sa gusto mo ipapakulong natin ang gumahasa sayo!" "Muntik gumahasa tiya.." "Ganon na rin yon! Ano ka ba namang bata ka! Uuwi ako sa susunod na Linggo. Ako na magbabayad lahat ng babayaran mo sa hospital. Mag pagaling ka anak." Napabuntong hininga siya. Mas mabuti na ngang umuwi ang tiya niya dahil gusto niya din maipakulong si Miguel. "Okay na po ate nurse. Salamat po" "Welcome" Binalik niya ang cellphone nito. "Ang yaman mo naman ate may load ka pang tawag sa ibang bansa" Unti unti nawala ang ngiti nito "I-Ibang b-bansa?!" Napangiwi siya "Oo nasa ibang bansa ang tita ko." "Miss naman! Bakit hindi mo sinabi? Kakapaload ko lang ng five hundred!" Reklamo nito Napakamot nalang siya sa kanyang ulo. "H-Hindi ka naman kasi nagtanong ate" Sinimangutan siya nito at naglakad na ito palabas ng kwarto niya Bahagya siyang naawa sa sarili niya. Ngayon niya lang napag isip isip na wala siyang ibang matatakbuhan kundi ang tiya Nene niya. Wala siyang mga magulang na tutulong sakanya sa mga oras na ito. Wala man lang dadalaw sakanya upang kamustahin kung ayos lang ba siya Hindi niya namalayan napatulo na ang kanyang luha. "Ang drama ko naman.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD