Episode 7

1375 Words
NAPAPATINGIN ako sa bulaklak na nasa plorera. Malaking palaisipan kung kanino galing ang bulaklak. Ilang lalaki ba ang nakilala ko ng mga nakaraang araw? Hindi ko alam kung sino sa kanila? “Huwag mong sabihin gusto mong lutuin ang bulaklak? Parang gusto mong himayin sa pagkakatitig mo ng maigi sa kaawa-awang bulaklak.” Birong sabi ng kaibigan ko. Sinamaan ko siya ng tingin. “Paano ko naman mailuluto ito? Sa ganda ng bulaklak at mukhang mamahalin kakainin ko lang? Sira ka ba? Palaisipan sa akin kung kanino galing ito? Saka, hello? Wala akong kakilala rito sa bansang ito. Sinong poncho pilato ang magpapadala sa akin ng bulaklak at take note may pangalan ko pa. Hindi ba nakakatakot iyon? Baka obsessed ang lalaking iyon sa kagandahan ko.” “Ipagpalagay na may lihim na tagahanga rito, pero yung sabihin mong obsessed sa iyo parang hindi kapani-paniwala.” Naningkit ang mga mata ko dahil pinalalabas niyang feeling-era ako. “Malay mo, di ba? Saka kung gusto niyang makilala ako dapat nagpapakita siya? Kaya hindi mo maiaalis sa aking mag-isip ng masama sa taong iyon.” Kinuha ko ang tasa ng kape na tinimpla ko at saka hinigop iyon. Naupo ako sa sofa at nag-cross leg. “Basta ako ayokong manghusga ng tao lalo pa’t hindi natin nakakausap. Masyadong praning ka lang at pinag-iisipan mo na ng masama ang tao.” Tumahimik na lang ako at pinagkaabalahang inumin ang kape ko. Sino kaya ang taong iyon? Kung sino man siya sana magpakita sana sa akin. Para naman mabistahan ko kung anong hitsura niya. Nananghalian muna kami ng kaibigan ko bago kami lumabas para mamasyal uli. Huling araw na namin ito sa Bucharest Romania. Susulitin na namin ang bakasyon namin dito. “Okay lang ba ang suot ko?” Tanong ng kaibigan ko nang palabas na kami ng suite namin. Napatingin ako sa suot niya. Nakasuot siya ng fitted leggings at boots. Shirt na mahaba ang manggas ang suot nito sa pang-itaas. Napataas pa ang tingin ko sa mukha niya. Naka-makeup ang lola niyo. “Napakaganda talaga ang lugar na ito.” Sabi ng kaibigan ko nang nasa park na kami at naglalakad. Tama si Georgina, napakaganda ng lugar na ito. Although mga luma ang mga gusali ngunit napakaganda ng paligid dahil sa mga bulaklak at malinis na paligid, Masarap ding samyuin ang hangin dahil napakabango. Amoy malinis. “Babalik ako rito kapag nakaipon ako ng pamasahe ko. Saka babalikan ko ang lalaking nakilala ko dito.” Napatingin ako sa kaibigan ko dahil sa sinabi niya. Napataas ang kilay ko. Diyos ko siya pa ang pupunta rito para sa lalaki? “Bakit hindi mo na lang hintayin ang lalaking sinasabi mong puntahan ka sa Pilipinas, kaysa ikaw ang pumunta dito. Ang mga lalaki hindi dapat hinahabol iyan. Dapat sila ang hahabol sa atin. I’ve learned my lesson now. Hindi dapat pinagtutuunan ng pansin masyado ang mga lalaki. At natutunan ko ring dapat mas mahalin natin ang ating sarili kaysa ang mga lalaking iyan! Sanhi lang sila ng pasakit sa ating mga babae!” Bitter na sabi ko. “Sabihin mo bitter ka lang sa mukhang kabayo mong nobyo. Huwag mong lahatin ang mga lalaki. Iba-iba naman sila, parang mga babae. Nagkataon lang na nagmahal ka sa masamang ugali. Akala mo ang guwapo niya kung mambabae. My god!” Napahawak pa sa dibdib ang kaibigan ko at saka itinirik ang mga mata. Napairap naman ako sa kanya. “Huwag mo ng banggitin sa akin ang lalaking iyan! He’s not to be remembered!” “O, siya sige. Pero huwag mo namang isali riyan ang lalaking gusto ko. Iba siya sa lahat. Promise.” Anito na parang sure na sure siyang mabuting tao ang lalaking gusto niya. “Bahala ka na nga. Tayo na para makarami tayo ng pupuntahan dahil bukas babalik na tayo ng Pilipinas.” Sabi ko sa kanya. HABANG naglalakad kami ng kaibigan ko ay may bigla na lang may bumangga sa akin. Nahulog ang dala kong supot. At dahil sa gulat na din napa-slide ako. Ngunit bago pa madikit ang puwit ko sa semento. Matitigas na mga braso ang sumalo sa akin. Napatitig ako sa mukha ng lalaking sumalo sa akin. Bumungad sa akin ang kulay berdeng mga mata at matangos na ilong nito. Ang balat ay wala man lang pores, napakakinis. Nahiya ako sa mukha kong may whiteheads! “I got you.” Ani ng lalaki habang nakapaskil ang ngiti sa kanyang mga labi. Awang ang labi kong nakatitig dito. Kumunot ang noo ko dahil parang pamilyar ang boses ng lalaki. Nagkakilala na ba kami ng lalaking ito? May malakas na tumikhim kaya natauhan ako sa pagkakatulala sa mukha ng lalaki. Marahan niya akong itinayo habang hindi inaalis ang titig niya sa akin. Nilapitan ako ng kaibigan ko at bahagyang siniko. “Kilala mo ang lalaking iyan?” Tanong nito sa akin. Bahagya kong inilingon ang ulo ko at ibinalik din agad ang tingin ko sa lalaki. “Ngayon ko lang siya nakita.” “Bakit parang kilala ka ng lalaki base sa pagkakatitig niya sa iyo at mukhang gulat na gulat pa na nakita ka.” Napalingon ako sa kaibigan ko dahil sa sinabi niya. Kunot na kunot ang noo ko. “Baliw ka ba? Ngayon ko lang nakita ang lalaki. Kung kilala ko siya bakit naman ako magsasabing ngayon ko lang siya nakita, di ba? Lukaret ka talaga.” Minsan ang kaibigan niya praning mag-isip. “Hi, handsome. By the way I am Georgina.” Pakilala ng kaibigan ko sa lalaki. Nakangiting naglahad ng kamay ang lalaki na tinanggap naman ng kaibigan ko. Para siyang bulate kung kiligin, obvious na obvious. Siniko ko ang kaibigan para ipaalam na huwag siyang masyadong lumandi. “Nice meeting you, Ms. Georgina. I’m Valentino.” Pakilala nito sa sarili. “Oh, what a nice name. It suits in your handsome face.” Napahagikgik pa ang kaibigan ko na parang kinikiliti ang singit. Napatirik ako ng mga mata. Ang lantod lang niya. Napabaling ang tingin ng lalaki sa akin. “Who’s this pretty lady beside you?” Tanong nito kay Georgina. Natawa ang kaibigan ko na parang kontrabida. Sarap niyang sabunutan sa kili-kili. “She’s not one, not two, but Trina Damaso,” aniya saka tumawa. Naningkit ang mga mata ko dahil sa inis. Kinurot ko ang tagiliran niya. “Aray ko naman! Grabe ka, huh?” Reklamo nito. Hindi ko na hinayaang magsalita pa ang lalaki. Hinila ko na ang kaibigan ko. Mabilis ang paglalakad ko habang hila-hila itong kaibigan kong madaldal. Para siyang ipinaglihi sa puday ng baboy. Nang makalayo kami binitawan ko ang braso niya at saka hinarap ito. “Bakit ka ba ganyan? Hindi mo kilala ang lalaking iyon para pati ang apelyido ko sabihin mo pa! Saka sinabi ko bang sabihin mo ang pangalan ko sa lalaki?” Inis na sabi ko. Pumameywang ang kaibigan ko. “Ako na nga itong nagmamagandang loob para makahanap ka ng lalaking para sa iyo. Kaya nga tayo nagpunta rito para makakilala ng local dito. Saka huling araw na natin ito. Why not enjoy our last day here. Makipagkilala tayo sa mga tao rito. Wala naman sigurong masama. Ikaw itong praning mag-isip sa mga lalaking nakikipagkilala sa atin. Paano mo makakalimutan ang ex-dyowawer mong kabayong nagkatawang tao? Look at that guy? Sige nga ipagtabi mo ang ex dyowawer mo at yung lalaki. Hindi ba ang laki ng ipinagkaiba? Isang perpect human being at isang alien.”Natawa ito. “I am not looking this time. Nasa stage pa lang ako ng healing. I am not yet ready to have one. Kaya please lang, kahit ngayon lang araw na ito pabayaan mo muna akong manahimik. I just want to enjoy my last day here. Walang tungkol sa mga lalaki.” Pakiusap ko rito. “Sorry na, bes. Alam kong sumobra na ako sa pakikialam sa love life mo. Ang gusto ko lang naman maging masaya ka na. Okay, hindi na kita pipilitin. Tama ka. Enjoy na lang natin ang natitirang araw natin dito.” Napangiti ako. Nagyakapan kami ng kaibigan ko. Sa pag-uwi ko ng Pilipinas ipinapangako ko sa sariling magiging maingat na ako sa taong iibigin ko. Hindi dapat madaling magtiwala. Mas dapat kong mahalin ang sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD