Episode 18

1499 Words
HINDI ko expected na mag-stay pa ang lalaking ito sa bahay namin. Ang alam ko uuwi rin agad. Ngiting-ngiti ito habang prenteng nakahiga sa kama ko. “Bakit matutulog ka dito?” iyon agad ang tanong ko sa kanya nang makitang nakahiga na ito sa kama ko. Nakapameywang akong nakaharap sa kanya. Ngumiti ito at binigyan pa ako ng isang kindat. “Ano naman masama kung dito ako matutulog? Besides, ikakasal na tayo. Next month na iyon.” Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. “Hindi porket ikakasal na tayo, may right ka ng matulog dito at magkatabi pa tayo! Meron pa rin naman akong natitirang delikadesa sa katawan ko para pumayag na lang ng ganoong kadali na patulugin ka dito sa loob ng silid ko. Kung gusto mo sa labas ka matulog huwag dito!” Inis na sabi ko. Nangunot ang noo niya. “Bisita ako kaya dapat dito ako sa loob ng silid matulog. Ikaw dapat ang mag-adjust at hindi ang bisita,” sabi nito at ngumiti pa nang pagkalawak-lawak. Hindi makapaniwalang napatiingin ako sa lalaki. “Alam mo napaka-antipatiko at ang yabang mo! Akala mo kung sino kang guwapo. Mukha kang tinapa!” inis na sabi ko. Nanlaki ang mata ng lalaki sa sinabi kong tinapa. “Alam ko ang ibig sabihin ng tinapa. I don’t resemble a fish. I have a stunning physique. You can see what I mean.” Anito. Bumangon ito at bumaba sa kama. Tumayo sa harapan ko. Nangunot ang noo ko. Ano’ng gagawin ng lalaking ito? “I have muscled body.” Anito. Napaatras ako nang hubarin nito ang pang-itaas na damit. Medyo lumaki ang mata ko nang makita kong naghubad ito. Parang bumagal ang kilos ng lalaki. Unti-unting umawang ang labi ko nang makita ang sinasabi nitong muscled body. “Sh*t! Oo nga! May six pack abs ang walanghiya! Diyos ko magkakasala yata ako ngayon. Hindi ko napigilang mapakagat labi dahil sa nakita kong magandang katawan nito. Napalulunok pa nga ako habang hindi inaalis ang tingin ko sa mamasel nitong katawan. Grabe ang kinis ng balat ng lalaki. Daig pa sa balat kong hindi naman kaputian at may kaunting mamera. “At meron din akong ipinagmamalaki na kinababaliwan ng mga babae sa bansa namin at maging dito sa Pilipinas.” Anito at saka ngumisi. Naumid ako at hindi makapagsalita nang simulan nitong maghubad nang pang-ibabang damit ng lalaki. Habang unti-unti nitong hinuhubad ang saplot nito sa pang-ibabang bahagi ay siya naman ang unti-unting paglaki ng aking mata. At ang labi kong nakatikom kanina lang ay biglang napanganga ng sobrang laki nang masilayan ko ang kanyang kasariang hindi ko expected na makikita ko ngayon mismo sa silid ko. Well, nakita ko na siguro ito noong may nangyari sa amin, pero hindi ko matandaan dahil nga lasing ako. My gawd! Ito ba ang nagwasak sa monay ko? Nakakatakot. Ilang pulgada kaya ang etits nito? Napaatras ako nang unti-unting lumapit ito sa kinatatayuan ko. “You want to touch it?” Mas lalong nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Umiling ako dahil natakot ako sa etits niyang naghuhumindig. Parang gustong manusok! “Why not? You’ve already touched it several times when we’ve had s*x. You don’t remember? Halos isigaw mo nga ang laki ng aking precious thing.” Pagmamalaking sabi nito. Naningkit ang mata ko sa inis. Napaka-conceited ng lalaking ito. Oo na siya na ang pinagkalooban ng mahaba at matabang etits na kinababaliwan ng mga babae. Pero hindi naman sigurong tama na ipakita niya sa akin ngayon dito pa mismo sa bahay namin! Paano na lang kung pumasok si nanay? E, di makikita niya ang pinagmamalaki ng lalaking ito na dapat ako lang ang makakakita. “Anak, ito pala ang unan. . .” Napahinto sa pagsasalita si nanay nang makita ang sitwasyon naming dalawa ng lalaki. Nakatayo sa harapan ko ito na hubo’t hubad at ako naman ay nakatingin doon mismo sa etits. Nanigas ang katawan ko at walang lumabas na salita sa bibig ko. Parang gusto kong magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan sa nanay ko. Napaantanda ito habang nakatingin sa pang-ibaba ng lalaki. Bigla kong niyakap ang lalaki upang matakpan ang hubad na katawan nito. “Diyos ko bakit hindi man lang kayo nagla-lock ng pinto! Nakita ko tuloy ang hindi ko dapat makita! Diyos ko magkakasala ako sa tatay mo! Naku beh ang swerte ng anak ko sa iyo! Napakadaks!” sabi ni nanay habang palabas ng pintuan. Nang marinig