chapter 13 Reese is critical

1746 Words
Third person pov Sumakay ng taxi si Reese patungong airport. Hindi niya alam na may mga armadong nakasunod sa kanya. Humahanap ng tyempo ang mga ito para siya ay tangayin. Ang mga armado ay pinadala ng ama ni Justine para bawiin ang limang milyong cheque at para kidnapin na rin ang babaeng doctor. Inutusan din ng ama ni Justine ang mga armado na pagsawaan at kitilin na nila ang buhay nito at itapon sa dagat. Labis naman ang katuwaan ng mga demonyo dahil bukod sa makakatanggap sila ng malaking pera may libreng pulutan pa sila. Hinarangan ang taxi na sinasakyan ni Reese. Tinutukan ng baril ang driver pati na rin si Reese. Natulala sa takot at hindi nakagalaw si Reese. Hanggang sa siya ay hinila at pinasakay sa sasakyan ng mga armado. Ang matandang driver ng taxi naman ay hindi na rin nakaimik. Nakapatong sa ulo ang mga kamay nito. Pinapanuod nalang kung paano kinaladkad ang dalaga. Agad na umalis ang sasakyan tangay ang bihag. Nang makaalis na ito tsaka lang din nakahinga ang matanda. Hindi rin namalayan ng matanda kung ilang minuto ang itinagal ng kanyang pagpipigil na huwag huminga. Tsaka siya naawa sa dalaga dahil hindi man lang niya ito nasakluluhan. Lumingon kaagad ang matanda sa backseat ng taxi kung saan nakaupo ang dalaga. Nag-ring ang cellphone nito, kaya dali-dali niyang kinuha at sinagot ang tawag. “Hello Reese nasa airport ka na ba?”tanong ni Afsheen. “H-hello ma-maam taxi driver ho ako. Hinarang ho kami ng mga armado malapit sa airport. Tinangay ho nila ang may-ari nitong cellphone ma'am.”sagot ng driver. “What? Sh*t! Ibigay mo sa akin ang location mo manong bilisan mo. May tracker ba ang taxi mo manong? Marunong ka bang magbukas ng location? Paki-on ang location ng cellphone na ito manong. Please stay on the line parating na ako. Nang makuha ni Afsheen ang exact location ng taxi na sinasakyan ni Reese. Agad niyang pinalipad ang kanyang spy drone patungo sa lugar kung saan naroon ang taxi. She hacked the cctv footage of the place through satellite. She replay the footage from previous minutes para makuha niya ang plate number ng sasakyan. Patuloy niyang tiningnan ang footage kasunod ang daan na binabaybay ng black SUV. Hindi siya tumigil hangga't hindi nasusundan ng satellite ang sasakyan. Nang makasunod na siya location, pinasunod na rin niya ang spy drone. Mag-isang pumunta si Afsheen sa lugar. Katulad ng pangako niya kay Reese kanina walang makakaalam sa pag-alis nito. Kaya hangga't makakaya niya itong iligtas mag-isa gagawin niya. “Mga putangene pinapakialaman ninyo ang diskarte ko. Kaarawan pa naman ng anak ko ngayon pinurnada ninyong mga hayop kayo.”galit na saad ni Afsheen. The car is going to Manila-Cavite Expressway. The CAVITEx (also known as R-1) ending at the coast in Kawit, Cavite. Ang mga demonyo ano kaya ang gagawin sa Cavite? Dadayo ba sila sa museum ni Emilio Aguinaldo? Malapit ko na silang maabutan, ngayon mga peste humanda kayo sa inyong kamatayan. Ihahatid na kayo ng aking mga bala patungo sa sementeryo highway, purgatoryo street, impyerno city. Mga halang ang kaluluwa ninyo pero mas halang-halang ang bala ng aking baril. Let's play baril-barilan, matira ang matibay. Ang mga mahina tiyak na di makakasabay. Bumaba ang mga armado at kinaladkad si Reese papasok sa loob. Mga putangene nyo buhok pa talaga ang hinila.”mura ni Afsheen. Isinuot ni Afsheen ang kanyang magic lens para makita niya pati mga kaluluwa nila. Nasa pitong katao ang mga armado kaya para sa kaligtasan ni Reese kailangan ni Afsheen na mag-ingat. Ngunit ng punitin ng isang lalaki ang suot ni Reese hindi na siya nakatiis at kinalabit na niya ang gatilyo ng baril. Sapul sa ulo ang hayop kaya naalarma ang iba. “Ate Reese!!!!!!! Afsheen shouted. Aksidenteng nabitiwan si Reese ng lalaking humawak kay nito. Kahit busy sa pakikipagbakbakan sa mga armado si Afsheen napansin parin niya ang pagkauntog ng ulo ni Reese sa isang nakausling na furniture. Nabagok ang likurang bahagi ng ulo nito. Namilipit sa sakit si Reese hanggang sa mawalan ito ng malay. Mas lalong nabahala si Afsheen lalo na sa dinadala nito. Sa kanyang galit lahat ng bungo ng mga armado ay pinapasabog niya. “Mga bobo! Wala naman kayong binatbat mga g*go tuuu.”sigaw ni Afsheen sabay dura. Nilapitan niya si Reese para sakluluhan. “Ate Reese, o ate Reese, c'mon ate wake up.”sigaw ni Afsheen. Pinunit ni Afsheen ang t-shirt ng isang lalaki para itali sa dumudugong ulo ni Reese. Pagkatapos ay walang pag-alinlangan at buong lakas niyang binuhat si Reese. Mas matangkad si Reese kay Afsheen kaya mas lamang ang bigat nito kaysa bigat niya. “Pasalamat ka ate at kompleto ako sa training sa military.”afsheen said. For first aid dinala ni Afsheen sa Saint Dominic Hospital sa Bacoor, Cavite si Reese. “Emergency! Give me the best attending doctor in the ER section.”sigaw ni Afsheen. “Lt. Colonel Aragon?”sabi ng doctor. “Do your job doc, mamaya mo na ako interview-hin. Iligtas mo ang pasyente at any cost kung ayaw mong pasabugin ko itong hospital na pinagtatrabahoan mo. Be careful sa pag-prescribe ng gamot dahil mga butiki yan sa tiyan.”seryosong saad ni Afsheen. Natawa naman ang doctor at agad na tiningnan si Reese. “We need a city scan lieutenant dahil mukhang apektado ang utak ng pasyente. Malakas yata ang impact ng pagkabagok niya.”sabi ng doctor. “Ay putangene sa lahat ng pweding pinsalain utak pa talaga ang sinalanta mong tadhana ka. Sige gawin mo na kaagad doc para mailigtas siya. Hindi pweding mamatay yan, dahil paliliparin ko pa yan sa ibang planeta. Balang araw headlines na yan bilang “The First Filipino Scientist In Mars” biro pa ni Afsheen. Natawa naman ang doctor at mga nurse sa sinabi ni Afsheen. “Huwag kayong tumawa malay ninyo magkatotoo ang sinabi ko. Sabi nga ng mga matatanda kadalasan kapag nagsasalita tayo tapos nagkataon na dumaan ang anghel ay maaaring maging totoo ang lumabas sa bibig natin. Remember her name doctora Eloira Terrence Reese Agapay Mojor.”saad ni Afsheen. oooOooo Wala paring malay si Reese na nakahiga sa hospital bed. Hinihintay pa ni Afsheen ang resulta ng city scan. Panay tawag na ang kanyang asawa dahil ng tingnan nito ang tracker niya nasa hospital siya. Ayaw ni Afsheen na may makakaalam lalo na't kaibigan ng kanyang asawa si Justine. She trust her husband of course kaya lang baka kaawaan nito si Araneta at sabihin pa nito kung nasaan si Reese. Abogago calling.... “Love, nagtatampo na ang kambal natin dahil wala ka. Sabihin mo kung sino ang pasyente at kung bakit ka nariyan sa Saint Dominic Hospital. Ang layo ng binaybay ng tracker mo Mrs. Aragon kaya huwag mong subokan na magsinungaling sa akin.”saad ng asawa ni Afsheen. “Love, sabihin mo sa mga Yaya na mag-impake kaagad. Lilipad tayo papuntang Canada for emergency. Sina mommy na ang bahala sa mga bisita natin. Sabihin mo sa kanila na ituloy lang ang kasiyahan. Huwag kanang magtanong ng marami, I will explain to you later.”saad ni Afsheen at ibinaba ang tawag. Sakto naman na pinatawag si Afsheen ng doctor. “Have a seat lieutenant Aragon. Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa, critical ang situation ng pasyente. We are not sure kung kaya ba na iligtas ang sanggol sa kanyang sinapupunan. She need to undergo a surgery para matanggal ang blood clot na nasa kanyang utak. Maaaring magka-amnesya siya long term or short term. Kailangan niya ng best neuro surgeon.”saad ni Afsheen. Napamura ulit si Afsheen dahil bukod sa kanyang asawa. Kailangan niya si Clearose, ibig sabihin malalaman din nito ang tungkol kay Reese. “Putangene, buong grupo pa yata ang makakaalam.”afsheen murmured. Nang mabayaran ni Afsheen ang hospital bill. Agad na isinakay sa ambulance si Reese para dalhin sa Airport. Pinakuha nalang niya sa driver ang kanyang sasakyan na nakaparada sa garahe ng Saint Dominic Hospital. oooOooo Nauna pa sina Afsheen sa Airport. Afsheen make sure na maayos ang pagkahiga ni Reese. Hiniram pa ni Afsheen ang personal nurse ng Lola ng kanyang asawa. “Love, ano ba ang nangyari? Si doctora Reese ba yan?”gulat na tanong ni Jeremy ng makita si Reese na nakahiga. “Pssstttt huwag kang maingay love. Che, come here ikaw na muna ang bahala sa kanyang huh.”utos ni Afsheen sa nurse. “Okay doc, I'll take care of her.”sagot ng nurse. Humingi ng tawad si Afsheen sa mga anak dahil nasira ang celebration ng mga ito. Afsheen explain everything at hiniling niya na sana ay walang makakaalam sa sekreto. The girls are proud to their mother dahil nagawa nitong iligtas ang tita Reese nila. Napapailing nalang si Afsheen dahil taliwas na sa kanyang unang plano ang nangyari. Instead na siya lang kuno ang makakaalam ngayon buong pamilya na niya ang makakaalam. “Akala ko ako lang ang gagawa ng paraan para maitago si Reese kay Araneta.”afsheen said. “Sabi ng tadhana love, may abogago kang asawa at hindi pwedi na hindi kasama sa plano,”natatawa namang saad ni Jeremy. “Ano ba ang meron sa mga Jhang at baliw na baliw ang mga magulang ni pareng Justine.”saad pa ni Jeremy. “Katulad din ng ina ni Goyong Caloy syempre matapobre. Yaman sa yaman ang basihan ng kaligayahan. No money, no honey, no wealth, no health, mo Jhang, no Araneta. Na meet na natin lahat ng mga pamilya natin pero ang mga Araneta parang mga taga ibang planeta. Ano ba ang meron sila na wala tayo? Kayamanan mo pa nga lang sapat nang tapatan ang yaman ng mga magulang ni Justine eh.”sabi ni Afsheen. “Sila ang mga tao na parang agila na mataas ang lipad love, sa sobrang taas ng niliparan tingin nila sa baba pantay at mga maliliit na langgam lamang,”sagot ni Jeremy. “Let's pray for ate Reese love. Mas dikikado ang sitwasyon niya lalo pa't buntis siya. Hindi ko alam kung pareho ba silang makaka-survive.”malungkot na saad ni Afsheen. “What a bench! Reese is pregnant? Nasaan ba ang g*gong yon? Baka natabunan na sa gumuhong lupa kung saan siya nangangalkal ng ginto.”saad ni Jeremy. “Sana all may tumubong ibinaon, at may buhay na gag*ng nabaon sa lupa,”afsheen said and flip her hair up.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD