Ipinikit ko ang mga mata ko at dahan-dahan kong minasahe ang ngalay kong leeg. Lumingon ako sa may bintana at pinagmasdan ang bawat pagpatak ng ulan ngayong umaga. Sa kasalukuyan ay mag-isa ako sa apartment. Sinabi ni Ate Ching na magreport na lang ako for work bukas, para full battery akong sasabak sa trabaho. At dahil wala akong magawa ay nakaupo ako ngayon sa harap ng easel stand, may hawak na tasa ng umuusok na kape. Itinabi ko muna ang hindi tapos na painting sa tabi at kumuha ng panibagong blank canvas. Ang nasa harap ko ngayon ay isang 24" x 30" blank canvas. May naisip na akong subject ng painting ko. Vinivisualize ko na lang kung ano ang gagawin ko. I sipped my coffee and quietly breathe in its smell. The aroma of the freshly brewed coffee gives my brain the stimulation I nee

