"JULIA! Halika na, iiwanan kita kung magtatagal ka pa." Binuksan ni Ali ang driver's seat at nilagay ang leather attache case sa upuan. Naunang umalis ang dalaga sa hapagkainan para maghanda sa eskuwela pero hanggang ngayon ay hindi parin ito nakakalabas ng kwarto.
Women.
Natigilan si Ali sa naisip. Women, napapabilang na si Julia sa kategoryang iyon. She's growing fine as a sixteen years old, mula baywang, ngayon ay hanggang dibdib na niya. Pati karakter nito ay nagsisimula na ring mahubog katulad ng sinabi ni Manang Fe, she's showing her rebellious side.
"I'm ready!" Patakbo itong lumabas ng main door at umikot sa passenger's seat.
"Hold on, bakit ganyan ang hitsura mo?" kunot noong tanong ni Ali na nakatitig sa labi ng dalaga. "Are you wearing lipstick?"
"Lip balm lang po 'to." Binuksan nito ang pintuan at sumakay kaya pumasok na rin siya.
"Bakit ang pula?"
"Ali, it's the new trend of women's fashion." Hinila ng bata ang seatbelt sa gilid ng upuan at kinabit sa katawan. "Lets go?"
"Burahin mo iyan," saad niya na inabot ang box ng tissue na nasa harapan ng dashboard.
"Why are you making it a big deal? Halos lahat ng mga girls sa school gumagamit na ng lipstick, lip balm na nga lang akin, e."
"It doesn't suit you," aniyang binuhay ang ignition.
Buhat sa narinig ay natigilan ang babae, parang hindi nito inasahan na marinig iyon mula sa kanya.
"...are you saying I look ugly?" Julia uttered the question in a low tone, so low that he could sense a light tremble in her voice.
"No. Ang sinasabi ko lang--"
Pahablot itong kumuha ng tissues at nginudngod sa labi, pagkatapos ay hindi na umimik, humalukipkip at tumanaw sa labas ng bintana.
"Julia...ang bata mo pa. Ayaw ko lang na masanay ka sa mga ganyan. May mas mahahalagang bagay na dapat mong pagtuunan. Hindi naman siguro compulsory na gumamit ka ng ganyan sa school, hindi ba?"
Hindi na ito umimik, hindi rin gumalaw kaya napabuntong-hininga na lang si Ali at hinarap ang manibela. Hanggang makarating sila ng eskwelahan ay walang salita na nagmula dito.
"Take care," sabi niya bago lumabas ang dalaga sa kotse pero wala parin itong sinabi.
***
"Kanina pa nakatingin si Sir sa cellphone niya. Mukhang may hinihintay na tawag," usyoso ni Sharon nang minsan ay nagkasabay sila ni Brenda na kumuha ng tubig sa water dispenser. Kita mula sa kinaroroonan nila ang opisina ni Ali na nasa dulo lang ng malaking kuwarto ng department. Nakabukas ang blinds na nagsisilbing tabon ng buong silid nito mula sa labas.
"Baka nag-away ng jowa," sagot ni Brenda.
"Sino pala ang jowa niyan ngayon? Iyon parin bang doctor na pumupunta rito?" si Sharon.
"Hindi yata, matagal nang hindi ko nakikita iyon dito, e. Minsan may nakita akong kausap niya sa lobby, matangkad, sosyal parang model," si Brenda ulit.
"Ilang taon na ba 'yan? Late thirties? I'm not sure pero bachelor pa rin, ano kaya ang hinihintay?"
"Baka maselan sa babae."
"Mas maselan iyan sa designs kaya tigilan n'yo na iyan at kumayod na kayo," putol ni Mako sa bulungan nila.
"Ang killjoy mo talaga, Mako," reklamo ni Sharon. "Kakabuka pa nga lang ng bunganga namin, umeksena ka na agad. 'Li ka na nga Brenda," anito sa babae pero hindi parin tumigil sa pag-uusap, lumipat lang ng puwesto. Napapailing na lang si Mako na pinindot ang buton para sa mainit na tubig.
***
Nag-ring ang cellphone na nasa kanan ni Ali kaya dinampot niya iyon matapos bahagyang sulyapan kung sino ang caller. Hindi niya kilala ang numero pero tinanggap niya ang tawag habang hindi tinatanggal ang tingin sa binabasang emails.
"Yes, who's this?"
"Hello! I am Claire Sanchez, the representative of Prime Manila. I am sorry for calling you directly, Mr. Marzouq, but this matter is urgent. It's about the qoutation for the marketing ads."
"Yes, Miss Sanchez, what about the qoutation?"
"Is it possible for us to meet and talk about it somewhere, Sir?"
"Hindi ba puwedeng i-send nalang ang details sa email?" Umilaw ang personal cellphone niya na nakalagay sa tabi ng mouse kaya sinulyapan iyon ni Ali.
1 New Message: +63916 ***
GREETINGS! This is the faculty of St. Joseph Christian School...
"I'm afraid not, Sir. May idi-discuss kasi akong additional details."
"I'll find time. Is this your number?"
"Yes, Sir."
"I'll call you again."
"Thank you for the consideration, Mr. Marzouq."
Iyon lang at pinatay na niya ang cellphone. Inilapag sa mesa at dinampot ang isa, binuksan at binasa ang buong message.
Sinulyapan ni Ali ang relo sa kamay, five seventeen. Natapos na niya ang mga kailangang gawin para sa araw na iyon. May mga hindi pa na-finalized pero hindi naman urgent kaya ipagpapabukas na niya iyon. Aalis siya nang maaga sa opisina dahil may dadaanan pa siya.
Dahan-dahang kinabig ni Ali ang manibela pakanan para ihinto sa gilid ng kalye. Inapakan niya ang brake, kumambyo at hinila ang handbrake. Bitbit ang susi ay lumabas siya ng kotse at tumuloy sa isang sweet shop.
"Good afternoon, Sir! Welcome to Joy & Sweets!" magiliw na bati ng tinderang nakadamit ng baby pink. May raffled headdress ito na kulay puti kaparis ng sa isang maid. Kagaya ng uniform ng babae, pink din ang dominant color ng hindi kalakihang tindahan, na may stripes na puti. May Logo ng tindahan sa likod ng nakatayong tindera at mga guhit ng iba't-ibang matatamis na pagkain kagaya ng muffins, cakes, candies, lollipops and chocolates.
Sa harap niya ay may estante na puno ng klase-klaseng paninda, iba-iba ang kulay at hugis. Sa dami niyon ay nalito na siya kung ano ang pipiliin.
"Uhm, para po ba sa girlfriend n'yo, Sir? May limited edition po kaming package ng chocolate bouquet with teddy bear po. Medyo malaki po ang bear namin kaya siguradong magugustuhan ni ma'am."
"P'wede ko bang makita?" Wala siyang alam sa mga bagay na iyon dahil hindi naman siya nagbibigay ng ganoon sa mga naging girlfriends niya, pero sa dating ng pagkaka-suggest ng tindera ay mukhang maganda ang ino-offer nito.
"Sure po! Wait lang at kukunin ko." Pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas ito bitbit ang ponpon ng chocolates na may tangkay, nakabalot ito sa pink na papel. Katulad ng sinabi ng babae ay mukha talaga itong bouquet ng bulaklak, iyon nga lang ay chocolates.
"Ito na po ang package natin, Sir. At ito po ang ating bear, I call him--kasi lalaki po ito--Chum-Chum."
"Kung babae?"
"Chum-Chum pa rin," saad nito na natawa rin sa sariling sagot.
Iprenisinta sa harap niya ang kulay light brown na teddy bear. May pulang ribon sa leeg at mga nasa 20 inches ang laki.
"Okay, kukunin ko," aniyang hinugot ang wallet sa bulsa.
"Ang suwerte naman po ng girlfriend n'yo, Sir. Mahal na mahal n'yo siguro kasi naisipan n'yo pang bigyan ng ganito. Sigurado ako na ang ganda niya."
Napangiti si Ali sa katabilan ng tindera, nakakatuwa ang PR nito, effective sa customers.
"Yes, maganda siya pero hindi ko siya girlfriend." Kumuha siya ng dalawang libo sa pitaka at binigay sa tindera.
"Oy, nanliligaw pa lang pala kayo? A, sigurado akong sasagutin kayo no'n, sabayan n'yo ng ngiti at saka 'I love you', Sir, para pak na pak!" Kinuha nito ang pera at binuksan ang kaha. "Sa guwapo n'yong iyan, walang babaeng aayaw, Diyos ko!"
Bahagya nang nagkaboses ang tawa ng lalaki. Kenkoy ang kaharap, maganda itong kasama sa trabaho, nakakawala ng pagod.
"No, anak ko siya."
Natigilan ito sa paglalagay ng pinamili sa paper bag.
"Ay, anak? May anak na po kayo? Hindi halata, Sir. Anyway, ito na po ang chocs and bear n'yo. Maraming salamat! Kung gusto n'yo pa po magkaanak, available po akong magpa-ampon,'" anitong ngumisi.
"Sige, salamat," sabi ni Ali na lumabas na sa salamin na pintuan.