" Aw s**t!"
Hindi niya napigilan na reklamo, agad naman nagmulat nang mata si Stan at sinilip siya.
" Anong masakit sa iyo?"
Tanong nito inalis niya ang braso nitong nakayakap sa kanyang hubad na katawan.
" Lahat!"
Sabi niya dito na hindi gumagalaw sa higaan. Mahinang tumawa si Stan at hinalikan siya sa noo.
" I want to use the bathroom, Stan."
Umalis ito sa tabi niya at tumayo sa gilid nang kama upang pulutin ang kanilang mga damit na nagkalat.
" I can't believe it fits."
Hindi niya napigilan na sabi dahil kung paanong nakatayo si Stan sa harap niya ganun din ang pagkalalaki nito.
" Kung hindi ka lang nag reklamo na may masakit sa iyo, patutunayan ko."
" Napatunayan mo na! Pero hindi ako makabangon."
Irap niya dito. Tumawa si Stan at inalalayan siyang maupo sa kama.
" Mabuti na lang pala hindi nangyari sa atin ang ganito noon. Baka ma hospital ako."
Lalong natawa si Stan sa kanya.
" Ang aga mo sana nag asawa."
Dugtong ni Stan at masuyong hinawakan ang kanyang mukha at tiningnan siya sa mga mata.
" Akin ka na Ezah. You belong to me now."
Kinunutan niya ito nang noo.
" Possessive! Asawa ako nang kapatid mo."
Bigla nagkalambong ang kanyang magandang mukha matapos sabihin iyon.
" Ako ang asawa mo Ezah. At ako ang magiging ama nang anak mo."
Tumuwid nang tayo si Stan pagkasabi noon at nagsimula na itong magbihis. Ganun din ang ginawa niya habang mayroon na gumugulo sa isip niya.
" You're sprain become severe. I don't think you can walk."
Sabi nito habang nakatingin sa kanyang mga paa na namumula at mas namamaga.
" Oh, God. Paano ako makakauwi?"
Sinipat din niya ang kanyang binti. Dagdag naman talaga sa sakit na nararamdaman niya ngayon.
" I will carry you. Or we can extend, kahit ilang araw pa."
" How about your work?"
" My work can wait. Saka nandiyan naman si Daddy we can still count on him."
Nagpilit siyang tumayo matapos magbihis, pero agad siyang pinigilan ni Stan.
" What do you need?"
" Pakiabot nang bag ko please."
Sabi niya at hindi na nagpumilit na tumayo. Sumidhi ang kirot sa kanyang na sprained na paa, ganun din nang kanyang pagkababae.
Kaya bubulong bulong siya habang kinukuha niya ang kailangan niya upang makapaligo.
Napasulyap siya kay Stan na may sinusupil na mga ngiti sa labi.
" Anong ngini ngiti ngiti mo Stan?"
Tanong niya dito na nakasimangot.
" Your complaining now, samantalang iba ang lumalabas sa bibig mo kagabi."
Namula ang mukha niya sa tukso nito. Dahil iyon ang totoo, she's wantonly asking Stan for more.
" Ang paa ko ang inerereklamo ko. Paano tayo makakauwi."
Palusot niya na tinawanan lang ni Stan.
" If you say so, sweetheart."
Sabi nito at lumapit na sa kanya at binuhat siya palabas nang kwarto.
" Morning guys!"
Masayang sabi ni Dia na nasa mesa at kumakain na nang agahan. Mapanukso ang tingin nitong pinukol sila.
" Hindi ka na makalakad, Ezah?"
Biro ni Aidan sa kanya pero iningusan lang niya ito.
" Masakit ang mga paa ko."
Sabi niya at itinaas pa niya ang kanyang binti na halata ang pamamaga nang sakong.
" Ouch, that must be hurt."
Lumapit pa si Dia sa kanya.
" Yeah, it is! Masakit talaga."
Sabi niya at agad namula ang mukha dahil nakatingin sa kanya si Stan.
" Ipasok mo na ako sa bathroom. I will call you later."
" Make it fast, Ezah. After natin mag breakfast, punta tayo sa spring. Malapit lang iyon dito."
Ipinasok na siya ni Stan sa loob nang banyo.
" Call me, if you need help."
Bilin nito at lumabas na nang banyo. Kahit may iniinda na sakit ay pinilit niyang maligo nang maayos. Hindi siya makapaniwala na hindi na siya virgin. Naalala niyang sinabi nito na sa asawa lang niya iyon gawin. Pero willing siya noon pa basta kay Stan. Hindi naman siya nagsisisi dahil si Stan ang gusto niyang pagbigyan nang sarili. Pero noon mali, katulad ngayon mali pa din. Nakatali siya kay Nathan na kapatid nito.
" To earth, Ezah."
Kuha nang atensyon sa kanya ni Dia habang kumakain siya nang agahan. Sa balkonahe ulit nakahanda ang pagkain, habang si Stan naman ang gumamit nang bathroom.
" Anong sabi mo?"
Baling niya dito at humigop nang kape.
" Maiwan ba namin kayo, or sasabay na kayo pauwi?"
Ulit nito sa sinabi na hindi niya narinig.
" We will stay here for a few more days."
Si Stan ang sumagot na bagong paligo na. Tumabi ito sa kanya at nagsimula na din maglagay nang pagkain sa sariling plato.
" Yeah! Much better. Hindi mo pa kayang maglakad nang malayo."
Sabi ni Aidan na laging nakadikit lang sa asawa.
" Okay na din. I'm scared baka dumating na si Lola at ipatawag ako."
Lahat tumingin sa kanya.
" So, hindi pa pala natatapos ang lahat sa pretend husband, huh?"
Tumaas pa ang kilay ni Dia sa kanya.
"If she will accept, and will not have a heart attack. Then everything is fine. Lahat mag move on. And do what we all have to do."
Sabi niya at sumulyap kay Stan na matiim na nakatingin sa kanya.
" Ano pala ang ginawa mo Ezah? Out of being impulsive na naman?"
Umiwas siya nang tingin dito. At hindi ito sinagot.
" Gawin mo na ang pwede mong gawin ngayon. It seems like you only have plan A."
Sabi ni Dia at bigla itong nalungkot habang nakatingin sa kapatid.
" Hindi ka naman takot siguro mawalan nang mana, at kahit ang wine factory okay lang mawala sa iyo. If you will marry Stan hindi ka maghihirap Ezah."
Suhestiyon ni Aidan, pero umiling siya.
" It's my grandma, we're talking about. Ayaw kong mamatay siya nang may sama nang loob sa akin. Or worst mamatay siya nang dahil sa akin."
Sabi niya at nagpawala pa siya nang buntong hininga.
" Sana lang matanggap niya, para maging malaya ka na din gawin ang gusto mo."
Tumango siya kay Dia. Si Stan ay hindi na nagsalita. Lumabas din ito nang log house pagkatapos na kumain na sinamahan naman ni, Aidan. Naiwan sila ni Dia na sinamahan niya na magluto nang pananghalian.
" This looks yummy."
Nakatingin siya sa mga putahe na niluto nito.
" Sige na tikman mo na."
Nakangiti nitong sabi na ginawa naman niya.
Natutuwa siya sa kasiyahan na nararamdaman nito bilang asawa ni Aidan. Sana magkaroon din siya nang pagkakataon na maranasan ang ganitong kasiyahan.
Pero alam niyang isang panaginip lang ang lahat. Oras na ipa tawag siya nang kanyang, Lola, babalik siya sa nakakatakot na realidad.