Pinunasan ni Lyanna ang mga pisnging basang-basa na sa luha nang marinig ang pagtunog ng tilepono. Bumangon siya at naupo sa dulo ng kama. Inabot niya ang mamahaling Samsung katabi ng mga remote control sa ibabaw ng beside table ngunit nakapatay ito--ubos ang baterya. Nagtataka siyang pinakinggan at iniisip kung saan nanggagaling ang tunog. Binuksan niya ang drawer ng side table at hinalungkat ang lulan niyon subalit hindi niya nakita ang tilepono.
Sumampa siya sa kama at gumapang sa kabilang dulo upang ang bedside table roon ang tignan. Wala rin doon ang kanyang hinahanap. Kunot ang noo siyang bumaba sa kama at lumapit sa mahabang lowboard television stand. Sa itaas no'n ay walang nakapatong na gamit kaya't lumuhod siya at binuksan ang unang cabinet. Nakita niya ang isang bagong Nokia 1202 na hindi pa rin natatapos sa pagtunog. Nalimutan niyang binili niya ito bilang secondary phone dalawang linggo bago ang kasal nila ni Renault.
Saglit siyang huminto at misandan ang screen. Naroon ay ang pangalan ng caller. Umigting ang panga ni Lyanna, ang paghinga ay malalim na umalon sa mabilis na pagsikid ng kaba sa kanyang dibdib. Lumulon siya, takot na sagutin ang tawag. Baka ito may dalang masamang balita. Ngunit mapapasama siya kundi niya sasagutin. Kaya't nanginginig ang mga kamay niyang dinampot ang tilepono. Halos hindi niya mapindot ang buton dahil naninigas ang kanyang daliri.
Hanggang sa huminto ito, na siyang ikinaluwag ng paghinga ni Lyanna. Subalit, hindi natinag ang tumatawag. Muling tumunog ang tilepono. Minasdang muli ni Lyanna ang screen, nagtatanong at naguguluhang kung ano ang kailangan sa kanya ng lalaki.
Sa kabila no'n, pinuwersa niya ang sarili upang sagutin ito.
"Lyanna..." rinig niyang wika ng baritonong boses sa kabilang linya.
Hindi agad tumugon si Lyanna nang maitapat niya ang speaker ng Nokia 1202 sa kanyang tainga.
"Meet me at the usual spot," mariin ngunit malamig na pagpapatuloy ng lalaki, ang bawat salita'y may kargang awtoridad at pagbabanta.
Kumibot ang labi ni Lyanna. "What for?" malamig niyang tanong.
"You know exactly why." Ramdam ang inis sa tono ng lalaki. "Don't make me wait."
Kumuyom ang mga kamay ni Lyanna.
"I'll be on my way," aniya, kahit labag sa kanyang kalooban.
Binaba niya ang tawag. Hindi siya agad kumilos upang maghanda sa pag-alis. Naglakad siya pabalik-balik sa loob ng silid, ang sikmura at dibdib tila pinupulonpon ng kabang humahampas sa kanyang konsensya. Bawat hibla ng laman ay kinakalaykay ng hindi mapigilang takot, at butil-butil ang pawis sa kanyang noo.
Nasabunutan niya ang sariling buhok, tila gusto niyang bunutin pati ang kaba sa loob ng kanyang ulo. Balisa siyang nagtungo sa banyo, ngunit nahinto at umatras nang maalalang wala siyang dalang tuwalya. Imbes na dumiretso sa damitan, wala sa sarili siyang bumaling sa sliding door ng veranda. Binuksan niya ito at lumabas, ang isip ay napupuno ng pangamba at samu't saring tanong na parang nag-uunahan sa loob ng kanyang ulo.
Inabot niya ang hanger sa drying rack--nang mapansing wala na naman siya sa sariling ulirat.
"Right... towel," bulong niya.
Mabilis siyang pumasok muli sa silid, tumungo sa kama, at naghalungkat. Nang wala siyang makita, sumigaw siya sa pagkainis. "Putang ina!"
Huminga siya nang malalim, paulit-ulit, at pinipilit na kumalma. Paulit-ulit niyang inusal sa isip ang salitang tuwalya, habang isinusukbit sa likod ng tainga ang kumalas na hibla ng kanyang buhok.
"Kumalma ka, Lyanna..." bulong niya sa sarili at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng silid hanggang sa makita niya ang pintuan patungo sa walk-in closet.
Nanginginig ang kanyang kamay nang pihitin ang busol ng pinto. Mabilis siyang nagtungo sa cabinet upang kumuha ng disenteng maisusuot. Ngunit lalo lang siyang nainis nang hindi makita ang gustong damit. Hinila niya ang isang blusa, na siyang itinapon din sa sahig. Hanggang sa sunod-sunod na ang nahulog at tuluyang kumalat sa sahig.
Nang makahanap ng maisusuot, nagmamadali niyang pinlantsa ang mga damit. Dumiretso na rin siya sa banyo ng walang pahipahinga--'di alintana kung pasmahin ang kamay. Nang makapag-ayos at natuyo ang makintab niyang buhok, bumaba agad siya sa first floor at dumiretso sa guardhouse kung saan nakabantay ang pinsan ni Renault.
Nagpaalam siya kay Tony at pinabuksan ang gate.
"Hindi ho ba kayo gagamit ng sasakyan, ma'am Lyanna?" tanong ng guwardya.
Umiling ang asawa ng kanyang pinsan.
"Pakisabi po kay Tito na magpapa-check up lang ho ako sa OB ko. Kung magutom man siya, may pagkain ho sa kusina," bilin niya, muntik pang mabilaukan sa sariling laway nang maalalang pinipilit siya ng kanyang biyenan na tawaging daddy, lalo na ang pagdikit ng gabakal sa tigas nitong b***t kanina.
"Ma'am, dumating po pala 'yung maintenance ni Sir Markus," pahabol na wika ni Tony nang akmang lalabas na si Lyanna.
Sa pagmamadali at pagkabalisa ni Lyanna'y inabot niya ang mga ito at isinilid agad sa kanyang sling bag. Hindi na siya sumagot at naglakad na papalabas ng mansyon ng mga Rodriguez. Pagkasakay sa taxi sa main road, diretso niyang sinabi sa driver ang destinasyon: ang Oro Verde, isang casino na pagmamay-ari ng respetadong negosyante na si Ramon de la Peña. Madalas doon ang lalaking kikitain niya dahil libangan nito ang pagsusugal.
Mahigpit na magkasalikop ang mga kamay at pasensyoso siyang naghintay habang tinatanaw ang labas ng bintana. Namamasa ang kanyang mga palad at hindi mapakali ang mga daliri sa paggalaw. Maya't maya siya kung sumilip sa maliit na screen ng kanyang Nokia 1202. Kung hindi iyon ang ginagawa niya, kinakagat naman niya ang kuko ng hinlalaki ng kanyang kanang kamay.
Nang hindi mapakali, kinuha niya ang moderno niyang tilepono at nagpadala ng mensahe sa ama.
"I'm on my way to Oro Verde. Please, be there. I don't know what he wants." Pagkapindot ng send button, ibinalik niya agad sa sling bag ang tilepono. Sinandal niya ang ulo sa head rest at mariing pumikit, iniisip kung bakit siya kailangan ng lalaki.
Lumipas ang humigit-kumulang na isang oras, natunton nila ang Oro Verde. Hininto ng taxi driver ang sasakyan sa gilid ng kalsada katapat ng isang matatag at makabagong gusali. Ngunit hindi ito tulad ng mga makukulay at magagarbong casino na karaniwang matatagpuan sa Ciudad Esperanza. Walang mga neon lights na nakasisilaw, walang engrandeng karatula. Nakatayo lang ito na parang isang palasyo ng mga piling tao. Itim at ginto ang tema na may halong berde sa mga detalyeng tulad ng carpet at chandelier na simbolo ng green gold.
Sa labas, mukha lang itong exclusive hotel, ngunit sa loob, naroon ang mga pribadong gaming rooms, VIP lounges, at mga silid na bukas lang sa mga prominenteng personalidad. Hindi ito para sa masa. Ang mga bumibisita rito ay mga taong hindi nag-aalala kung gaano kalaki ang mawawaldas sa kanilang yaman--mga ganid na politiko, swapang at mapagsamantalang negosyante, at dayuhang alam ang tunay na larong nangyayari sa likod ng mga baraha.
"Salamat ho, manong," wika ni Lyanna at bumaba na ng taxi.
Pinagmamasdan niya ang kabuuan ng gusali, at hindi niya naiwasang balikan ang mga alaala noong siya'y anim na taong gulang pa lamang. Mahigpit ang kapit niya sa sling bag habang nagdadalawang-isip na lumapit sa entrada. Bahagya pa siyang sumilip sa salaming pintuan bago tuluyang pumasok. Pagpasok niya sa lobby ng Oro Verde, sinalubong siya ng banayad na tugtog ng piano na dumadaloy mula sa mamahaling speakers. Sa hangin, kumakapit ang halimuyak ng wood polish at rich leather mula sa mga muwebles, na hinaluan ng banayad na samyo ng cedarwood at white tea.
Hindi pa man nakalalapit sa reception desk ay may malapad na ngiti na sa mapulang labi ang isa sa mga receptionist. Nakapwesto sila, siya sa bandang dulo, sa isang mahabang desk na may ukit ng logo ng casino. Nakasuot siya ng malinis na puting button-down blouse, hapit ngunit elegante ang tabas, na tinernuhan ng isang itim na coat na may manipis na linyang ginto sa laylayan at manggas. Habang ang kuwelyo ay may embroidered na insignia na isang maliit na gintong dahon.
"Good morning, ma'am. Are you here to play or just visiting?" tanong ng receptionist.
"Visiting," maikling sagot ni Lyanna.
"May I see your identification card--and your VIP card or membership card, if you have one?"
"What do you need my VIP card for?"
"It's the policy, ma'am," sagot ng receptionist, nakatitig nang diretso sa kanya at sinusuri ang kabuuan niya.
Kinuha ni Lyanna ang kanyang mamahaling pitaka mula sa sling bag.
Nang mailabas ang parehong card, pinagmamasdan at hinaplos niya ang engraved initials na S.A.R sa itim na supplementary card, bago niya inabot ang mga ito sa receptionist.
Tumaas ang kilay ng attendant nang makita ang card na naka-link sa isang Emerald Tier account--ang pinakamataas na antas ng pribilehiyo sa Oro Verde. Katumbas ito ng Chairman's Club VIP card, isang membership na karaniwang nakalaan lamang sa mga chairman at kasosyo ng may-ari.
Nagtipa ang receptionist upang i-verify ang detalye ng identification card ni Lyanna kung tugma ba sa kanilang database, pagkatapos ay ini-scan ang supplementary card.
"Oh, you're linked to Mr. Philip Ronquillo's account--under the Alcantara family privileges," manghang wika ng attendant nang makumpirmang nasa records siya ng kanilang database. "May D.O.M si ateng," bulong pa niya sa sarili.
Ngumiti si Lyanna at ipinatong ang mga kamay sa front desk habang naghihintay, tila hindi interesadong ibahagi ang anomang koneksyon niya sa senador.
"Ma'am, with the Alcantara account, you're entitled to full privileges--personal escort, exclusive credits, even a complimentary suite. Would you like to avail?"
"I already told you, I'm only here for visiting," iritadong sagot ni Lyanna. "Just escort me to the room."
Tumaas ang kilay ng receptionist.
"Okay--" aniya ngunit hindi siya natapos nang may tumabi sa kanya.
"Shei, may isang guest kagabi na hindi nahingan ng ID. Basta na lang kasi pumasok, inaasikaso ko kasi si Eng. Hernandez kaya hindi ko na nasundan. Lagot ako kay Mr. de la Peña nito. Hindi pa rin siya lumabas simula nu'ng pumasok siya," bulong ng isa sa mga kasamahan ni Shei.
Kumunot ang noo ni Lyanna. Bihira makapasok sa sistema ng Oro Verde ang ganitong kapalpakan.
Tumingin si Shei sa kanyang kanan upang tignan ang katrabaho.
"Sino?" mahinang tanong ni Shei.
"Hindi ko kilala, basta matangkad, antipatiko--mukhang tuso at gagawa ng gulo. Mamahalin 'yung relos taposmay suot na gold na singsing. Ito kasing si Laura, hindi kumilos. Puro pagpapaganda ang inatupag," kamot kamot ang kanyang kilay na paliwanag niya.
"Ikaw itong nakakita at makupad, wala ka rin kasing presence of mind kaya puro mali nagagaw mo," dipensa ni Laura.
Huminto si Shei sa kanyang ginagawa at hinarap ang katrabaho.
"Baka naman isa sa mga may-ari, Synthia?"
Nagdikit ang mga kilay ni Synthia, tila inaalala ang mukha at iniisip kung isa nga sa may-ari o regular na guest ang sinasabi niya.
"Ayan na naman kayo, hindi niyo kasi tinatandaan nang maayos. Hindi talaga kayo magtatagal dito kundi niyo aayusin ang trabaho niyo," paninermon ni Shei. "Ako na naman ang malilintikan kay Mr. de la Peña."
"Huwag niyo munang sabihin sa kanya, iisa-isahin ko ang mga VIP rooms."
May pagkadismaya at inis na ipinagpatuloy ni Shei ang ginagawa. Nang matapos, inabot niya kay Lyanna ang identification card at supplementary card. Tinawag niya ang bellboy upang ipa-assist si Lyanna patungo sa Golden Atrium--isa sa mga VIP room.
Tahimik na sumunod ang anak ng sendador sa likod ng bellboy.
"Ma'am," wika ng bellboy nang huminto siya sa tapat ng Golden Atrium.
Pilit ngumiti si Lyanna. "Thank you," pagpapasalamat niya.
Minasdan niya ang mga guwardyang pamilyar sa kanya na nakabantay sa VIP room.
"Ma'am Lyanna," bati ng mga ito.
"Nandito na ba siya?"
"Kagabi pa po, hindi maganda ang timpla."
Kumunot ang noo ni Lyanna.
"Si Marcella?" Nagkatinginan ang mga guwardya, hindi sigurado kung sasagutin ang tanong niya.
"Wala ho siya," sagot ng isa nang makitang naghihintay ng sagot ang anak ni Philip.
"Have they gotten back together?"
"I'm not in the position to say, but I think they will--madalas ho silang magkasama, kahapon at ngayon lang ho hindi, pero hindi po ako sigurado kung..."
"That's expected, we all know that," pagputol niya sa malaking bulas na guard. "Pasok na ako."
Naglakad siya papaloob ng Golden Atrium. Pagpasok ay tumambad ang tahimik, elegante, at malayo sa karaniwang ingay ng casino ang loob ng kuwarto. Kumikislap ang gintong ilaw na dumadampi sa bawat mesa, habang ang mga upuang yari sa pinong balat ay tila nagyayaya ng kapahingahan. Nasa gitna ang mga high-limit tables, kung saan nagtatagpo ang tapang at swerte ng mga sasalang na manlalaro. Ang malamlam na usok mula sa mamahaling tabako ay mabagal na umiikot sa hangin, dinadala ang halimuyak ng kapangyarihan at bisyo.
Nanikip ang dibdib ni Lyanna nang makita niya si Severino Alcantara, ang tusong senador at matagal nang kaibigan ng kanyang ama. Nakasuot ang senador ng barong Tagalog na tinernuhan ng itim na slacks at mamahaling leather loafers. Matangkad ito at may matibay na tindig, may matutulis na anggulo ang mukha, mataas na pisngi, at kaakit-akit na panga na nagpapakita ng aristokratikong hitsura. Ang hibla ng pilak sa palaging maayos na buhok ay hindi nakasisira sa kanyang kagwapuhan. Ang matalim at mapanuring mga mata ay may halo ng panganib at pang-aakit--isang titig na kayang guluhin kahit ang pinakakalmadong tao.
Sa bawat paggalaw ng kanyang kamay ay kumikislap ang suot niyang Patek Philippe at ang signet ring na may monogram na letter A na nagkakahalaga ng milyones, mga simbolo ng kayamanan at kapangyarihang tila nakaukit na sa kanyang pagkatao. At kahit wala siyang sinasabi, ramdam ang bigat ng kanyang presensiya--ang kapangyarihan at banta na likas na bumabalot sa bawat kilos niya, kaakibat ng aura ng pagiging tuso at antipatiko.
Kasalukuyan siyang nakikipag-one-on-one sa dealer. Ngunit sa pagkaseryoso ng senador, hindi matukoy ni Lyanna kung umiikot sa mesa ang isang player streak o kung bumagsak ito sa cold shoe. Wala ni bahid ng emosyon sa kanyang mukha--isang maskara ng kontrol na lalong nagdagdag ng bigat sa tensyon ng pribadong silid. Nakasalansan sa pagitan ng kanyang mga kamay ang mga stack ng itim, lila, at gintong chips na milyon-milyon ang halaga. Sa gilid, nakabukas ang mamahaling kahon ng tabako katabi ang pilak na lighter, ang bote ng mamahaling alak, ang baso na wala nang laman, at ang folder na naglalaman ng mga importanteng dokumento.
Malalim ang pinakawalan na paghinga ni Lyanna bago naglakad patungo sa baccarat table kung saan naglalaro ang senador.
Umangat ang paningin ni Severino nang makalapit siya.
"What did you want to see me for?" garagal ang boses na tanong niya.
Hindi umimik ang senador. Humithit siya sa tabako at sinalinan ng alak ang kanyang baso. Nilagok niya ang likido na gumuhit sa kanyang lalamunan, pagkatapos tinitigan si Lyanna ng ilang segundo bago niya sinenyasan ang dealer na lisanin ang Golden Atrium. Tinaktak niya ang tabako sa ashtray at tumayo mula sa kinauupuan upang lapitan si Lyanna. Walang ano'y dumapo ang makalyong palad ng senador sa mukha ng anak ni Philip Ronquillo.
Nanlaki ang mga mata ni Lyanna. Tila nabingi siya sa lakas ng pagtama ng kamay ng senador. Nanatili siyang nakatingin sa sahig, ni hindi niya makuhang haplusin ang pisngi sa takot niya kay Severino. Ang kaninang kaba sa kanyang sikmura't kalamnan ay napalitan ng matinding pagkamuhi at galit.
Kumuyom ang mga palad ni Lyanna, ang luhang hindi inaasahan ay namuo at nagbabadyang pumatak.
Kumapit siya sa kanyang bag, hindi alam kung dapat ba siyang umatras o manatili.
"Kinasal ka na't lahat, wala pa ring nangyayari," mariing wika ni Severino, pinipisil ang hangin ng kapangyarihan sa bawat salita.
Kalaunan ay ngumisi siya at mas lumapit kay Lyanna. Ang kanyang kamay, na dati'y nagpapakalma sa anak ni Philip, ay tila pinapaalala ang kapangyarihan ng lalaki sa kanyang katawan.
Huminto saglit ang senador bago niya marahang inangat ang ulo ni Lyanna, pagkatapos ang palad niya ay bahagyang dumampi sa namumula at namimintog na pisngi ni Lyanna, upang mag-alok ng paumanhin, ngunit may lakas pa rin ng paghahari sa kilos.
Hinaplos ng kanyang hinlalaki ang mapulang labi ng babae, pagkatapos walang sabi-sabi niyang sinabunutan si Lyanna sabay duro sa kanang pisngi nito.
"Nauubos na ang oras. Nanganganib ang yaman ko," bulong niya, may kasamang titig na halos kitilin na si Lyanna sa talim.
"Then make use of your f*****g money before it's gone--" Nahinto si Lyanna nang maramdaman ang mahigpit na paghawak ni Severino sa kanyang mukha.
"It will be used... for your funeral," bulong niya, ang boses ay may halo ng pananakot at sindak; ang mga mata'y nakatingin nang diretso, walang bahid ng awa. "I'm not asking, Lyanna--consider this as an order. Waste my time once, and the world will see exactly who you truly are."
