"Dad! Please... lumaban kayo..." luhaang saad ni Sierra habang nag-a-arrest ang ama. Sa pagkakataong iyon ay gusto na niyang bawiin ang pangako sa ama at sa sarili na hinding-hindi niya gagamitin ang itim na libro. Hanggang ngayon ay hawak pa rin niya iyon. Nakatago sa bag at hindi magawang ibaon dahil ayaw niyang mawala sa paningin ang ama. Ilang araw na lang ang natitira, iiwanan pa ba niya ito? Ah, hindi niya iyon mapapayagan. Kaya sa halip na ibaon iyon ay ipinagpaliban na muna niya. Sinamahan niya ito sa ICU. Pinanood niya ang bawat araw na humihina ang katawan nito at iniiyak ang desperasyon sa mga nangyayari sa tuwing tulog ito. At nagisingan niya itong naga-arrest. Iyon na marahil ang katapusan ng ama. Parang nadurog ang puso niya. Dalawang oras na lang ang nalalabi, kaarawan na

