"IT'S ME, Sierra! What the f**k?" nanggigil na anas ni Inconnu habang nakatakip ang palad nito sa ibabaw ng labi ni Sierra. Natigilan si Sierra at napatitig sa lalaki. Dahil groggy pa sa pagtulog at may kadiliman, hindi niya agad nakilala ang lalaki. Pero ngayong nakatitigan na niya ito at nakita ang pamilyar na pulang mata bilang demon saka naamoy ang mala-CK nitong pabango, nasisiguro niyang si Inconnu na iyon. Biglang kumabog ang dibdib ni Sierra. Iyon na ba ang oras ng paniningil nito? Ah, bigla siyang hindi mapakali. Pasimple niyang sinuri ang sarili. Madaling araw na. Panis na ang laway niya. Nakakahiya kay Inconnu kung maamoy nito iyon. Lumipas na rin ang bagong ligong amoy niya. Nasisiguro niyang amoy kumot na siya. Natigilan si Sierra sa naisip. Bakit ba siya natuturete? Hindi s