Pabalya niyang tinulak ang anak ni Philip. Bumalik siya sa kinauupuan at dinampot ang folder na nakapatong sa felt table at ibinato kay Lyanna. Pagkatapos ay kinuha niya ang mamahaling kaha ng tabako saka nagsindi ng panibago.
Nabuwal sa pagkakatayo si Lyanna, kaya't kumapit siya sa gilid ng baccarat table--takot na takot kay Severino Alcantara.
Tatayo na siya nang makita ang amang si Philip Ronquillo mula sa pintuan ng Golden Atrium.
Kumuyos ang mga kamay ni Philip at nagmamadaling nilapitan ang anak. Nakita niya ang mga dokumentong nagkalat sa sahig. Naroon ang litrato at pangalan ng isang Manuel Mariano Salcedo kaya't pinulot niya ang mga ito.
"Lyanna," bulong niya, hindi na tinanong kung ano ang nangyayari dahil may ideya na siya.
"D-dad..." Hindi halos mabigkas ni Lyanna ito.
"Let's get you out of here." Mahigpit niyang inalalayan si Lyanna, ramdam ang kaba sa kanyang mga mata habang pinagmamasdan si Severino.
"I don't want to do it, dad..." bulong niya nang makalabas sila ng Golden Atrium.
"I know, anak, but we have to follow him," sagot ni Philip, mahigpit na hinahawakan ang balikat ng anak, pilit na ipinapakita ang kapanatagan kahit ramdam niya ang panganib.
Hindi pa man sila nakalalayo, sinalubong sila ng isa sa mga receptionist--si Synthia, kundi nagkakamali si Lyanna.
"Senator Isagani," tawag ni Synthia.
Nalaglag ang tingin ni Philip sa kanya, bahagyang nanigas ang ekspresyon. "Philip. Philip Ronquillo," pagtatama niya, kalmado ang tinig ngunit may diin.
"Ay, opo. Pasensya na ho, bago lang kasi ako at hindi ko pa ho masyasong memoryado ang mga VIP members." Nahihiyang ngumiti si Synthia.
"May tao pa ho ba sa Golden Atrium?" dagdag niya, tila alanganin. "May hinahanap po kasi ako... mamahalin po ang relos at may gold ring na may letter A. Hindi ko ho kasi nakuhanan ng identification card kagabi, baka po mapagalitan ako ni Mr. de la Peña."
Sandaling nagtagpo ang mga mata nina Philip at Lyanna.
Hindi nagtagal ay ngumiti ang senador, isang pilit ngunit matalim na ngiti. "Hindi na kailangan."
"Patakaran po kasi 'yun. Baka po matanggal ako sa trabaho."
"De la Peña knows him. And Alcantara is not the kind of man you interrupt while the cards are on the table. You don't want your name tied to a bad moment." Ngumiti si Philip. "Mauna na kami."
Nagtungo ang mag-ama sa parking lot. Sa hallway ay nakita ni Lyanna ang mag-asawa na may bitbit na kambal na bata. Nakaramdam siya ng inggit, ng lungkot na alam niyang hindi dapat ngunit hindi niya maiwasang maramdaman.
"Gawin mo ang gusto niya... so our agony will end sooner," wika ni Philip sabay abot ng folder sa anak.
"I want it too," bulong ni Lyanna, habang pinagmamasdan ang mag-asawa at ang kanilang mga anak. "... to end," pagpapatuloy niya.
Pinagbukas na ni Philip si Lyanna ng pinto bago sumakay sa driver's seat.
Habang inaayos ang seatbelt ng anak, tinanong niya ito ng, "Gusto mo na bang umuwi?"
"I want to visit my OB, dad."
"You're pregnant?" kabado niyang tanong.
Umiling si Lyanna. "Renault is too busy, but hopefully next month."
Hindi na kinukwestyon ng Senador ang anak at dinala sa St. Aurelius Medical Center. Pagdating doon, agad na nagpaalam si Philip dahil tinawag siya para mag-preside sa biglaang senate hearing tungkol sa overpriced medical equipment, ghost procurement, at mga delayed hospital projects.
Nang papasok si Lyanna sa klinika ng kanyang OB, nakita niya si Renault na papalabas mula sa katabing andrology center--isang pasilidad na dalubhasa sa male reproductive system. Tatatawagin sana niya ang asawa nang sumunod na lumabas ang kaibigang doktor ni Renault.
"Lumabas ba sa tests kung may problema sa count o sa motility?" tanong ng kanyang asawa.
"Hindi pa tapos lahat ng tests," sagot ng doktor sa mababang boses. "Kung gusto mong makuha na agad ang preliminary findings, I can give you the partial report this afternoon. Naka-file na sa laboratory."
"Case number lang ilagay mo," pahabol ni Renault.
Tumango ang doktor.
Nagpaalam si Renault sa andrologist at sinilip ang hospital-issued phone. Pinilit niyang gawing mabilis ang bawat hakbang niya, halos madapa pa siya sa pagmamadali, upang habulin ang papasarang elevator.
Nagtataka man si Lyanna, hinayaan na lang niya ang asawa. Marahil abala ito sa mga pasyente niya. Ngunit, sa katunayan, nakita ni Renault si Lyanna kaya't minarapat niyang tumakbo upang hindi siya usisain ng kanyang asawa. Naramdaman pa niya ang mabilis na pintig ng kanyang dibdib--hindi dahil sa pagod kundi dahil sa pangambang baka sumunod si Lyanna.
Panigurado ay hindi alam ng kanyang asawa ang pinag-usapan nila kung sakali mang marinig niya ang mga ito. Maaari ring idahilan ni Renault na pasyente iyon ni Kevin, ngunit naunahan na siya ng kanyang kaba. Ayaw niyang malaman ni Lyanna na may erectile dysfunction siya--iyon ang dahilan kung bakit pilit niyang inaabala ang sarili sa trabaho at laging pagod kung umuwi dahil umiiwas siya.
Matagal na ito. Sa una'y itinatanggi niya sa sarili dahil ang bata pa niya upang magkaroon ng ganoong kondisyon, kaya't imbes na magpatingin sa espesyalista, at gawi na rin ng kahihiyan, mas pinili niyang uminom ng gamot ng walang reseta. Matagal na niyang iniinom ang mga gamot, at akala niya'y maaayos ang kondisyon niya bago ang kasal nila, ngunit hanggang ngayon hindi pa rin siya gumagaling. Kaya't napagpasyahan na niyang magpatingin sa kanyang kaibigan na isang andrologist.
Mahal niya si Lyanna at ayaw niyang mawala ito sa kanya. Hanggat hindi siya gumagaling, gagawa at gagawa siya ng paraaan upang hindi muna sila makapagsiping. Alam niyang hindi niya kayang sabihin ang totoo: na siya'y unti-unting kinakain ng takot at kahihiyan sa kanyang kondisyon, kaya't mananatiling isang malaking sikreto ito.
Sa kabilang banda, hapong pumasok si Lyanna sa clinic ng kanyang OB bitbit ang puting folder. Matapos magpa-check up at resetahan ng doktor, nagpasya siyang pumunta ng mall upang bumili ng bagong damit at ilang pares ng lingerie. Nang makapili'y sa salon siya dumiretso. Hanggang makauwi siya. Sa kanto ng subdivision ay nakita siya ni Renault kaya't sumabay na siya sa kanyang asawa.
"You look beautiful," may panggigigil na wika ni Renault. Himas-himas niya ang malaking hita ng asawa habang tinatahak ang daan pauwi ng kanilang mansyon.
"What's that folder?" tanong ni Renault.
Hindi agad nakasagot si Lyanna. "Ah... just some documents for my enrollment."
"You're going back to college?"
"Y-yes..."
"That's good news, love."
Pilit na ngumiti si Lyanna. Inilagay niya sa compartment ang folder. Kukunin na lang niya mamayang tulog na si Renault o 'di kaya'y bukas na ng umaga.
Nang makarating sa mansyon ng mga Rodriguez, akala ni Lyanna'y magtatagal si Renault at magsisiping sila. Ngunit dismayado siyang pinanood ang pag-alis ng kanyang asawa dahil sa emergency call mula sa ospital. Lalo naman siyang hindi nakakilos sa kinatatayuan nang makita ang biyenan sa tuktok ng hagdan ng basement. Nakaramdam siya ng init ng katawan lalo na ng pagmasdan ang matipunong katawan ng retiradong pulis.
