Justine pov
Agad naming pina- release ang aking anak para ilipat dito sa Humpress Medical Hospital. Kahit anong tatag ko bilang isang lalaki hindi ko parin maiwasan ang hindi maghina ng makita ang kalagayan ng aking anak. Sobrang naawa ako at nasaktan para sa kanya.
Si Reese naman ay panay ang iyak dahil hindi niya magagamot ang aming prinsesa. Dahil sa kalagayan ng kanyang braso hindi pa niya ito kayang ituwid.
Apat na araw na kaming naghahanap ng puso na pweding maging heart donor sa aming prinsesa pero wala talaga kaming mahanap. Ang mga kaibigan ko ay narito parin kasama namin. Patuloy na pinapalakas ang aking loob at palaging sinasabi na huwag mawalan ng pag-asa. Halos hindi na kumakain si Reese dahil sa labis na pag-alala sa aming anak.
“Ate Reese stop crying dahil hindi makakatulong yan. Kung ang luha mo na yan ay inilaan mo para isisi sa diyos o sa tadhana mali po ate Reese. Umiyak ka humingi ka ng tulong sa diyos para bigyan niya ng miracle para gumaling si Jewel. Prayers ang kailangan ni Jewel hindi pagsisisi o isisi mo diyos, sa tadhana o sayo.”si queen.
“Ate Reese I promise you na gagawin ko ang lahat para mailigtas sa kapahamakan si Jewel. All we need now is to have a heart donor para maisagawa kaagad ang heart transplant ni Jewel.”sabi ni Sanjela.
“Sabi ni daddy hindi daw magma- match ang isang babae na donor dahil matured na ang puso nito.”si Clea.
“Umalis sina Afzal at Jeremy gamit ang chopper nina Clea para pumunta sa ibang hospital kung may available bang puso.”saad pa ni Lessery.
“Nasa Vancouver sina Afam at Zhykher dahil may posibilidad daw na may preserved heart doon na match kay baby Jewel.”sabi ni Yette.
“Paging doctor Sanjela Galanza, doctor Galanza please proceed to organ donor section. I repeat, doctor Galanza please proceed to organ donor section.”sabi ng information staff.
“Oh my God! Baka may tulong na galing kay lord.”tarantang saad ni Sanjela. Agad naman silang nagmamadaling tumakbo para puntahan ang organ donor section. Sumunod na rin ako para alamin kung meron na nga bang heart donor para sa aming prinsesa.
“Hi doc Hector, why are you looking for me? Is there a heart donor for Justenia Terrence Jewel Mojor?”tanong ni Sanjela.
“Yes doctor Galanza, there was a boy who had an accident and his parents wanted to donate his organs. We pray that the heart will match to little Justenia,”sabi ng doctor.
“Oh God you're so kind, we hope it will match to baby Jewel.”in unison.
“But we have a problem because there is no chopper available. We are not sure if we will be able to reach the child alive. We know that the every heart cannot continue to use itself after they are dead because death means the body's vital functions have stopped, including the heart. The heart can beat for a short time after death due to its own electrical system, but it needs a supply of oxygen to function. Without the body's ability to provide oxygen through blood circulation, the heart will stop beating very quickly. You'll need 25-30 mins depends on the speed velocity of the vehicle before you reach in Thorhill, Markham,”sabi ng doctor.
Nanlumo naman ako sa aking narinig na balita. May pag-asa na sana pero tagilid parin aming tsansa sa pweding maging donor.
“Putang-ina kapag minalas ka nga naman. Sobrang pagsubok na itong ating nilalakbay. Guy's nobody give up, let's win for this. Walang panghinaan ng loob ha, kaya natin ito. Maaring maraming beses na tayong sinubok, nabigo at umasa
sa mga laban ng ating buhay. Sa pamilya man o sa ating
mumunting mga pangarap.
Ngunit tayo'y patuloy na lalaban at nakahandang harapin ang mundo
na walang bahid ng alinlangan.
Ang mga pagsubok at mga hamon
ay ni hindi natin tinakbuhan. Kaya ngayon na muli tayong sinubok ay mas lalo natin itong hindi tatakbuhan.
Sa ating kamalian tayo'y natuto
sa mga kabiguan di nawalan ng pagasa. Sa mga pagsubok na patuloy tayong hinasa sa bawat pagkadapa'y natutotayong bumangon. Tandaan na sa laban ng buhay ay walang natatalo. Ang mga kabiguan ay hindi pagkatalo dahil ito ay pagsubok na patuloy tayong hinahasa upang tayo'y maging matatag sa mga darating na hamon sa ating buhay.
Doc, just give us the exact location. Guy's oras na para bumalik tayo sa Race track para makuha ang heart donor ni Jewel. Sanjela ihanda mo si Jewel, maghanda ka na rin para sa immediate operation. Bhella kaya mo bang mag-drive with a high speed. Kailangan mong sumama para makausap ang kaluluwa ng bata na manatili muna siya ng ilang oras man lang Sa kanyang katawan,”seryosong saad ni Afsheen. Tama ba ang narinig ko? Sasakyan ang gagamitin nila para makuha ang katawan ng donor?
“Yes queen kayang-kaya ko yan, ako na ang bahalang kausapin ang kaluluwa niya.”sagot ni Bhella.
Pwedi ba akong sumama sa inyo?
“Okay sa kotse ka ni Bhella sumakay. Gagamitin ni Bhella ang Koenigsegg Jesko Absolut ko.”sagot niya.
Damn it! Anong sasakyan yan? Madalas sa bundok ako namuhay ng ilang taon anong klaseng sasakyan naman ang mga binili nitong mga Amazona na 'to.
“Okay let's go hurry up! Back up kami ni Clea with our motorbikes.”saad ni Afsheen.
“Anong kayo lang? Pahingi kami ng motor ni Yette para makasama din kami."si Adette.
Si Lessery naman ay gamit ang Lamborghini ni Clea. Sina pareng Ryan, Axel, Gian at Jonin ay naka motorbikes na rin. Naiyak ako sa ipinakitang suporta ng aking mga kaibigan.
oooOooo
“Pareng Justine nasusuka ka ba?”tanong ni Bhella.
Damn it! 420 kph na ang ginamit mong speed. Paano natin mailigtas ang anak ko niyan Bhella. Tapos tatanungin mo pa ako kung nasusuka ba ako o hindi.
“Hindi mo ba nakikita na konektado sa satellite ang sasakyan na ito? Ang kagandahan ng sasakyan ito, nakikita ang nasa unahan kaya pwedi nating lusotan ang makakasalubong o kung saan may kurbada. Trust me, kaya nating iligtas ang si jewel.”sabi ni Bhella.
Bumaliktad na ang aking sikmura at napahigpit na ang aking pagkapit dahil pakiramdam ko hindi na sumayad sa kalsada ang gulong ng sinasakyan namin.
“Tingnan mo ang CEO ng Clarkson University at Clarkson Motors humahabol sa atin,”saad pa ni Bhella.
Isa pang baliw yan, kabisado ang mga pyesa ng sasakyan kaya hindi natatakot. Ang hirap talaga ng mga amazona na ito daig pa kaming mga lalaki sa pagiging maangas. Woooo Bhella watch out, f*ck! We almost hit the barrier bruh.
Tinawanan lang ako sa aning-aning na asawa ni Ryan. May isang kotse pa ang humabol, sino naman kaya yan? Wala tayo sa Race track pero bakit parang nagkakarerahan kayo. Nagpapagalingan kung sino ang mangunguna para manalo.
“Sino pa ba? Eh di ang ogag kong asawa. Magpapahuli ba ang isang Ryanair Park sa asawa niya.”sagot ni Bhella.
Malapit na kami sa location kaya medyo ibinaba ni Bhella ang speed ng kanyang minamanehong sasakyan. After a few minutes huminto kami sa parking ng hospital. Nasa isang hindi masyado kalakihang hospital.
Pagkababa ko ng sasakyan medyo nahihilo pa talaga ako. Habang nagsusuka ng laway dumating naman ang dalawang naka sports car.
“Kaya pa ba minero? Mahina pala ang sikmura mo sa roller coaster ride,”si pareng Ryan.
Walang kaluluwa iyang asawa mo haciendiro. Halos hindi na niya pinasayad sa lupa ang gulong ng sasakyan.
“Pareng Justine catch up!”hinagisan ako ng tubig ni Lessery. Di nagtagal dumating na ang mga nakasakay sa mga Ducati Monster.
“Anyare kay minero? Nasaan ba si Bhella?”tanong ni Afsheen.
“Pumasok na sa loob ng hospital para kausapin ang magulang o kamag-anak ng bata.”sagot ni Lessery.
Kaya pumasok na rin kami sa loob para na rin kausapin ang magulang ng magiging donor ni baby Jewel namin. Nakita namin na magang-maga ang mata ng ginang ang Ina ng batang lalaki. Eight years old na pala ang anak nila. Naka-life support lang ito sa ngayon but anytime soon bibigay na ito. Bunsong anak ito ni Mr and Mrs. Coleman. Nahulog sa building ng kanilang paaralan dahil sa kalimutan. Aminado ang mag-asawa na sadyang makulit ang bata. Sobrang hyper sa lahat ng bagay. Nag-iisang anak na lalaki kaya spoiled sa dalawang anak na babae. Gustong i-donate ng mag-asawa ang mga organs ng kanilang anak para hindi ito masayang. Nais nilang i-donate not to get money. Gusto lang daw nilang makatulong sa mga nangangailangan. Kaysa mabulok lang daw sa ilalim ng lupa mabuti na daw na may mag-aalagang katawan sa organs ng kanilang anak. Alam kong napakasakit nito para sa kanila, ang mawalan ng mahal sa buhay.
“May problema tayo?”saad ni Bhella.
“What?”in unison.
“Ayaw pumayag ng bata na ibigay sa ibang katawan ang kanyang body organs. Galit siya sa kanyang mga magulang. Kapag ito ay hindi natin napapayag, hindi makikisama sa pagtibok ang kanyang puso.”saad ni Bhella.
Pati pala kaluluwa selfish din. Bhella please pakiusapan mo siya.
“Crayford can I talk to you?”tanong ni Bhella. Nagulat naman ang mga magulang ng bata.
“How did you know that his name is Crayford?”tanong ng ina ng bata.
“Ma'am I saw his spirit seating beside you. He is angry and he won't agree with your decision.”bhella explained.
“Why Cray? I miss you baby. I and your dad want to donate your organs so that if we miss you. We can still feel your heartbeat, and can see your eyesight until they grow up. Even though God didn't give you a long life, we want you to continue to live the lives of others. Do you understand what I mean baby Cray? It's difficult for us to let you go, but it's more difficult to see you lying in the bed without assurance of your recovery.”sabi ng mommy ng bata.
“If you agree, hug your mom and dad! Umiiyak siya, ayaw talaga yata niyang ibigay sa iba ang kanyang organs.”sabi ni Bhella.
Bumagsak ang aking balikat Sa sinabi ni Bhella. Bakit napaka selfish niya? Gayong napaka buti naman ng kanyang mga magulang....