Mula ng naging maganda ang pag-uusap ni Julz at Andrew ay hindi na muling iniwan pa ni Andrew si Julz. Iyong tipo na, halos doon na sa bahay nina Julz ito tumira. Si Andrew ang palaging nagluluto ng pagkain ni Julz, na labis namang na-a-appreciate ni Julz. Nagagawa na ring tumayo ni Julz, gamit ang saklay. Hindi na rin ito madalas gumagamit ng wheelchair. Peklat na lang ang naiwan sa kanyang balat at wala ng mga sugat. Ang paa naman niya ay naiigalaw na rin niya ng paunti-unti. Mas mabilis na rin ang recovery niya dahil sa pag-aalaga sa kanya ni Andrew. Kahit hindi niya ito maalala. Sobrang saya talaga ng nararamdaman ng puso niya sa mga ipinaparamdam nito. Ngayon ay nakatira naman siya sa condo ni Andrew. Pinayagan na siya ng mga magulang niya na sumama dito. Lalo at naging busy ulit an

