Part 6

818 Words
"NEED kong bumili ng expandable envelop, daan po tayo ng shop pagkauwi." "Sure." Nasa likod ng manibela si Ali habang nakaupo naman sa passenger's seat si Julia. Namimili ito ng kanta na gustong ipatugtog sa kotse. Patungo sila nang sandaling iyon sa supermarket para mag-grocery. Ginagawa nila ito isang beses sa dalawang linggo para na rin bonding nilang mag-ama sa kabila ng busy niyang buhay sa trabaho. "Hindi mo ba kinalimutan ang listahan na ginawa ni Manang?" "Dala ko na," anitong pinakita sa kanya. "Dry goods first," paalala ni Ali. "Yeah, dry goods first," she murmured wryly. Una nilang nadaanan ang shelves ng mga instant food. "Kukuha ako ng pork and beans, ha?" ang paborito ng dalaga. "Preservatives are not good in the body, Julia." "Three lang, ibabaon ko." "One." "Two," anitong diretsong inilagay ang mga de lata sa basket na dala at naglakad palayo. Kelan ba siya mananalo sa babaeng ito? Abala ang lalaki sa paghahanap ng paborito niyang aftershave mouse nang magsalita si Julia. "Ali." "Hmn," sagot niya na hindi ito nililingon. "Ganyan ka rin ba sa work?" "What do you mean?" tanong niya habang binabasa ang label ng kinuhang mouse. "Well... strikto, demanding, you know, perfectionist." Nahinto siya sa ginagawa at nagtatakang tiningnan ang katabi. "Ganyan ba 'ko sa 'yo?" Tumango ito bilang tugon. "It's normal, pinoprotektahan lang kita." "Minsan kasi sobra na," bulong ng babae na hindi nakaligtas sa kanyang pandinig pero hindi na lang siya nagkomento. "Kumuha ka na ng toiletries mo." "Kay." Pagkatapos nilang mamili ay tumuloy sila sa isang fastfood. "We'll have double size pizza..." saad ni Ali sa nakatayong waiter. Nakasuot ito ng dark red polo at black pants. "Hawaian supreme!" singit ni Julia. "...in hawaian supreme, one potato wedges and one glazed chicken wings. How about your drinks?" "Cola." "Pineapple juice." "Aaliii..." angal ni Julia. "Water?" "Kay, fine. Pineapple juice," ismid nito. "One pineapple juice and a bottled water please," saad nito sa waiter. "Okay, Sir," anang waiter saka umalis na. "May iba ka pa bang kailangan? Para mabili na natin bago tayo umuwi." "Wala na," iling nito. "Okay." "Ali," tawag ulit nito sa kanya habang hinihigop ang natitirang pineapple juice. Ganito ito kapag nangungulit. Kahit na nga ba minsan ay childish na ang tinatanong, sinasagot niya pa rin. He wants her to feel that he's always there for her whenever she needs him. "Hmn?" "Love mo ba 'ko?" Ang pares ng inosente nitong mga mata ay matamang nakatingin at nakaabang sa isasagot niya. Marahan niyang nginuya at nilasap ang sinubong pizza bago ito nilunok, kinuha ang tubig at dinala sa bibig. "Bakit mo naitanong iyan?" "Wala lang, naalala ko hindi mo pa 'ko sinabihan ng ganoon. Anyways, it doesn't matter kung ayaw mong sagutin, naitanong ko lang naman." "Are you done?" "Opo." "Kay, let's go," aniyang nagpatiunang tumayo sa upuan. *** Nakasandal si Ali sa nakaparada niyang silver Toyota Camry. That was his first car, nabili niya iyon after two years in Will's. Nakatanaw siya sa nagkikislapang repleksyon ng ilaw sa mga alon na malumanay na umiindayog sa dagat. Tahimik ang Manila Bay, mabibilang niya sa kamay ang nakikitang mga tao kasama na ang mga pulubing nakahiga sa nilatag na karton. Marahan niyang hinihithit ang sigarilyong hawak sa kamay, pangatlo na niya iyon. "Ali... may kapatid ka bang babae?" basag ni Kristel sa katahimikan. Ilang pulgada lang ang layo nito mula sa kanya, at kapares niya ay nakatanaw din sa dagat. "Wala." "At wala ka ring girlfriend," she chuckled. Napapailing itong parang hindi makapaniwala sa sinabi. "'Yong totoo, women hater ka ba o may bahid?" Nagtagpo ang mga kilay ni Ali na napatingin sa katabi. "Wala ako dito ngayon kung women hater ako. If you're trying to ask if I'm gay, then you're being nonsense. My life's not that dramatic." Tumigil sa kakangisi ang babae at malungkot na muling napatingin sa unahan. "Buti kapa. 'Wag ka nalang mag-asawa o mag-anak ng babae dahil siguradong masisira ang boring mong buhay. Ang strikto mo pa naman. T'saka, masyado kang busy sa career mo, mahihirapan ka lang. You know, women are complicated, noisy, dramatic." Nang walang matanggap na sagot ang babae mula sa kanya ay nagsalita ulit ito. "High school ako nang matuto akong gumala, umuwi ng gabi, pumunta sa disco kasama ang mga barkada. That time, I really thought no one can stop me. Basta ba masaya ako sa ginagawa ko, go lang nang go. Umuuwi ako ng madaling araw, lasing. Binugbog ako ng nanay ko, kesyo kiri daw ako, nagmukha na daw akong pokpok." Tahimik lang na nakikinig si Ali sa pagbabalik-tanaw ni Kristel. Paubos na ang hawak niyang sigarilyo kaya hinulog niya iyon at pinatay gamit ang itim na sapatos. "I was fifteen when I had my first boyfriend. Ginawa namin ang lahat, tinikman ang lahat, in the name of love." Mas lumakas ang tawa nito sa sandaling iyon. Her sexy voice echoed the entire place. "Alam mo 'yon? Great love daw, e! Natry mo na ba 'yon?" "No." "Yeah, I thought so too," amused nitong sabi at nagpatuloy. "Tapos, kahit ang sabi ni nanay na i-break ko s'ya, matigas akong tumanggi, nilayasan ko pa! Kaya ikaw," baling ng babae kay Ali. "Huwag mong guluhin ang tahimik mong buhay." Bumuntong-hinga si Kristel at muli tumingin sa malayo. "Ali...buntis ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD