The week passed by. I've been visiting Stanley regularly but this time though banda 6 pm ko na ito binibisita. Nagbago na naman kasi ang shift ko. It has been more than a week na rin nang last kong makita si Leo. Busy daw ito ngayon sa mall ayon sa ina nito. Bukas ay madidischarge na si Stanley. Ipinaalam ko na last week pa sa Lola ni Stanley ang contact number ng classmate ko na gustong tanggapin ang job offer. Nitong nakalipas na linggo, nakakwentuhan at nakaclose ko ang Lola ni Stanley. Masayahin ito at mabait, gusto nga nito na tawagin ko itong Tita. Noong una ay medyo naiilang ako, ngunit mapilit ito. Naiinggit daw ito sa akin. Mas close pa daw si Stanley sa akin kesa sa kanya. Pero natutuwa rin naman dahil nakikita nitong genuine ang pakikitungo ko sa apo nito at si Stanley nam