Hindi niya maiwasang mapako ang tingin sa magandang hubog ng mga braso, malapad na balikat, at matitigas na tiyan ni Markus. Ang tinaguriang Apollo's belt--ang malinaw na guhit ng iliac furrow sa kanyang balakang--ay nakapanghihina ng tuhod. Para bang inukit siya nang buong pag-iingat at sining, bawat linya ng katawan ay patunay ng disiplina at lakas. Sa kabila ng kanyang edad at pagreretiro bilang pulis, hindi niya kailanman pinabayaan ang sarili. Ang kanyang pangangatawan ay nanatiling matikas, tila siya'y isang monumentong itinayo laban sa paglipas ng panahon.
"Lyanna, let's talk," bulong ni Markus, ang mga mata ay nakapako pa rin sa mga s**o ng kanyang manugang. "I will offer you something that will resolve your problems."
Kinagat ni Lyanna ang pang-ibabang labi, kinakabahan. Ngunit hindi niya alintana kung nakatambad sa kanyang biyenan ang mapipintog niyang s**o--hindi niya ipagkakailang matindi ang nadarama niyang pagkailang ngunit pinipilit niyang maging kumportable.
"I'll just rinse off," bulong niya sa malamyos na boses. "Wait for me inside your office."
Naglakad patungo sa malaking hagdan si Lyanna, ang bilugan niyang hita at puwetan ay naging tanawin para kay Markus. Ngunit ipinagtataka ng retiradong pulis ang biglaang pagpayag ng kanyang manugang na mag-usap silang dalawa.
Pagpasok ni Lyanna sa kanilang silid, isinandal niya ang sarili sa pintuan. Ang kamay niya'y ipinatong sa dibdib na hindi mapantay dahil sa malalim na pag-alon nito. Hindi maalis sa isip niya ang hubad na katawan ng retiradong pulis. Ramdam niya ang lalong pag-alab ng init ng kanyang katawan, ang pamamasa ng pagitan ng kanyang binti, at ang pagnanasang maramdaman muli ang mga haplos ng kanyang biyenan.
Wala sa sarili siyang nagtungo sa silid-paliguan mula sa kanilang kwarto. Habang patungo roon ay inisa-isa niya ang pagtanggal sa butones ng kanyang blusa. Sinunod niya ang bagong lace bra, ang pleated shorts, at pagkatapos ay ang lace panty. Kinuha niya ang puting hair turban mula sa sabitan ng tuwalya at siyang ipinulupot sa kanyang buhok upang hindi ito mabasa.
Sa loob ng banyo, sa ilalim ng umaagos na maligamgam na tubig, dahan-dahan niyang ikinuskos ang mamahaling produkto sa makinis at maputi na niyang balat. Bawat hagod ay nag-iiwan ng matamis na halimuyak, habang lalo pang lumilitaw ang hubog ng kanyang murang katawan. Nang matapos, tinuyo niya ang kanyang katawan at tinanggal ang hair turban bago lumabas ng kuwarto nilang mag-asawa. Hindi siya nagbihis, ni hindi nagpahid ng lotion at basta na lang siya nagtungo sa opisina ng kanyang biyenan.
Nagdadalawang isip siya kung itutuloy ba niya ito o hindi. Ngunit, kumatok din siya ng dalawang beses bago niya marahang pinihit ang busol. Nadatnan niya si Markus na hawak ang librong Forensic Science: From the Crime Scene to the Crime Lab sa kaliwang kamay, habang hinuhugot ang isang libro patungkol sa forensic ballistics mula sa mataas na book shelf katabi ng kanyang office table. Bagong paligo rin ang retiradong pulis at nakasuot lang ng navy blue na boxers shorts.
Pumasok si Lyanna at isinara ang pintuan. Kinandado rin niya ito bago dahan-dahang tinanggal ang tuwalyang bumabalot sa makurba at makinis niyang katawan.
"Take me, daddy..." bulong niya. "I'm all yours tonight."
⟶ Don't forget to vote, comment, and follow!