Episode15

1384 Words
HAHABLUTIN ko sana ang cellphone ngunit inilayo ng lalaki. Nag-isang linya ang labi ko at sumalubong ang kilay ko habang nakakuyom ang kamao ko dahil sa galit. Ibigay mo sa akin yang cellphone! Kung hindi makikita mo ang tunay kong ugali kapag galit!” Pagbabanta ko sa kanya. Ngunit imbes na matakot ang lalaki malaking ngisi ang nakita ko sa kanya. Naningkit ang mga mata ko. “Kakasuhan kita ng r**e! At pagpapakalat ng s*x video natin!” sigaw ko rito. Ngunit tila hindi ito natakot sa banta ko. “Paano mo ako kakasuhan ng r**e? Nakita mo naman at narinig kung paano ka nasarapan sa ginagawa natin. Gusto mo ba panoorin pa ang iba pang kuha ng video? Baka mas lalo kang magulat sa ginawa mo.” Anito habang may ngisi sa labi nito. “Are you blackmailing me? Ano gusto mo bigyan kita ng pera para lang i-delete mo ang video? Hindi ba iyon ang pakay mo kaya pinakita mo sa akin iyan?” sabi ko habang nag-i-igting ang panga ko. Natawa ang lalaki. Kumuyom ang kamao ko. Sarap suntukin ang makinis nitong mukha at sarap tadyakan ang mabato-batong katawan nito. Bumaba ang tingin ko sa gitnang bahagi ng hita nito. Sa tingin ko malaki iyon at mahaba. Diyos ko hindi ko ma-imagine na pumasok sa monay ko ang manoy niyang mahaba at mataba! Kaya pala napakasakit ng monay ko nang magising ako. Ano bang nangyari sa akin at ginawa ko iyon? Diyos ko nakahihiya kung meron nga akong ginawa pang mas malala sa nakita ko sa video. Huminga ako ng malalim. Kailangan kong kumbinsihin ang lalaking ito para I-delete nito ang s*x video. “Please I-delete mo ang video. Promise hindi ako magsasampa ng kaso sa iyo. Mananahimik ako at hindi kita guguluhin.” Pakiusap ko. Diyos ko sana naman gumana ang pakiusap ko. May nakalolokong ngiti ang lalaki. “Hindi ko ikakalat ang video na ito kung papayag ka sa sasabihin kong gagawin mo.” “Ano naman iyon?” tanong ko. Naku kung hindi lang may alas ang lalaking ito, kanina pa nakatikim ng tadyak at sampal ito sa akin. “Come with me, I’ll show you what I am talking about.” Nangunot ang noo ko. Hindi ako nagtitiwala sa lalaking ito. Baka dalhin ako sa malayong lugar at patayin na lang. Umiling ako. “Hindi ako sasama sa iyo. Ano’ng kasiguraduhang mabuti ang pakay mo? Paano kung ipa-salvage mo ako o kaya naman ay patayin sa kung saan mo ako dadalhin. Naku kahit ikalat mo na lang iyan. Diyos ko ano’ng halaga ng pagkamatay ko kung ikinalat mo na sa madlang people ang video na iyan!” sabi ko habang napaiiling. Ang kapal ng mukha ng lalaking ito para pagbantaan ako? Nagulat ako nang hawakan niya ako sa braso. “I have no time for your whinning. Let’s go! Time is gold.” Anito. Napasulyap ako sa kanya. Aba may pa-time is gold pa itong lalaking ito. Hinila niya ako palabas ng bahay namin. May sasakyang nakahinto sa harapan ng bahay namin. “Wow. . .” tanging na sabi ko sa limousine na nakaparada sa harapan ng bahay namin. Ang mga Marites kong kapitbahay ay kandahaba ng mga leeg nilang nakatanaw sa mamahaling sasakyan. Parang may krimen na nangyari sa harapan ng bahay namin. Ang daming tao. My god! Ganito karami ang mga Marites sa aming lugar. Pinagbuksan kami ng isang lalaki. Sa palagay ko driver ito. Pagkaupo ko sa loob ng sasakyan naamoy ko ang amoy ng mamahaling pabango. Diyos ko nakahihiya ang pabango kong tig 100 pesos lang na nabili ko sa t****k shop. “Saan ba tayo pupunta?’ Tanong ko sa lalaking katabi ko. Prenteng nakadekwatro at nakasandal sa sandalan ng upuan. Napalingon ito. “Sa bahay namin.” Nangunot ang noo ko. “Anong gagawin natin sa bahay niyo?” Tanong kong muli. “Just don’t ask so many question. Malalaman mo kapag nandoon na tayo,” aniya na tila naiinis na sa katatanong ko sa kanya. Napairap ako. Isinandal ko na lang ang likod ko sa sandalan ng upuan at napatingin na lang sa labas ng bintana. Narating namin ang lugar. Bumaba ang lalaki at ako namay ay hinintay na pagbuksan ako ngunit nauna na ito sa loob. Naningkit ang mga mata ko sa inis. Hindi gentleman ang lalaki. So, wala akong nagawa kundi bumaba ng sasakyan. Sinundan ko na lang ang walang modong lalaki. Pumasok kami sa isang tila bahay na bungalow, pero maganda ang design ng bahay. Napalingon sa akin ang lalaki. “Hurry up,” sabi nito na may inis sa tono nito. “Opo mahal na prinsipe!” Inirapan ko siya kahit nakatalikod na ito. Pumasok kami sa silid na may glass door. Nakikita ko ang mukha ko at pati ang kumag na lalaking ito. Sarap niyang tadyakan. Kung wala lang panakot ang lalaking ito mapipisa ko ang betlog ng lalaking ito. Pagkapasok sa loob napatitig ako sa mga taong nakaupo sa sofa. Tila seryosong nag-uusap sila. Napatigil ako sa paghakbang at napatitig sa mga lalaking pamilyar sa akin. Napatingin ako sa kasama kong tukmol. Kamukha niya yung dalawang nakaupo nang prente sa mahabang sofa. Seryoso silang napatingin sa akin. May dalawang matanda, lalaki at babae. Mukhang related ang lalaki rito. “Hi, Mom! Hi, Dad!” Bati nito sa dalawang matanda. Mukhang Filipina ang babae pero mestisahin. Ang lalaki naman ay kamukha ni tukmol. Para silang pinagbiyak na buko. Nilapitan niya at hinagkan ang pisngi ng mga ito. Napalunok ako nang mapasulyap ang dalawang matanda sa akin. Malawak na napangiti ang babae at tumayo. Agad niya akong niyakap nang makalapit. “Welcome to our family. Hindi ko akalaing makakatagpo ng matinong babae ang anak ko. You know kung hindi mo pa alam. Babaero ang lalaking iyan. For him woman is like a toy.” kuwento ng matanda. Tumingin ako kay tukmol. Babaero pala ang tukmol na ito. Kung minamalas ka nga naman. Naisa-isip ko. Bakit sa lahat ng lalaking makakaulayaw ko sa mga oras na iyon, itong lalaking tukmol pa ang nakadale sa aking monay. Ang swerte naman ng talong ng tukmol na ito. Nakatikim ng espesyal na monay. Mainit init pa. O di ba? “We need to talk about the marriage,” biglang sabi ng tatay ni tukmol. Napatingin ako sa kanya at napaawang ang labi. Ikakasal kami? Nagkatinginan kami ni tukmol. Napangiti ito. Irap naman ang binigay ko sa kanya. Tumayo ang isa sa kapatid ni tukmol na kamukha rin nito. Pero sa tingin ko mas pogi at macho ang katawan nito. Hindi kagaya ni tukmol na slim, pero may firm muscle naman kahit paano. “Is it too early for marriage?” sabi nito. Tumango naman ang isa pa na ibig sabihin ay umaayon sa sinabi ng kapatid. “Too early? For me it’s the right time. I never get any younger anymore. I want to settle down,” sabi nito na parang nagmamalaki sa kapatid. Mukhang may away ang dalawang ito. Kita ko ang pagtagis ng panga ng kamukha ni tukmol. “So am I,” sagot naman nito. “Hindi ba ikakasal na kayo ng nobya mo? Bakit tila pinakikialaman mo ang buhay pag-ibig ko? Dapat masaya ka dahil lalagay na ako sa tahimik,” sabi ni tukmol. Diyos ko mag-aaway pa yata itong magkamukha na ito. “Stop it! Hindi ba kayo nahihiya sa ginagawa niyo? We have a visitor,” pagbabawal ng Nanay ng dalawa. Gumilid muna ako at tahimik na nagmasid. “Pagsabihan niyo ang lalaking iyan. He always meddles with my affairs. He even accused me of stealing her woman, which he stole!” “Alam mong hindi ko gawain iyon. Sinungaling ka! This time hindi na ako mananahimik. Gawin mo ang gusto mong gawin. Ikalat mo pa kung gusto mo! I don’t care anymore! I just want what is mine!” sabi nito. Teka sino ba ang pinatutukuyan ng tukmol na ito? Classmate ko ba o ako? Nagulat ako nang higitin ako ng kapatid ni tukmol at hinila palabas ng silid na iyon. Halos mapasubsob ako sa pagkakahila niya sa akin. Ako yata, di ba? Ano bang nangyayari? Diyos ko naman, bakit ba hindi niyo bigyan ng katahimikan ang buhay ko? Ang gulo ng mga taong ito, mas magulo pa sa bulbol ng kaibigan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD