" It's already late, Stan. Nasa villa si Ezah. Bukas na lang tayo pumunta doon." Bakas sa mukha ni Finn ang pagod sa kanilang mahabang byahe kaya hindi na siya nagpilit na makita agad si Ezah. " It's okay Finn." Sabi niya at agad na sumunod sa kasambahay nang mga ito na tinawag ni Finn upang dalhin siya sa guest room. Alam niya na mayaman ang angkan nang pamilya nang ama ni Ezah at hindi niya alam na ganito pala ang mga ito kayaman. Bawat parte nang bahay ay nag papatunay nang karangyaan. " Thank you." Sabi niya sa nag hatid sa kanya sa kanyang silid. Matapos ibaba ang kanyang bag ay pumasok siya sa isang silid at nag shower. Kahit gaano kapagod hindi agad siya nakatulog. Ginugulo siya nang alalahanin para sa kanila ni Ezah. Kung siya ang masusunod isasama niyang iuwi ang asawa. Ipi

