" Oh, Dios Mio!"
Naka ilang higa at ikot na siya sa kama pero hindi naman siya makatulog. Hindi naman siya makapag inom nang alak baka mawala siya sa sarili, katulad noon na nawalan siya nang inhibisyon.At ialok ang sarili sa kanyang, ultimate crush na si Stan Lee!
Ang kanyang crush at nang panahon noon, ito ang nakakapagpatibok nang mabilis sa kanyang puso. Nakapag pangiti sa kanyang labi. At anong saya niya nang halikan siya nito.
" s**t! Que horror!"
Bumangon siya at lumabas sa veranda. Pinagsawa niya ang sarili sa pag tingin sa mailaw na siyudad.
" Offer me your body!"
Paulit ulit na pumapasok sa isip niya ang alok ni, Stan. Tapos na nga ba ang problema niya pag ginawa niya iyon? O panibagong problema ang papasukin niya. Alam ba ni Stan na inaalagaan pa din niya sa puso ang binata. Ang kanyang ultimate crush ay nag iisa pa din niyang tinatangi.
Umupo siya sa upuan na bakal at isinandal ang ulo at pumikit. Pumasok ang muli niyang pag kikita matapos ang limang taon...
Pakiramdam niya siya ang ikakasal habang nakatingin si Stan na bestman at katabi ng groom na si Aidan. Mula nang maglakad siya nakatitig lang ito sa kanya.Alanganin siyang ngumiti dito.
Maging nang makarating sila sa reception nang kasal hindi iilang beses niya itong mahuli na nakatingin sa kanya.Hanggang masambot niya ang bouquet at garter kay Stan.
" Higher! Higher!"
Nagkakatuwaan na tukso sa kanila na hindi naman ginawa ni Stan. Hanggang lampas tuhod lang.
" Kiss! Kiss!"
Muling sigaw sa kanila at iyon ang mabilis na sinunod nang binata. Inabot nito ang kanyang mga palad. Hinila siya patayo na nagpatianod siya. Habang nakangiti ito sa kanya, masuyo siyang hinapit sa beywang.Ginantihan niya ito ng ngiti, pero kung alam lang nito ang lakas nang kanyang kaba. Mas gumuwapo ito, nang huli niya itong makita.
"Kiss daw."
Sabi nito at bumaba ang mga labi nito sa kanya. It's just a simple and brief kiss pero sapat na iyon para mag wala ang kanyang puso.
" Welcome back, Csezah."
Matapos ang halik ay sabi nito, hindi siya nito binitiwan.
" Thank you, Stan."
Tipid niyang ngiti na hindi makatingin dito.
" I'm glad, hindi mo ako tinawag na kuya."
Nakangiti nitong sabi, hindi niya napansin na sumasayaw na pala sila.Ang mga palad niya ay ito ang nagpatong sa balikat nito.
" Kasi ayaw mo. Gusto mo ba tawagin kitang kuya?"
Tanong niya dito, na engganyo siyang tinggnan ito katulad nang ginagawa nito sa kanya. Bakit ang gwapo nito sa paningin niya. Did he find her beautiful also?
" Of course not. Hindi ko gugustuhin na tawagin mo akong kuya."
Tumango siya at umiwas nang tingin.
" You'll stay here for good?"
Tanong nito na hindi niya alam kung paano sasagutin.
" Actually, I don't know yet."
Matapat niyang sabi dito. Kumunot ang noo nito. Pero bago pa ito nakapag tanong huminto na ang sweet music at humiwalay siya dito.
" Papa is calling me."
Paalam niya dito at mabilis niyang tinalikuran ang binata.Gusto din niyang itago ang kasiyahan na makita itong muli.
Pero hindi niya naitago iyon nang nasa isla sila.
" Where are you taking me, Stan?"
Boses lasing niyang tanong dito, habang pangko siya ng binata.
" Tsk! Wag kang malikot baka mahulog ka sa dagat."
Sa halip sagot ni Stan, kaya hindi siya gumalaw at nag reklamo man lang. Isa pa lasing siyang talaga. Mahigit sa limit ang alak na kanyang ininom ngayon.
Isinakay siya nito sa speed boat nito at umalis sila sa fish pen. Ang akala niya sa cottages siya dadalhin ng binata. Pero tumigil ang speed boat sa isang floating beach house.
Inalalayan siya nitong makababa sa speed boat nito, pero nawalan siya ng panimbang. Maagap naman siya nitong nasambot.
" Ow, maybe I need to take a dip?"
Tanong niya dito, kahit liwanag lang nang buwan ang tumatanglaw sa floating house nito hindi niya mapigilan ang pagka mangha.
" No, Ezah. Lasing ka at gabi na. Baka malunod ka. Medyo lasing din ako."
Lumabi siya at hindi na tumanggi nang hawakan ang kamay niya. Pinapasok siya nito sa loob.
" Oh, this is nice!"
Sabi niya at mabilis na humiga sa sofa bed na nakita.
" I will make coffee, Ezah. Para mawala ang lasing mo."
Lumapit ito sa mini kitchen, hinayaan lang niya ito. Nahagip nang kanyang mga mata ang mga painting na nasa dinding. Tumayo siya at sinipat iyon.
" Wow, who made these pencil drawings?"
Namamangha niyang sabi dito. Lalo na sa isang drawing na mga labi na magkalapat.
" Nagustuhan mo?"
Tanong nito na lumapit sa kanya at inabot ang mug nang kape.
" Yeah! I want to have one."
Sabi niya matapos abutin ang kape.
" Gagawan kita, a portrait of you."
Napaawang ang kanyang labi sa narinig.
" Ikaw ang may gawa nito?"
Nakangiti itong tumango sa kanya, habang pareho silang naka tunghay sa drawing nito sa dinding.
" Wow! I didn't know you were this talented, Stan. Kaya pala hindi nagkamali ang puso ko na magka crush sa iyo eh! Gwapo na talented pa."
Sa pagkakataon na ito sa mukha niya ito nakatingin.
" You mean it?"
Umiwas siya nang tingin at naupo sa sofa bed.Tumabi ito sa kanya.Sa coffee mug siya nakatingin.
" I don't want to entertain feelings anymore. I don't want to be hurt. Loving someone I cannot have."
" Loving someone I cannot have.."
Gagad nito sa kanya, hanggang marinig niya itong tumawa nang mahina.
" Isipin pa lang masakit na."
Tumingin siya sa binata. Ilang saglit nagtama ang kanilang mga mata.
" At mas masakit kung makikita mo siyang kasama nang iba."
Sabi niya, still looking at him.
" Kahit alam mong sa iyo siya sasaya?"
Pareho na silang natawa, sa kanilang pinag uusapan.
" Help me, Stan. Kilala ko si Gab, he's known for being a womanizer. Gusto ko ako lang! He will make me cry for sure."
Kinuha nito ang tasa sa kanyang kamay, at ikinulong ang kanyang mga palad sa mainit nitong mga kamay.
" Lahat naman tayo iyon ang gusto. Ang walang kahati."
Hindi siya umiwas nang lumapit ang mukha nito sa kanya para siya halikan. At ipinagkanulo, siya nang kanyang sarili dahil sa kanyang maalab na pag tugon.