chapter 11 binayaran para lumayo

1646 Words
Reese pov Two months na pala ang lumipas simula nang maganap ang intense scene sa bahay nila Justine. Ang pangyayari na nagpababa ng aking confidence. Swerti ako sa career ngunit napagtanto ko na malas ako sa pag-ibig. Nag-sorry siya dahil sa ginawa ng kanyang mga magulang sa akin. Well, hindi naman niya kasalanan ang nangyari. Gusto lang naman niya akong pormal na ipakilala sa kanyang mga magulang. Hindi naman porket ipinakilala magiging mag-asawa na kami kaagad. But in first attempt failed na kaagad. Ano ng aba ang magiging laban ko sa multi-billionaire na pamilya? Ano ang magiging laban ng isang kusing kong kinikita bilang doctor? Kailan ba siya uuwi dito sa Manila? Di ko man lang ma-kontak ang number niya. Pinagtataguan na ba niya ako dahil nakuha na niya ang vcard ko. Tinanong ko si Zhykher kung may balita ba siya sa kaibigan niya ang sabi wala daw. Nahihirapan na ako sa situation ko kaya gusto ko nang bumalik sa Singapore. Mahirap lumaban sa larong hindi ko naman alam ko naman na wala akong kalaban-laban. Ayoko nang maulit ang scenario na sinugod ako ng babaeng gusto nang mga magulang ni Justine para sa kanya. Matapang at handang makipagpatayan ang bruha. Natatakot ako sa banta niya na ipapa-kidnap daw niya ako para ipapatay. I can't risk myself lalo na't hindi ako nag-iisa ngayon. Hindi ko alam kung saan ako hihingi ng tulong. Busy si Zhykher sa pamilya at profession niya kaya hindi ko siya magambala. Kapag nalaman nila ang situation ko, nasisiguro ko na hindi nila ako bubuhayin. Wala din si Grey dito sa Pilipinas dahil may mission ito sa ibang bansa. My goodness kailangan ko nang magdesisyon bago kami mapahamak. “Beep, beep, beep!”tatlong magkasunod-sunod na busina ang nagpabalik ng aking diwa sa realidad. Isang magarang sasakyan ang nasa harapan ng gate ng apartment namin. Sino kaya ang mga iyan? Bigla akong kinabahan dahil parang tama ang aking hinala. Sh*T abi ko na nga ba. Bumaba ang mag-asawang Araneta mula sa kanilang sasakyan. Magandang umaga po ma'am, sir pasok po kayo at maupo muna. Gusto nyo po ba ng coffee o juice po? “No need. We didn't come here to chit-chat with you. We didn't come here to have some coffee. We are here for our Unico hijo Justine.”sabi ng ina ni Justine. Wala po siya dito ma'am, alam nyo naman na nagka-emergy sa site niya. “Alam namin na wala siya dito kaya sinadya namin na puntahan ko. We want to talk to you, gusto namin na layuan mo ang anak namin. He is already engaged with Jhang daughter. May pinag-aralan ka naman kaya naiintindihan mo ang ibig kong sabihin.”saad ng ina ni Justine. “You are gold digger person who just have a relationship with our son for his wealth. Knowing that he is a heir of Araneta you choose to have a relationship with him. And because he is rich you think you can get money or expensive things from him easily. In every gold digger’s eyes, ambition shines brighter than any gem. You dares to dig, discovers roads paved with ambition. By digging deeper luxury is your playground. You know, materialism is only dangerous to those mismanaging the symphony of riches. You stands dauntlessly adorned in the attire of your desires.”saad naman ng ama ni Justine Araneta. So, you both thinking that I am a gold digger. You are believing that I am just into your family's wealth. Okay if is that what you think. Then I will be the first to confess that gold digging is what I do best. You see I dig deep into the shadiest of minds. Looking for riches all the time, sifting through dirt and dark places only to fine expressionless faces and brainwashed minds with empty spaces. Being a slave for my own kind. Searching and searching to make sure I'll be find. Working with no benefits with others is not my thing, my voice silenced when I get money. You know Mr and Mrs Araneta. Going and choosing for the most important thing is the best. Ordering more than steak always quest. Loving the pricey things, Dating the wealthy and the bonus it brings. Driving in expensive cars is my dream, I dreamt of managing my life as a star. Grasping at all I can get, Going everywhere with your son. Entertaining the opulence and satisfying my craves. Reaching for everything is all I need. Ngayon alam nyo na kung ano ang totoong pakay ko sa anak ninyo. Pinapasakay ko lang ang anak ninyo ma'am, sir para makuha ko ang lahat ng luho ko sa buhay. Sawa na kasi ako na maging mahirap. “Anong nakita ni Justine sayo? Wala naman palang kasing kapal iyang pagmumukha mo. Here's the cheque limang milyon lumayo ka at huwag na huwag kanang magpakita sa anak namin.”saad ng ina ni Justine at inabot ang cheque. Legit po ba ito ma'am? Baka binudol nyo lang ako uso pa naman ngayon ang lokohan. Baka bukas kapag kini-claim ko na ang pera talbog pala ang cheque na ito. Lalayo rin lang naman ako sasagarin ko na rin ang galit ninyo. Alam ko naman na sa pag-alis ko gagawa kayo ng kwento na ikasisira ng pagkatao ko. Hindi ko kailangan ang pera na ito, dahil hindi ko ibinibenta ang aking sarili sa maliit na halagang ito. “You can exactly claim that amount without hassle. Just keep your promise to leave and never show again to our son.”mautoridad na saad ng ama ni Justine. Tumayo na kaagad ito at umalis na sila. Tsaka na tumulo ang aking mga luha na kanina ko pang pinapigilan na huwag umagos. Ang sakit pala sa pakiramdam na dahil lang sa kawalan ko ng yaman wala na akong kalaban-laban. Afsheen calling..... Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang tawag niya o hayaan ko nalang na mag-ring ang aking cellphone. Nakatatlong ulit na sa pag-ring kaya no choice na ako kundi ang sagutin ang tawag ni Afsheen. H-hello Sheen kumusta? “Hello ate Reese, okay naman ako ikaw kumusta? May problema po ba ate? Bakit parang basag ang boses mo, umiiyak ka po ba?”sabi ni Afsheen sa kabilang linya. Ganun na ba kabasag ang boses at nahalata talaga ni Sheen. Bakit napatawag ka Sheen? May importate kabang sasabihin? Iniba ko kaagad ang usapan para hindi na niya ako uusisahin pa. “Birthday nina Hershey at Jershey ate Reese. We would like to invite you to join the celebration. Get ready ate Reese susunduin na kita dyan after a few minutes.”sabi ni Afsheen. Hindi pa nga ako nakasagot ibinaba na niya ang tawag. Ano ba ang dapat kong gawin? Sasabihin ko ba kay Afsheen ang ginawa ng mga magulang ni Justine? Sino nga ba ang pipiliin? Ako'y nalilito sa desisyon na gagawin, Parehas na ukyopado ang aking diwa at hindi ko alam kung paano balansihin. Isip ko'y nalilito, Ang puso ko'y magulo, Sino nga ba ang susundin? Kanino ko ba ibulong ang aking hinaing? Puso't isip ko ay ayaw siyang mawala, Pero kailangan kong magdesisyon para sa ikabubuti namin. Mahirap lumaban, mahirap makipagsapalaran sa mga mayayaman. Nasa sitwasyon ako na ako at siya alam kong wala namang kaming kasiguraduhan. Sino ba ang talo? Di na kailangang hulaan kung sino. Isip ko'y nalilito kung ano ba ang gagawin ko? Mananatili ba o lalayo? Alam ko namang malabo na ang lahat lalo pa't magulang na niya ang gumawa ng paraan para paglayuin kami. “Beep, beep, beep!”nariyan na si Afsheen. Syuta hindi pa ako nakapagbihis. “Ate Reese hindi ka pa nakabihis? Uy what happen to your eyes? Sabi ko na nga ba eh umiiyak ka. Total tayo lang namang dalawa ang narito ngayon. Ikwento mo muna sa akin kung ano ang problema mo. Hindi tayo aalis hangga't hindi mo sasabihin sa akin. I want to hear a complete details ate Reese.”sabi ni Afsheen. Nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi. Bago ko pa lang sila na naging kaibigan. Naiilang pa ako at nahihiya ako kung sasabihin ko ang sekreto ko. Paano ko ba sasabihin kay Sheen? “Ate Reese go! I'm all ears to hear your story. Naiilang ka po ba na i-share sa akin? FYI ate Reese wala kanang option. Count me in ate Reese to trust on. I'm younger than you pero alam ng lahat na kaya kong i-handle ang mga sekreto at problema. Either sa grupo man o sa pamilya. Makikilala mo rin ako ate Reese, balang araw buo na ang tiwala mo sa akin. C'mon speak it out. Wala na akong magawa kundi ang ikwento ang lahat. Mula umpisa hanggang dulo ng aking kwento. Mataman lang siyang nakikinig sa aking mga sinasabi. Walang imik at tumatango lang paminsan-minsan. Heto ang cheque Sheen bilang kabayaran sa aking paglayo sa kanilang anak. “Putangene limang milyon lang ang ibinigay sayo? Saan aabot ang limang milyon na halaga sa panahon ngayon? Gagastosin mo ba ito ate Reese?”si asked. Hindi ko kailangan yan Sheen, kaligtasan ko ang aking kailangan. Kaya nga ako lalayo para walang masamang mangyayari sa akin eh. “Do you want me to help you ate? Kaya kitang itago na walang makakaalam. Kaya rin kitang iangat para hindi kana aapakan ng mga Araneta. Pumayag ka lang kung saan kita dadalhin, I will make sure your safety and everything.”sabi niya. Okay ikaw na ang bahala Sheen. “Alright! Gumawa ka nang liham para sa jowa mo ate Reese. Sabihin mo na huwag kanang hanapin pa. Hahanapin mo kamo ang sarili mo dahil hindi ka pa sigurado sa kanya. Let's play the game Doctor Mojor.”pilyang ngiti na saad ni Afsheen. Ewan ko kung bakit agad akong pumapayag sa mga sinabi ni Sheen. Bahala na si Batman.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD