Third Person's P.O.V Handa na si Kyle at Lucianna na magpunta sa Steelfire Palace. Alam nila kung gaano ito kapanganib Ngunit mas pinipili pa rin nilang gawin ito dahil iyon ang nararapat. "Tatagal ang potion na ito ng isang oras, sana sa isang oras ay mabawasan natin ang mga kawal nila ng hindi nararamdaman ng reyna," sambit ko sa kanya dahil sa oras na maramdaman sila ng reyna at ng prinsesa ay doon na mag u-umpisa ang lahat. Nakarating si Kyle at Lucianna sa steelfire. Kita nila ang dami ng mga kawal na naroon. Tahimik nila pinatay ang mga kawal at ginamit naman ni Kyle ang kanyang kapangyarihan upang maibaon sila sa lupa. Muli nilang kinalaban ang mga kawal na wala man lang nagawa upang protektahan ang kanilang mga sarili dahil hindi nila nakikita si Kyle at Lucianna. Maraming ri

