Hindi ko na pinansin ang dalawa. Nakarating na kami sa destinasyon namin sa loob ng mahigit 20 minutes. Sa dami ng bisita ni Tita Tess, andaming sasakyan ang nakaparada sa gilid ng daan. Naghanap ako ng space, medyo malayo sa gate nila pero, wala akong choice. Pagkatapos ko iparada ay binuhat ko na ang regalo. Sabay sabay kaming pumasok sa loob. Pinaghandaan talaga ang birthday ni Tita, dahil punong-puno ng elegant na decorations mula sa entrance pa lang ng bahay nila. May music din na tumutugtog sa background. Pinatuloy kami ng kasambahay sa garden, maraming bisita na ang nakaupo. Pagkatapos kong iabot ang regalo sa kasambaay ay dumiretso kami sa harap. "My only sister!!!" Tawag ni Tita Tess ng makita kami. Nagyakapan ang dalawa, habang teary-eyed naman na binati ni mommy si Tit

