Episode 5

1244 Words
NAPAPATINGIN sa akin ang kaibigan ko habang nagkakape kami sa isang coffee shop malapit sa hotel kung saan kami naka-check in. Wala sa sariling napatitig ako sa kapeng nasa harapan ko. “Hindi gagalaw ang kape mo para painumin ka. Kung iniisip mo ang nangyari sa iyo last night wala na tayong magagawa. Kahit tumambling ka o di kaya naman ay lumuha ng kape, hindi na nating mababalik ang virginity mo. Wala na, eh? Wasak na wasak na at wala ng solusyon para maibalik ang iyong kabirhenan. Maliban na lang ipatahi natin ang nawasak mong monay.” Napasulyap ako sa kaibigan ko at ibinalik din agad ang tingin ko sa kape. Ininom ko ang kape. Nakapagtatakang hindi ko malasahan ang lasa nito. Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Bakit naman ganito ang nangyari sa akin? Ang gusto ko lang naman makalimot pero mukhang nadagdagan pa ang bigat ng dibdib ko kahit flat chested naman ako. “Sorry, frenny,” hinging paumanhin ng kaibigan ko. Ibinaba ko ang tasa ng kape at nagpahid ng sipon ko. Imbes kasi luha ang tumulo sipon ang tumulo. Shete! “Huwag ka ng mag-sorry sa akin dahil tama ka wala na akong magagawa sa nangyari. Wasak na ang monay at hindi na maibabalik. Ang gagawin ko na lang magsaya sa natitirang mga araw natin dito.” Ani ko at saka napabuntonghininga. Lumapit sa akin ang kaibigan ko at inakbayan niya ako. “Magsasaya tayo dito at pag-uwi natin ng Pilipinas nakalimutan mo na ang mapait na nangyari sa iyo.” Sabi ng kaibigan at ngumiti. KINAGABIHAN nagpunta kami sa isang bar malapit sa tinutuluyan naming hotel. Nagbihis kami ng seksing damit at nagpaganda. Ayokong maging pangit nang dahil lang wala na ang virginity ko. Tuloy ang buhay at mawawala din ang bangungot na nangyari sa akin. Sigaw nang sigaw si Georgina habang nagsasayaw sa gitna ng dance floor kasama ang ilang foreigner na kausap lang nito kanina. Ewan ko sa babaeng iyon masyadong friendly. Imagine nakindatan lang friends na sila. Napaiiling ako habang nanonood sa mga nagsasayaw. Sumipsip ako ng tequila na in-order ko. Ito lang ang alam kong inumin bukod sa beer. Hindi sinasadyang napalingon ako sa kanang bahagi. May nakaupong lalaki. He was drinking. Siyempre naman day, bar ito hindi park na uupo lang at magmamasid. Ani ng isip ko. Grabe ng isip ko nagsasalita. Palihim kong sinusulyapan ang poging lalaking katabi ko. Mukha siyang may malaking problema. Natatakot naman akong tanungin ang lalaki dahil dudugo ang ilong ko kapag nag-usap kami at isa pa iba ang lengguwahe nila. Ilan lang ang nakakapagsalita ng english. May lumapit na matangkad na babae. Maganda siya kaya nainggit na naman ako. Napakaswerte ng mga babaeng ito. Bukod sa biniyayaan sila ng tangkad pati ba naman ganda? Ako ganda lang ang meron ako. Pero sa tangkad pinagkaitan ako. Mukhang close na ang dalawa dahil hinihimas na ng babae ang ibabaw ng dibdib ng lalaking pogi. Tinungga ng lalaki ang basong hawak nito at inilapag sa counter. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang naghalikan ang dalawa. Ayaw ko man panoorin ngunit natagpuan ko ang sarili kong napalulunok sa nakikita ko. Ibinaba ng lalaki ang strap ng damit ng babae at inilabas ang malaking dibdib ng babae. Humarap ako sa bartender at humingi pa ng isa pang shot. Habang ininom ang in-order kong alak nanonood ako sa dalawang taong mukhang magse-s*x na. Napasinghap ako nang susuhin ng lalaki ang dibdib ng babae. “Oh my god!” Napahiyaw ako ngunit wala namang nakarinig dahil sa lakas ng music sa background. Ibinaling ko na lang ang tingin sa bartender na pogi. Nakatingin siya sa akin habang nakangiti. Nahiya naman ako. Napayuko ako at ininom na lang ang baso na hawak ko. Hindi ko namalayang nakailang baso na pala ako ng inom. Blurry na ang tingin ko sa paligid at pati ang poging bartender ay dalawa na ang tingin ko sa kanya. “Why you are two? Do you have a twin?” tanong ko sa bartender. Dalawa na kasi ang tingin ko. Hahawakan ko sana ang bartender nang may kamay na humawak sa braso ko. Napatingin ako sa taong iyon. Ngunit hindi ko makita ang kanyang mukha dahil malabo na ang tingin ko. Kunot na kunot ang noo kong nakatitig sa blurry na mukha. “Come on baby, we are going home.” Sabi ng lalaking may malabong mukha. Naningkit ang mga mata kong napatitig sa lalaki. May kung anong mahika ang boses ng lalaki na napasunod ako. Inilahad nito ang isang kamay. Kahit nanlalabo ang mga mata ay walang salitang tumayo ako at inilahad ang kamay ko sa lalaki. Hinawakan niya ang kamay ko. Napangiti ako. NAGISING ako sa ingay na nagmumula sa katabi ko. Napabalikwas ako ng bangon nang maalala ang nangyari kagabi. Nagtaka ako nang mapansin nandito na ako sa hotel namin ng kaibigan ko. Napalingon ako sa katabi ko. Nakangangang kaibigan ko ang nakita ko. Naghihilik pa. Napaisip ako kung panaginip lang ba ang nangyari kagabi? May kasama akong lalaki kagabi. Hindi ako nagkakamali although blurry ang tingin ko. Tanda ko pa naman kung anong nangyari kagabi. Pero ang huling naalala ko lang ay nang sumama ako sa estrangherong lalaki. Ginulo ko ang buhok ko. Ano bang ginawa ko at sumama ako sa lalaki? At bakit nandito ako at sino naghatid sa akin? Paano naman nalaman ng lalaki ang hotel namin? “Hoy! Parang ang layo ng tingin mo, ah? Tagus-tagusan sa mukha ko?” sabi ng kaibigan ko na kagigising lang. Nag-inat ito ng braso at napahikab. “Paano nga pala ako nakauwi dito? Ikaw ba ang kasama kong umuwi kagabi?” tanong ko. Gulong-gulo ang isip ko. Para akong may amnesia dahil wala akong maalala sa bawat ginagawa ko kapag nalalasing. Hindi naman ako ganito noon? Naranasan ko ng malasing pero natatandaan ko pa ang ginagawa ko. Kumunot ang noo ng kaibigan ko. “Nauna ka ngang nakauwi dito sa hotel. Naabutan na kitang tulog na tulog. Ano’ng pinagsasabi mong kasama mo ako?” anito saka bumaba sa kama. Napasunod ang tingin ko sa kaibigan ko. Pilit kong inalala kung anong nangyari kagabi. Ngunit wala talaga akong maalala. Ni ang mukha ng lalaking kasama ko kagabi hindi ko maalala ang mukha nito. Diyos ko! Ano bang nangyayari sa akin. “Yan ang sinasabi ko. Huwag kang umiinom ng alak kung hindi mo naman kaya.” Sermon sa akin ng kaibigan ko. Napairap ako dahil wala naman siyang sinabi sa akin. Malaking palaisipan sa akin ang nangyayari sa akin magmula nang malasing ako at may nakaisa sa aking estrangherong lalaki. Nasaan na kaya ang lalaking iyon? Bigla kong ginulo ang buhok ko. “In fairness bagay mo ang ganyang buhok. Ang hot tingnan. Ganyan na lang ang ayos mo. Sigurado akong makakabingwit ka ng lalaki dito sa Romania! Ang suwerte nga ng monay mo at may nakapalaman na doon,” ani ng kaibigan ko at saka ito humalakhak. Nanlaki ang mga mata ko. Ito yatang kaibigan ko ang baliw at hindi ako. Pinaalala na naman nito ang masaklap na nangyari sa monay ko. Bigla ay kinabahan ako. Paano na lang kung mabuntis ako? Hindi ko pa naman nakita ang mukha ng nakauna sa akin? Anong sasabihin ng magulang ko? Lumandi lang ako sa ibang bansa at hindi nagbakasyon? Minsan tanga din ako. Sana sinilip ko muna ang mukha ng lalaki bago ako umalis. Kung sakali kapag nagtanong ang anak ko, may masasabi akong hitsura ng tatay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD