Episode 10

1242 Words
AWA ang makikita sa mga mata ng kaibigan kong si Gerorgina habang nakatingin sa akin. Nakauwi na kami sa bahay niya. Hindi muna ako umuwi sa bahay namin dahil ayaw kong makita ako ng mga magulang kong umiiyak. Sigurado kasing magtatanong iyon. Sigurado ako kapag nalaman ni Tatay na kagagawan ito ng ex boyfriend kong mukhang kabayo manangot ang lalaking iyon sa Tatay ko. Hindi nasugod ni Tatay ang bahay ng ex-boyfriend ko dahil nakiusap akong ayaw ko ng gulo. Saka magsasayang lang si Tatay ng lakas sa walang kwentang tao. “Ano ka ba iniiyakan mo na naman ang kabayong iyon? My god, sayang ang luha mo,” sabi ng kaibigan ko habang nakatunghay sa akin. Suminga ako sa tissue na hawak ko. “Sino ba namang hindi maiiyak sa ginawa ng kabayong iyon. Itinulak niya ako na parang walang kwentang babae. Kapal ng feslak niya! Gusto ko siyang ipasipa sa kapwa niya kabayo!” galit na sabi ko at saka umiyak. Hindi ko lang matanggap ang ginawa niya. Sana pala hindi ako umalis. Sinaktan ko sana ang lalaking iyon at ipamukha sa kanyang wala siyang kwentang lalaki sa balat ng kabayo! “Kalimutan na nga natin ang nangyari. Maiimbyerna lang tayo sa kabayong iyon.” Inis na sabi ng kaibigan ko. Well, tama nga naman siya. Nawala na naman ako sa concentration ko sa pagmo-move on nang dahil sa kabayong iyon. “Tama ka. Wala ka bang makakain diyan? Bigla akong nagutom sa nangyari.” Sabi ko sa kaibigan ko. “Magluto na lang tayo nga makakain natin. Tamang-tama may nabili akong gulay at karne. Ano bang gusto mong pagkain na iluluto ko?” tanong niya sa akin. Nag-isip ako kung anong pagkain ang gusto ko. Parang nagke-crave ako nang pasta. “Gusto ko ng spaghetti na maasim.” Nangunot ang noo ng kaibigan ko. “Hindi ba ang gusto mo sa spaghetti matamis? Bakit ngayon gusto mo italian spaghetti?” nagtatakang sabi ng kaibigan ko. “Tinanong mo ako kung anong gusto tapos magtatanong ka kung bakit iyon ang gusto kong kainin? Baliw ito,” sabi ko. “Yeah, alam ko naman. Nakapagtataka kasi na gusto mo ang maasim?” “Hindi ba pwedeng nagbago lang ang taste bud ko pagdating sa pagkain? Of course kailangan ko ding magbago para hindi ko na maalala ang nakaraan. Alam mo naman siguro ang ibig kong sabihin.” Makahulugan kong wika sa kanya. Napatango ang kaibigan ko at walang salitang pumunta sa kusina. Habang kumakain kami tumunog ang cell phone ng kaibigan ko. Napaangat ako ng tingin at napasulyap sa kanya. “Tumatawag ang afam ko!” kinikilig na sabi nito. Napairap ako at ipinagpatuloy ang pagkain ko. I am done with the boys. Ayoko ng masaktan at lokohin. “Really? Okay, I’ll wait you here.” Nangunot ang noo kong napatingin dito. “Pupunta ang afam mo rito?” Tanong ko upang makasiguro na pupnta nga ito. Malawak na napangiti ito at tumango. Tumayo ang kaibigan ko at tila hindi alam kung anong gagawin. “My god! Okay lang ba ang suot ko? Magpalit kaya ako ng damit, yung pang-sexy?” Hindi magkandaugagang sabi nito. Napatingin naman ako sa suot nito. Naka-dress naman ang kaibigan at nakalugay ang medyo kulot nitong buhok - na mukhang kinulot gamit ang curling iron. “Ayos naman ang suot mong damit. Bakit kailangan mo pang magpa-sexy? Diyos ko kakain lang naman yung tao. Saka nandito ako para lumandi ka.” Sabi ko at saka inirapan siya. Ang babaeng ito malandi pa sa p*kp*k. Napasulyap ito sa suot nitong dress at nagkibit balikat. Ilang minuto lang nakarinig na kami ng doorbell. “Oh my god, ahh! Nandito na siya!” tili ng kaibigan ko. Napangiwi ako. Parang kinikiliti ang tingle ng kaibigan ko kung makasigaw. Umayos ako ng upo nang maulinigan kong papalapit na sila sa kinauupuan ko. “By the way she is my best friend. She is Trina. I know you already see her.” Narinig kong sabi ng kaibigan ko. Napalingon ako. Napaawang ang labi ko nang makita ko ang tatlong lalaking nagtatangkaran. Parang pamilyar ang dalawang kasama ng lalaki. Hindi ba ito yung bartender at taxi driver na na-meet namin sa Romania? Hindi ako nagkakamali siya iyon! Napangiti sa akin ang lalaki. “Nice to see you again, beautiful,” sabi ng lalaking taxi driver. Alanganing ngiti ang nagawa ko. Nagulat ako nang kunin niya ang isang kamay ko at hinagkan ang ibabaw niyon at saka nag-angat ng tingin. Hindi ko maiwasang titigan ang mukha nitong perfect. Sinong hindi makakapagsabi ng perfect. Mula sa kulay ng mga mata nito, maging sa ilong ay napaka-perfect ng pagkatangos ng ilong nito. Ang kulay ng mga mata nito ay kakaiba sa mga nakikita kong foreigner. Kadalasan ay blue or brown eyes. Pero ito kakaiba. Green eyes. Tapos nakaka-intimidate ang labi nito na mapula. Diyos ko nakahihiya naman sa labi kong kulang sa kulay na parang humigop lang ng suka, namumuti. Medyo lumayo ako sa kanya. “Nice to see you again, Mr. Taxi driver.” Nakalimutan ko na kasi ang pangalan niya. Natawa ng mahina ang lalaki. Ano naman ang ginagawa ng mga poging lalaking ito dito sa Pilipinas? Malamang magbabakasyon. Singit ng isip ko. “Hi,” tipid na bati ng bartender.” Hindi ko alam kung ngingiti ako o ngingiwi. “Hello, Mr. Bartender,” bati ko. Diyos ko! Bakit hindi ko matandaan ang mga pangalan nila. Nagkatawanan sila sa sinabi ko. Nag-init ang magkabila kong pisngi. Nakahihiya ang sinabi ko. Bakit ba sinabi ko pa iyon? Sana nag-hello na lang ako. “I don’t remember your name," paliwanag ko kung bakit tinawag ko sila ayon sa kanilang trabaho. “We understand,” sabi ni Mr. Taxi driver. “Actually, there are five of us who came to the Philippines. The two are with their girlfriend. Everyone came because one of our friends got engaged,” ani ng afam ni Georgina. “Really? Who?” Tanong ng kaibigan ko. Napatirik ako ng mga mata. Marites talaga itong kaibigan ko. Kung maka-who akala mo namang kilala niya ang kasama ng afam niya? “I will introduce you to him later, baby.” Kinilig naman ang kaibigan ko nang sabihin iyon ng lalaki sa kanya. Napairap ako. Parang may kumikiliti sa tingle ng kaibigan ko kung makakilig. Isinuksok ng kaibigan ko sa tainga niya ang takas na buhok. Hinampas nito ng mahina ang lalaki. Malawak na napangiti naman ang lalaki. Napa-makeface ako. Naiinis ako dahil kahit ayokong maramdaman ang inggit, heto lumulukob sa buong sistema ko. “SASAMA ka ba sa akin mamaya?” Tanong ng kaibigan ko. Tatlong oras na ang lumipas nang umalis ang bwisita ng kaibigan ko. “Hindi na. Anong gagawin doon, aber? Wala naman akong kilala sa mga kaibigan ng afam mo.” Dahilan ko. Totoo namang wala akong kilala isa sa mga iyon. Saka wala akong balak makipag-date kung iyon ang balak ng kaibigan ko sa akin. “Hindi ka naman makikipag-date sa pupuntahan natin. Isa iyong gathering dahil ihahayag na ng couple ang nalalapit na kasal.” Napairap ako. Bakit ba pinipilit ako ng babaeng ito? “Ikaw na lang. Wala ako sa mood sa ganyang event. Alam mo namang may trauma na ako sa ganyang bagay. Maalala ko lang ang nakaraan. Instead na makalimot ako baka mas lalo ko lang maalala. Ayoko nang maalala ang pagmumukha ng kabayong iyon! I hate him!” inis na sabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD