Reese pov Parang tanga na umiiyak, humahagolhol pa talaga. Tumayo agad ito kahit hubo't hubad para yakapin ako. Agad kung pinigilan dahil kailangan namin na mag-ingat. May sinulat ulit ako sa papel; “Please calm down dahil hindi natin pweding sirain ang plano ng Reyna. Sumunod nalang muna tayo sa mga ipinag-utos nila. Ang mahalaga ay ligtas ako at walang masamang nangyayari sa akin dahil sa tulong nila.” Tumango siya bilang pag-sang-ayon sa aking sinabi. Tinanong niya ako kung bakit ko ba daw sinunog ang damit kaya sinabi ko na may hidden device ito. Lumabas na ako para matapos na niya ang kanyang pagligo. Ngayon medyo maluwag na ang loob ko dahil alam ko na kakalma na siya. Hindi ko na rin kailangan na matakot na baka saksakin niya ako ng kutsilyo pang kusina. “Kutsilyong nasa gitna n

