"Straight flush! Pay up bitches!” Usal ni Mariel nang manalo siya. Natawa ako nang makita ko itong astang gangster kung maningil sa iba. "Ang ganda na ng card ko eh!” Nakasimangot na reklamo ni Sandra habang yakap-yakap ang pera nito, pinoprotektaan mula kay Mariel. “Bruha, magbayad ka.” Ani Mariel at pilit na inaagaw ang pera ni Sandra. ‘Di kalaunan ay nakuha na rin ng nauna ang perang napanalunan nito. Kanina habang nakatambay sa kwarto ko ay nagkayayaan ang barkada ng pusoy. Pinili ko na lamang manood dahil madalas akong matalo kapag kalaban ko ang mga ito. Aliw na aliw ako habang pinapanood ang mga itong magsugal. "Ang daya naman. Isa pa! Babawi ako." Sabi ni Sandra habang naglalabas ng panibagong pera. Napailing na lamang ako sa mga kaibigan ko. "Tama na ‘yan, pagabi na oh. Bi

