Chapter 3

1583 Words
Jhoyce's POV Kinabukasan ay nagulat ako nang makita muli si Hendrix sa sala. Batid kong marami siyang ginagawa, pero nagsasayang siya ng oras sa akin na dapat sa kumpanya niya na lang itinutuon.  "Bakit ka nandito?" diretsong tanong ko. Ayoko nang paligoy-ligoy pa. "Kailangan ulit nating puntahan si Mr. Vielle." Tinignan ko siya nang matagal. "Para saan pa? Kulang pa ba 'yong information na nakuha natin kahapon?" "Really, Jhoyce? Three questions? Paano ko idi-discuss 'yon sa Daddy mo?" "Kung babalik ka roon, wala na akong balak na samahan ka." Tinalikuran ko siya at paakyat na sana ng hagdan nang marinig ko ang sinabi niya at napatigil. "Kukunin ng Daddy mo ang kotse kung hindi ka susunod sa akin." "Talaga ba? Ayan ang panakot mo sa akin?" natatawang tanong ko. Nakita kong inilabas niya ang cellphone at may pinindot doon. "Good morning, Mr. Rivera. This is Mr. Hendrix Carter. Hindi po puma---" Mabilis kong pinutol ang sinasabi niya. "Oo na, papayag na ako!" inis na sigaw ko. Nakangiting pinindot niya ang screen ng phone at itinago na ito sa bulsa. "Kung hindi ko lang mahal na mahal ang kotse ko, hindi ako papayag sa kagustuhan niyo!" Kinuha ko naman 'yong paper bag na inabot niya sa akin na naglalaman ng damit. Mabilis akong nagpalit at sumama sa restaurant na tinutukoy niya. "Sigurado ka ba rito?" tanong ko habang napapatingin sa paligid ko. Masyadong sosyal ang lugar na ito. "Ano raw sabi sa text?" "Oo, ito 'yong sinabi ng secretary ni Mr. Vielle sa akin." Pumunta naman kami sa isang table at inalalayan niya akong umupo. Hindi ko mapigilang taasan siya ng kilay. Sa ilang taon na nakasama ko siya ay ngayon niya lang ako pinaghila ng upuan. "Nasaan na raw siya?" tanong ko sa kaniya. Kinuha niya naman ang kaniyang cellphone at tinignan. "Papunta na." Napakunot ang noo ko nang tumawag siya ng waiter. "Hindi ba natin sila hihintayin?" Inabot niya sa akin ang menu, pero hindi niya sinagot ang tanong ko. "Roast beef with vegetables and your best wine.” "Sigurado ka ba diyan, Hendrix?" nagtataka kong tanong sa kaniya habang sinasabi niya 'yong order niya sa waiter.  "How about you? Anong gusto mo?" "Busog pa ako at wala akong ganang kumain kapag ikaw ang kasama ko, baka masuka ko lang." Mabilis niyang hinarap ang waiter. "Katulad na lang din ng order ko 'yong sa kaniya." "That's all, Sir?" "Yeah," maikling sagot ni Hendrix. "Hindi ka ba kumain sa inyo at dito mo pa naisipang kumain?" "I did, pero nagutom ulit ako." "Ilang tao ba ang pinapakain mo sa loob ng tiyan mo?" iritado kong tanong. Napakaaga kasing pumunta sa bahay tapos kung kailan may meeting doon pa siya kakain.  "Sorry na. Samahan mo na lang muna akong kumain." "Tsk,” singhal ko. “Wala naman na akong magagawa."  Ilang minuto kaming naghintay hanggang sa dumating 'yong order niya. Kumain naman siya agad, pinaghiwa niya pa ako ng beef, pero tinanggihan ko 'yon. Business ang pinunta ko rito at hindi para makasama 'yong unggoy sa harapan ko. "Pahiram ako ng cellphone mo. Ako na ang kakausap sa secretary ni Mr. Vielle." Turo ko sa cellphone niya sa ibabaw ng lamesa. Kukunin ko na sana ito nang mabilis niya itong kinuha at itinago. Nanliit ang mata ko at tinitigan siya ng masama.  "Ako na," mabilis na sagot niya. "Kumain ka na lang muna." "Wala akong gana." "Matagal pa sila makakarating. Kumain ka na muna." "Tanga ka ba? Hindi mo ba naramdaman na ayokong makasama ka?" iritadong tanong ko. Napatigil naman siya sa pagsubo at hinarap ako. "Masama pa rin ba ang loob mo sa akin, Jhoyce? Ano ba gusto mong gawin ko para mapatawad mo ako?"  "Layuan mo ako, huwag mo akong kausapin." Pilit niyang inaabot ang kamay ko pero iniiwas ko ito sa kaniya. "Nagsisisi na ako dahil sa ginawa ko sa iyo noon, dapat hindi na ako nagloko." Napangisi ako sa sinabi niya. "Ganiyan din ang sinabi mo sa akin noon, pero nagawa mo pa ring magloko. Wala akong ginawang masama sa iyo. Lahat ng oras at atensyon na dapat sa iba ay binigay ko sa iyo. Lahat ng utos mo, sinusunod ko. Ganoon ako ka-seryoso, pero samantalang ikaw, hindi mo man lang maibigay sa akin ang oras mo. Lagi na lang akong may kahati sa atensyon mo." Nararamdaman ko pa rin ang tinik sa dibdib ko nang sabihin ko ang mga salita na iyon sa kaniya. Para bang kahapon lang nangyari at ang sakit pa rin sa puso. "Hindi ko sinasadya, Jhoyce. Nadala lang din ako sa tukso, inakit niya ako." Pinilit ko ang sarili ko na huwag siyang sigawan at magtimpi dahil nasa public place kami, pero sumusobra na siya. "Alam mo? Tang-ina mo! Inakit? Kung gumagana 'yang utak mo, kahit akitin ka ng ilang babae sa harapan mo, kahit maghubad pa ang mga 'yan. Kung alam mong may girlfriend ka, alam mo ang dapat gawin. Ikaw na dapat ang kusang tumanggi. Putang ina! May nakita ka lang pulutan, sinunggaban mo kaagad." Nanginginig ang mga kamay ko nang itago ko ito sa likuran at tumayo. Narinig ko ang mga bulungan ng ibang tao dahil sa kanilang nasaksihan, pero nananaig pa rin ang galit sa akin. "Sabihin mo kay Daddy wala akong balak ituloy ang pinapagawa niya kasama ka. Kunin niya na ang lahat sa akin, wala na akong pakialam!" sigaw ko sa kaniya at kinuha 'yong bag sa gilid ng upuan at lumabas sa restaurant na iyon. Wala na akong paki-alam kung pagtinginan man ako ng ibang tao.  "Jhoyce!" Narinig ko ang sigaw niya, pero patuloy pa rin akong naglakad palabas. Mabilis akong pumara ng taxi para makauwi na. May huminto naman kaagad sa harapan ko. Papasok na sana ako nang may humila sa kamay ko. "Jhoyce, please kausapin mo naman ako," pagmamakaawa nito. "Hendrix, ayoko na, okay? Huwag mo nang ipaalala sa akin 'yong mga katangahan na ginawa ko sa'yo dati. Tapos na tayo!" "No," mabilis na sagot nito.  "Kuya, pasensya na, hindi siya sasakay," sabi nito sa taxi driver. Wala na akong nagawa nang umandar palayo ang sasakyan na pinara ko kanina. "Huwag mo na akong pahirapan," pagmamakaawa ko sa kaniya. "Jhoyce, pakinggan mo naman ako." "Ayoko na, Hendrix. Ayoko na!" Pilit kong binabawi ang kamay ko sa kaniya pero masyado siyang malakas. "Ayoko ng ganito, Jhoyce. Ayokong iiwasan mo na lang ako kapag nagkakasalubong tayo. Alam kong mabigat ang ginawa ko sa iyong kasalanan at pinagsisihan ko ang lahat na 'yon. Ang totoo niyan ay mahal pa rin kita. Nami-miss ko na ang lahat sa atin." "Hendrix!" sigaw ko at napatigil siya. Nanlaki ang mata niya nang makita ang pagpatak ng luha ko. Naramdaman ko ang unti-unting pagluwag ng hawak niya sa akin.  “Tama na, please?” pagmamakaawa ko. "Bakit ba ayaw mo akong pakawalan? Bakit pilit mo pa ring binabalik 'yong masakit na nakaraan sa atin? Pagod na akong magmahal, Hendrix. Pagod na ako simula noong naghabol ako ng pagmamahal mo. Suko na 'yong puso ko, kaya sana huwag mo nang durugin ulit." "Jhoyce, I'm sorry." Naramdaman ko ang mahigpit na yakap niya sa akin. Kung paano niya haplusin ang likod ko para pagaanin ang loob ko. "Tahan na, ihahatid na kita sa inyo. I'm sorry."  Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at inalalayan ako hanggang sa makasakay kami sa kotse niya. Tahimik ang naging byahe namin hanggang sa makarating kami sa bahay. Inihatid niya lang ako at bumalik na sa kotse niya para umalis. Kinabukasan ay hapon na ako nagising. Nag-iwan si Daddy ng note sa side table ko at pinapapunta niya ako sa Company. Alas singko na nang makarating ako roon, busy pa rin ang mga tao at para bang may hinahabol na deadline dahil sa pagiging abala ng bawat isa.  "Miss Jhoyce, you're here. Kanina ka pa po hinihintay ng Daddy mo, pumasok na lang daw po kayo sa room niya," sabi ni Miss Michelle, ang secretary ni Daddy. Tumango naman ako at nagtungo na sa room ni Daddy.  Papasok na sana ako nang marinig ko ang mga pamilyar na boses sa loob. Mabuti na lang at may konting bukas kaya naririnig ko ang pinag-uusapan nila. "Anong nangyari sa date niyo kahapon ng anak ko?" tanong ni Daddy na ikinalaki ng mata ko. Anong ibig sabihin ni Daddy? Alam niya ang tungkol sa nangyar kahapon? "It's good, Sir. Lahat po ay umaayon sa plano." Narinig ko ang boses ni Hendrix doon sa loob. "What do you mean?" "Alam ko po na may nararamdaman pa rin ang anak niyo sa akin. Huwag po kayong mag-alala at magkakabalikan muli kami." Napahawak ako sa dibdib ko at unti-unting lumalakas ang t***k ng puso ko. "Nakakahalata ba siya sa assignment na binigay ko sa inyo?" "No, Sir. In fact, she's very dedicated to her work." "Good! I'll transfer the money to your bank account." Nanlambot ang mga tuhod ko dahil sa narinig. Biglang uminit ang gilid ng mata ko at naramdaman ko ang pagpatak ng luha sa pisngi ko. Hinawakan ko ang bibig ko para hindi nila marinig ang paghikbi ko. "Thank you, Sir. Huwag kayong mag-alala at makukuha ko muli ang tiwala ng anak mo." "Miss Jhoyce, bakit nasa labas pa rin kayo ng kuwarto ni Mr. Rivera?" Mabilis akong napalingon sa babaeng nagsalita sa gilid ko at nagulat siya nang makita ang reaksyon ko. "Umiiyak po ba kayo? Ano pong nangyari?" Narinig kong bumukas ang pintuan at narinig ko ang pagtawag nila sa pangalan ko. 'Yong dalawang taong may dahilan ng pagluha ko ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD