Third Person's P.O.V Nakatingin lamang si Jayvee sa mga taong humihingi ng tulong dahil sa hirap na dinadanas ngayon ng kanilang bayan. Napatingin si Jayvee sa mga kawal galing sa Arinflette. Hindi pa niya nakikilala kung sino ang reyna nila ngunit alam nitong mapanganib ang Arinflette. "Kailangan niyong paghirapan ang makukuha niyong ginto sa amin," sambit ng reyna ng Steelfire. "Masusunod mahal na reyna!" ani ng mga tao at Kinuha naman sila kaagad ng mga kawal upang maasikaso. Lumapit ang Heroine ng Steelfire kay Alzea. "Hindi pa rin nahahanap ng mga kawal ang mga prinsesa at prinsipe." sambit ng heroine. Napangiwi naman si Alzea at tumango. Nagbigay galang muna ang Heroine sa kanya maging sa reyna at muling bumalik sa pwesto ng may pumasok na mga kawal at bitbit ang isang babae

