Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. "You're awake." Inilibot ko ang tingin ko sa paligid bago tumigil iyon sa babaeng nakatayo sa mag gilid ko na abala sa pagsulat sa chart nito. "How long was I asleep?" Tanong ko kay Mariel. "Simula kaninang nagising ka—" She paused and checked her watch. "—it has been 4 hours." Tumango ako at pumikit. I still feel weak. Para bang drained na drained ako. I couldn't even raise my hands for too long. "Here I charged your phone. Tawagan mo na si Tita para hindi na siya mag-alala." Anito sabay abot sa akin nang cellphone ko. Ngunit bigla kong nabitawan iyon nang marinig ko ang sunod nitong sinabi. "Oo nga pala tumawag si Leo sa akin." Mariel burst into laughter as she picked up my phone on the floor and handed it to me once more. I glared at her.

