"YOU SEEMED preoccupied," ani Hades kay Inconnu at tinitigan siya. Hindi niya ito kinibo pero agad niyang inayos ang sarili. Hindi niya pinahalatang kinabahan siya. He was an expert hiding his true feelings. Sa loob ng isang buwan na hindi nila pagkikita ni Sierra, wala siyang ibang ginawa kundi ang balutin ng mahika ang sarili. Pakiramdam niya, ang damdamin niya para sa dalaga ay isang uri ng pabango, anumang oras ay aalingasaw at maamoy ng kapwa demons. Kasalukuyan siyang na sa kaharian ni Hades. Pinatawag siya nito para pagusapan ang gagawing pagatake sa 40th legion—ang grupo ni Astaroth, isang malakas na duke ng impyerno at tinaguriang treasurer din ni Hades. Ito ang nakakaalam ng head count ng mga kaluluwang pumapasok sa impyerno. And sad to say, Astaroth was a traitor too. May nags

