Kasalukuyan kamin nanonood ng tv kasama si Stanley, pero wala doon ang atensyon ko. Paano ay nagtext na naman ang mommy ko. "I have to make a call. I'll be right back." Tumayo ako at nagpunta sa labas ng room. "Hello." Ang bumungad sa akin ay ang malamig na boses ng Mommy ko. "Mom." I bit my lips. "What did you do to Anna, Xian?! I heard from Gina na umiiyak si Anna pagkauwi niya." Di ako nagsalita. Anong sasabihin ko rito? Kapag sinagot ko rin naman ito ay hahaba ng hahaba ang usapan. "This time you have to apologize to Anna. And you've got some explanations to do." "Mom... just... please tama na. Ayoko talagang pumunta sa mga blind dates." "Titigil lang ako once you introduce a girlfriend to me." Saan ako hahanap no'n? "Umuwi ka this weekend." Iyon lang binaba na nito ang call

