Base sa lakas ng palakpak, siguradong nageenjoy ngayon ang mga guests sa performance ni Luna. Well… except me. Simula noong umakyat ito sa entablado ay hindi ako tumingin sa direksyon na iyon at ayaw ko ring tignan maging ang katabi ko, baka kasi matagpuan ko lang itong nakatingin kay Luna. Ayokong makita ang ekspresyon nito habang tinitignan ang nobya nito. Itinuon ko na lang lahat ng atensyon ko sa pagkain na ibinigay nito sa akin. Doon ko ibubuhos lahat ng pait na nararamdaman ko. Pangalawang plato ko na ‘to. Sasabog na yata ang tyan ko sa pagkabusog. But even if I already felt so full, I still grabbed the last cupcake on my plate and took a bite. Hindi ko kasi ugaling magtira ng pagkain sa plato. Ngunit sa huling malaking kagat ko ay bigla akong nabulunan. My eyes turned moist fro

