"Water." Kasalukuyan akong nasa set ngayon, nakaupo at nagpapahinga. Ibinaba ng PA ko ang hawak nitong pamaypay at kumuha ng mineral water. Binuksan muna nito iyon bago inabot sa akin. Pagkatapos kong uminom ay isinauli ko iyon sa kanya. "Ang init." Reklamo ko rito. Agad ulit nitong kinuha ang pamaypay na hawak nito kanina at pinaypayan ako. Minasahe ko ang sentido ko. Nakakailang takes na kami sa iisang scene lang. May isang artista na kanina pa nagkakamali sa mga lines niya. It was getting on my nerves. "Start na tayo ulit!" Sigaw ng assistant director. Niretouch muna ng make-up artist ang foundation ko bago ako tumayo at nagpunta sa dapat na pwesto ko. "Take 8, scene #61! Ac—tion!" "Bakit ba palagi niyo na lang akong kinokontra? Meron naman akong sariling pag-iisip! May mga bag

