"What's that?"
Kunot noong tanong niya kay Stan nang lapitan siya sa poolside. Kasalukuyan siyang nag merienda.
" Pinabibigay ni Nathan. Masyado mo kasi minadali kaya hindi na niya na ibigay."
Hinawakan nito ang kamay niya at isinuot ang wedding ring.
" Oh!"
Iyon lang ang naging reaction niya nang makita ang mamahaling wedding ring na isinuot ni Stan.
" Hindi ba dapat siya ang magsuot nito sa akin?"
Tanong niya sa binata na nakatitig sa kanyang mga daliri na may singsing.
" He's busy. Masanay ka na, I am his substitute."
Tinitigan niya ang wedding ring.
" Ibalik ko na lang pag maayos na ang lahat."
Sabi niya at balak sanang tumayo pero pinigilan siya ni Stan.
" This is what you want. Why do you look so sad?"
Nagpawala siya nang buntong hininga at hinarap ito.
" Hindi ko alam kung mapapatawad ko ang sarili ko, kung may masamang mangyari kay Grandma."
" Impulsive kang mag desisyon. Kung paanong you were not thinking when you offered me to deflower you."
Namula ang mukha niya sa sinabi nito.
" Ang tagal na noon at wag mo na ipaalala."
Kinuha niya ang tray nang merienda at pumasok sa loob. Ramdam niya ang pagsunod nito sa kanya.
" Kailan mo balak sabihin na may asawa ka na?"
Tanong nito habang nakasunod sa kanya.
" If they will force me to marry Gabriel."
Sagot niya at napalingon dito nang marinig ang mahina nitong pag mumura.
" I hate that name."
Sabi nito na nakapag pasalubong sa kanyang mga kilay.
" At ano ang balak mo sa kasal ninyo ni Nathan?"
Sabi nito na lalong nakapag pakunot sa kanyang noo.
" Eh ano ba dapat? Kasi wala akong maiisip. I have too much on my plate. I did not even know kung tama ba o mali ang ginawa ko. Ang dami ko pa dinamay."
Matapos na ilapag ang tray sa kusina ay agad siyang nag martsa palabas. Para makalayo kay Stan.
Pero nakasunod pa din ito sa kanya. Kaya hinarap niya ito at pina meywangan.
" Ano na naman ba, Stan Lee?"
Tanong niya dito pero wala itong sinabi, tiningnan lang siya nito.Saka dahan dahan na lumapit sa kanya.
" Stan Lee, tigilan mo nga ako!"
Aniya na sige ang kanyang pag atras hanggang tumama ang kanyang likod sa handrail nang hagdan.
" What? Aakyat lang naman ako sa room ko?"
Natatawa nitong sabi sa kanya at nilagpasan siya. Sa sobrang inis ay inambaan niya ito nang suntok na agad niyang ibinaba ang kamay nang lumingon ito.
" You want to come with me?"
Tanong nito sa kanya na inirapan lang niya.
" Tse!"
Sagot niya at naglakad papunta sa garden.
Kaya kinabukasan sinadya niyang gumising nang maaga para maabutan si Nathan o ang mga magulang nito.
" Good morning, Tita Nash and Tito Shaun."
Masaya niyang bati sa mag asawa na nasa hapag kainan.
" Good morning, Csezah? Kumusta ka naman dito?"
Tanong ni Tita Natasha na magiliw na nakangiti sa kanya.
" Okay, naman po.Medyo mainip lang po dahil sanay akong nasa wine factory or sa plantasyon."
Sagot niya hindi man direkta pero gusto niya nang may ginagawa.
" Gusto mo bang sumama sa amin? Meron kaming feeding program sa isang orphanage?"
Tanong ni Tita Natasha na agad naman kumislap ang mata niya sa kasiyahan.
" Pwede po ba?"
Hindi pa man masaya na siya na lalabas siya ngayong araw.
" Oo naman, kailangan namin nang volunteer."
" Sige po Tita, sasama po ako."
Sabi niya na masaya, na agad na nagbago ang timpla niya nang dumating si, Stan. Nakasuot na ito nang three-piece suit nito.
" Good morning, Mom, and Dad."
Bati nito sa mga magulang at tumabi sa kanya.
" Morning, Ezah."
Sabi nito pagka upo sa kanyang gilid na tipid niyang sagutin.
" Morning Stan."
Sabi lang niya na hindi tumingin dito.
" She will come with us today, Stan."
Sabi nang kanyang ama, na tumaas naman ang kilay nang binata.
" Oh really? I hope you enjoy the activities today, Ezah."
" Thank you. I will."
Bumaling siya dito at pilit na nginitian. Pero nunca niya itong pansinin kung wala lang ang mga magulang nito.
" Morning, pretty Ezah."
Masayang bati ni Nathan na bagong pasok sa dining, tumabi ito sa ina at sa katapat niyang upuan.
" Mom, Dad. Morning."
Bati nito sa magulang.
" You seem happy today, Nathan?"
Tanong nang kanyang ama.
" Yeah, I am invited sa isang baranggay fiesta. And you know fiesta tradition."
Masaya nitong sabi at bumaling sa kanya.
" You want to come, Ezah? Mag e enjoy ka."
Pagyaya nito sa kanya kaya napabaling siya sa mga magulang nang mga ito.
" Mas mabuti na kay Nathan ka sumama kasi minsan lang ang fiesta,ang feeding program twice a month namin ginagawa."
Nakangiti na sabi ni Tita Nash na agad nag liwanag ang mukha niya.
" Kina mommy ka na lang sumama. Baka maguluhan ka sa fiesta. Madaming tao doon."
Sabi ni Stan na halata ang pagka disgusto nito na nagbago siya nang pasya.
" Nakapunta ka na ba sa fiesta nang barangay?"
Tanong ni Nathan na agad siyang umiling.
"Good! It's a new experience, kaya magugustuhan mo."
Pilit pa nito na binalewala ang talim nang tingin nang kapatid.
" Besides, I want to spend time with my pretend wife."
Dugtong pa nito, at narinig niya ang mahinang ungol ni Stan sa pag protesta pero kumikislap naman ang mga mata ni Nathan sa kasiyahan sa pagpayag niya.
" Sure, I'm excited. I want to see how they celebrate fiesta."
" Siguraduhin ko na mag enjoy ka. You will not regret it, Ezah."
Masaya na sabi ni Nathan, at si Stan naman ay agad na tumayo.
" Stan, walang opening sa telecom. Please, no more firing of employees for today."
Pahabol ni Nathan sa kapatid, pero galit lang itong lumingon.
" Kung may gusto akong I fired,ikaw iyon Nathan. Sinira mo ang araw ko."
Sabi nito na tinawanan lang ni Nathan.
" I didn't know my life will have spice now that you came to our house Ezah."
Malaki pa din na ngiti ni Nathan na maganang kumain.
" Don't be too harsh to your brother, Nathan. Mga empleyado naman niya ang kawawa."
Kahit ang ama nang mga ito ay may sinusupil din na ngiti sa mga labi.