[22] Culprit Kumunot ang noo ko nang makapasok ako sa loob ng bahay. Maraming mga putik na nasa sahig, maging sa mga display kong vase ay mayroon din. May mga tissue papers na nagkalat at mga dahon na kung saan-saan nagkalat. Kadarating ko lang galing sa site dahil nagkaroon ng emergency. Si Terrence lang ang naiwan para magbantay kay Gerry dahil hindi pa umuuwi si Miyang. And now, all I have is a messy house. Dumiretso ako sa family room at naabutan si Gerry na nasa maliit niyang port na gawa sa kumot mula sa guest room. Nakatalikod ito sa akin at mukhang may pinagkakaabalahan kaya hindi ako napansin. "You're going down terrorist," bulong niya. Lumapit pa ako sa kaniya ng kaunti para makita ang ginagawa niya. At kamuntikan ko nang mapahilamos ang aking palad sa aking mukha dahil sa n

