Third person pov Wala talagang kaalam-alam ang doctora sa susunod na mga mangyayari. Solid ang plano dahil hindi nakakahalata si Reese. Last week nang matapos na talaga ang buong kabahayan. Sinunod na nila sa plano ang paglabas ng ina ni Justine. They rush the works, three times ang dami ng mga construction workers. At ang mga tauhan na nag-aayos both exterior and interior design. Nakialam na rin ang CEO ng Global Builders Limited na si Gian para mas maayos ang paggawa ng proyekto. At sa interior naman ay ang trusted team ni Gracey. Para maisabay nila ang house blessings, birthday ni Reese, ang paglabas ng mommy ni Justine at ang pinaka-importateng magaganap. Ang kasalan na magaganap sa loob ng mansion ng mga Araneta. Ang set-up ng kanilang kasal ay nasa harap ng pinakamagarang gazebo.