ko ang pagsara nang pinto ay agad akong bumitaw sa lalaki at lumayo agad dito. Napahilot ako sa sintido ko. “Pwede ba magbihis ka na at inaantok na ako!” sabi ko na lang. Pinagpawisan ako sa nakita ko ngayon. Tumalikod ako at tumingin sa nakapinid na pinto. Narinig ko ang pagtawa nito. “Magbihis ka nga! Nakakainis ka talaga!” Inis na sabi ko. Gusto ko ring matawa ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Kinagat ko na lang ang labi ko upang hindi umalpas ang tawa ko. **** INIS na inis ako dahil isinama ako sa opisina ng lalaki. Ayoko sanang sumama dahil meron akong trabaho. Pinagtulakan pa nga ako ni nanay na sumama ako para makita ko raw ang opisina ng future husband ko. Wala naman sa akin kung mayaman ang lalaki. Hindi naman ako para sa pera niya. Pumayag ako dahil pinilit lang ako ni nanay. “Ano’ng gagawin ko rito? Siraulo ka ba? May trabaho ako ngayon. Nang dahil sa iyo absent ako ngayon.” Inis na sabi ko. Nagpapadyak ako habang naglalakad kami. Pinagtitinginan pa nga kami ng mga nakakasalubong namin. Napahinto sa paglalakad ito at hinarap ako. “You’ll be my soon to be wife. So you have the right to see my office work. And from now on you will be my executive secretary. I’ll talk to your boss about your leaving at work. Don’t worry about it, okay?” Pagpapanatag nitong sabi sa akin. Nanlaki ang mga mata ko. “What? Ako magiging secretary? No way! Wala akong alam sa pagiging secretary! Iba ang trabaho ko kaya hindi ko alam iyan!” reklamo ko pa. “Wala ka namang gagawin kundi umupo sa kandungan ko at tumitig sa guwapo kong mukha. See madali lang na trabaho.” Anito habang nakangisi. Umawang ang labi ko. Hindi ako makapaniwalang ganito ang ugali ng lalaking ito. “Mas lalo akong tatanggi dahil sa sinabi mo.” “Hindi ba pwedeng joke lang ang sinabi ko? Of course, you’ll be train to your work. Hindi naman pwedeng mag-work kang walang alam. I assure you kaya mo ang trabahong ito.” Pagpapanatag nito sa akin. Inirapan ko siya. Huminto kami sa harapan ng elevator. Hinintay naming bumukas. Ilang minuto ang lumipas ay bumukas iyon. Agad kaming pumasok sa loob ng elevator. Pumasok na rin ang ibang empleyado na kasabay namin. May bumati sa lalaki at mukhang nagpapa-cute pa ang mga babaeng hitad. Itong isa naman ay todo ang lawak ng pagkakangiti. Napaparolyo na lang ako ng mata dahil ang yabang nito. Napapatingin na lang ako sa numerong malapit sa button. Diyos ko nasa 5th floor palang kami. Ang dami kasing sumasakay at bumababa kaya natatagalan ang pag-akyat namin sa 50th floor na pinindot ng lalaki. Naramdaman ko ang paghawak nito sa kamay ko. Napalingon ako sa kanya ngunit hindi naman ito nakatingin sa akin. Diretso lang ang tingin nito sa harapan. Napapitlag ako nang pisilin niya ang palad ko. Hinila ko ang kamay ko ngunit humigpit ang pagkakahawak nito. “Bitiwan mo ang kamay ko.” Bulong na sabi ko. Ngunit hindi niya ako pinansin. Sa inis ko ay inapakan ko ang paa niya. “Ouch!” umalingawngaw ang boses nito sa loob ng elevator. Napatingin sa amin ang mga empleyado. Takang-taka ang mga hitsura ng mga ito. Tumikhim ito at saka ngumiti. Hindi naman ito nagsalita. Nakababa na ang mga kasabay namin at kami na lang ang natira. Hinarap ko siya. May pumasok na plano sa isip ko. “Papayag akong magtatrabaho rito, pero isang kondisyon ayokong malaman nilang ako ang girlfriend mo.” Bigla kong sabi. Kunot noong napatingin ito sa akin. “Why not?” anito. “Hindi ba ang kasal natin ay sa papel lang. Ikaw na mismo ang nagsabing wala namang ibig sabihin ang relasyon natin dahil kailangan mo lang tuparin ang sinabi ng lola mo dahil sa mana. Nakalimutan mo na ba?” sabi ko. I cross my arm. Matagal niya akong tinitigan. “Okay.” Tipid na sagot nito. Napangiti ako nang malawak. “And one more thing. There will be no physical interaction. Please treat me like an ordinary employee. Kung hindi ka tutupad sa usapan natin hindi matutuloy ang kasal natin,” sabi kong may pagbabanta habang nakangiting tagumpay. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan nito. Inilahad ko ang kamay ko sa harap niya. Wala itong nagawa kundi makipagkamay sa akin bilang pagsang-ayon sa sinabi ko. Tumaas ang sulok ng labi ko. Ngayon palang gusto ko nang magdiwang sa mga plano ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD