Chapter XI

1966 Words
Ashanti's P.O.V Pinagmasdan ko ang kabuuan ng Palasyo. Napatingin ako kay Jayvee bago nagsalita. "D-dito ka talaga nakatira?" sambit ko kahit alam ko naman na ang sagot. "Yeah" he answered casually. Napatango ako, hinawakan nito ang palapulsuhan ko at nagtungo kami papasok sa palasyo. May mga yumukong kawal at taga pag silbi kay Jayvee, nagdiretsyo lamang kami sa loob at nakita naming tahimik na nakaupo ang hari sakanyang magarang upuan at may kausap na isang alchemyst. "Ibibigay ko ang inyong kahilingan," sambit ng hari. "Maraming salamat mahal na hari," napatingin sa amin ang alchemyst na iyon at yumuko bago ito lumabas ng palasyo. Agad akong yumuko sa hari, maging si Jayvee ay yumuko rin. "Magandang hapon Mahal na hari," sambit ko upang magbigay galang. "Siya ba ang iyong sinasabi sa akin Jayvee?" tanong ng hari, nanatili pa rin akong nakayuko at tumingin kay Jayvee. "Siya nga iyon Ama,"sambit ni Jayvee. Tumawa ang hari at nakita ko ang pagbaba nito sa kanyang upuan, huminto ito sa tapat ko. "Maari mo ng ituwid ang iyong Nuwe," (Ulo) sambit ng hari, umayos ako sa pag kakatayo kaya mas nakita ko ang kabuuan ng hari, napalunok ako ng mas mapagmasdan ko ang hari, he is really Jayvee's dad, the are look a like. "Napakaganda mo nga talaga, gaya ng kwento sa akin ng aking anak," nakangiti sambit ng hari. Napakagat labi ako at ngumiti. "Maraming salamat po," sambit ko. "Ama nasaan si Ina?" tanong ni Jayvee sakanyang ama. "Alam mo na anak kung saan nagpunta ang iyong ina, ilibot mo muna ang iyong bisita sa palasyo, magpapahanda ako ng inyong makakain, kung may kailangan pa kayo ay huwag magsabi sa mga taga pagsilbi," sambit ng hari muli akong yumuko at nagpasalamat. Naglakad kami papunta sa lugar na hindi ko alam, ngunit isa lamang ang nakikita ko ngayon mga magagandang bahagi ng palasyo. "Hindi ka ba magtatanong kung bakit--" "Nope, matagal ko ng alam," sambit ko at ngumiti. "Matagal ko ng alam na prinsipe ka ng ibang lugar, ngunit hindi ko lamang alam na sa lightannia iyon, don't feel bad either," nakangiting sambit ko habang naglalakad kami. "He is my biological dad. Pero ang Reyna, she's not my biological mother," sambit nito, na nakapukaw ng atensyon ko. "My biological mother is living in Siorosogo, kaya lagi akong nagpupunta doon upang bisitahin siya," sambit nito, napakagat labi ako dahil mas luminaw na ang mga matagal ng mga katanungan na nasa utak ko. "Akala ko talaga ako ang binibisita mo," natatawang sambit ko. Agad naman niyang ginulo ang buhok ko at isiniksik ako sa dibdib niya, na amoy ko kaagad ang amoy nito, he smell nice though. "Isa pang gulo mo sa buhok ko iisipin ko talagang sa buhok ko ikaw may gusto" natatawang sambit ko, napailing ito at napangiti Inabot rin kami ng isang oras, siguro sa paglilibot ng palasyo, hanggang sa dalhin ako ni Jayvee sa kanilang hardin. Nakatingin lamang ako sa tatlong fairy na masayang nagdidilig ng halaman habang paikot ikot sila at naglalaro. Napatingin ako sa natutulog na si Jayvee, hindi ko maiwasang mapanguso dahil dinala niya ako dito para lamang matulog sa binti ko? Hindi ko naiwasang pagmasdan ang mukha ni Jayvee. He's silently sleeping, hindi ko rin naman ito masisi kung bakit nakatulog ito dala na rin sa pagod, bakit kasi hindi nalamang siya nagpahinga sa dorm at mas gusto niya pang dito matulog? "Avelos ascendo!" masayang bati ng babaeng lumapit sa akin. Agad akong yumuko sakanya ng makitang pang maharlika ang suot nito, malakas ang pakiramdam ko talaga na kapatid ito ni Jayvee, well they are look a like too. "Kapatid ako ni kuya Jayvee, ikaw si Ashanti diba? tama nga si kuya, napakaganda mo," nakangiting sambit nito. Napalunok naman ako at halos masamid sa sinabi ng kapatid ni Jayvee, they are good in sweet talking. Napatingin ito sa kuya niya na nakahiga sa binti ko at muling tumingin sa akin. "Let me bring kuya to his room, tapos hintayin mo ako dito kay?" sambit nito at napatango nalamang ako, bago sila nawala sa paningin ko. Napabuntong hininga ako ng maiwan mag isa kasama ng maliliit na fairy na nagbabantay sa mga halaman. I've been with Jayvee when i'm 9 years old, and it was so weird na ngayon ko lang nalaman na may kapatid ito, hindi niya nababanggit sa akin ang kapatid niya. Bakit kaya? Nagulat ako sa biglaang pag litaw ng kapatid ni Jayvee na ngayon ay nakangiti sa akin. I smiled back to her, umupo siya sa tabi. "I'm Chime Night. Nice to meet you Ashanti Blood" sambit niya, nakipag kamay ako sa kanya at agad niya akong i-tineleport sa kakaibang lugar, namangha ako sa nakikita, nasaan kami? "Nasa underground tayo, this is my favorite spot here in our castle, balita ko mahilig ka sa mga libro, feel free to read some," sambit niya. Naglakad ako at pinagmasdan ang mga libro, sobrang dami ng librong naririto at naka arrange ang mga ito ng ayos. "Nabasa mo na ang lahat ng ito?" tanong ko sakanya umiling siya. "Itong nasa left side hindi ko pa nababasa lahat, but the rest nabasa ko na" "Wag kang mahiyang kumuha, tinulugan ka na kasi ni kuya, ayoko namang ma bored ka kakapanood sakanyang matulog," natatawang sambit nito. Hinigit ko ang isang librong nakapukaw ng atensyon ko. "Oh! The story of Princess Lyrianne? Ang prinsesang galling sa mundo ng mga tao." "Pwede ko ba itong basahin?" "I alread read that book and it has no ending, hindi ko nga alam kung paano yan na published ng walang ending," sambit nito. "Walang ending?" takang tanong ko at binuklat ang libro sa huli at blanko nga ito. "Weird no?" "Hindi ba at patay na ang prinsesa?" takang tanong ko. "Bakit hindi nalang ilagay na, patay na ito? o ilagay ang huling pagbangon na ginawa niya sa mundo natin?" sambit ko narinig ko ang malakas na pagtawa niya bago naupo sa isang upuan. "Sa tingin mo bakit walang ending ito?"she asked me, kumunot ang naman ang noo ko at napangisi. "Because of the author?" walang ganang sagot ko. "It was obviously written by Princess Lyrianne, she's the only one who knew about how she did in their world, kaya walang writer ang makakapag sulat ng kwento na kasing detailed katulad ng isang 'to," sambit nito. Nakuha ko naman agad ang ibig niyang sabihin. "It means, she didn't finish this book, because she's dead?" napakibit balikat ito. "Pero hindi ako naniniwala na patay na ito," sambit niya. Naningkit ang mga nata ko, why would she think like that? "Kuya!" sigaw ni Chime, napatingin naman ako sa pintuan ng pumasok doon si Jayvee at lumapit sa amin, agad itong lumapit sa akin. "Sorry... nakatulog ako," sambit nito. I smiled. "Ayos lang," sambit ko. Napatingin si jayvee sa libro na nakalagay sa lamesa. "You're reading that book?" "Oh, yes kuya mukhang kagaya ko ay interesado rin siya sa prinsesa mula sa mundo ng tao," sambit ni Chime. "Can I borrow this book?" tanong ko kay Chime, tumango naman ito agad. "Of course," masiglang sambit niya. Hinawakan ko ang libro, at pinagmasdan iyon ng mabuti ng biglaan itong umilaw kaya't nabitawan ko ito. "What's happening?" takang tanong ko. Biglang pumunta ang libro sa pinaka huling pahina kung saan may tatlong bakanteng pahina sa libro. "Darating ang isang babaeng, magtatama ng mga pagkukulang na hindi ko napunan, katuwang nito ang mga magigiting na mag a-aral, ang babaeng may sapat na kaisipang karugtong ang puso sa anumang bagay, ang mag kakaisa, dugo, pawis, hirap, at hinagpis, kapalit ng awitin, saya at ngiti, isang awitin, isip at puso ang susi" Biglang nagsarado ang libro, agad ko itong kinuha at nagtatakang tumingin kay Jayvee at Chime na hindi makapaniwala sa nakita. "You are one of them, isa ka sa titnutukoy ng libro, Ashanti!" masayang sambit ni Chime. "Finally mukhang maku-kompleto na ang laman ng librong ito!" sambit nito. "Chime," pagtawag ni Jayvee sa kapatid niya na pinapatigil ito sa pagsasalita. "Pag usapan natin ang bagay na yan, sa ngayon kailangan muna nating saluhan si Ama sa pagkain," sambit ni Jayvee. Tumango si Chime, at napatango na rin ako, bago naunang lumabas si Chime at halos sabay kami ni Jayvee naglakad palabas, iniwan ko muna ang libro, at lutang naman ako habang naglalakad sa pasilyo, habang iniisip ang bagong nakasulat sa libro na iyon. "Sino kaya ang babaeng tinutukoy niya doon?" "Hindi ko rin alam, ngunit isa lamang ang malinaw, isa ka rin sa tutulong sa babaeng tinutukoy sa libro" "What do you mean na isa rin ako? ikaw rin ba? umilaw rin ba ang librong iyon noong hinawakan niyo at nag iwan ng ganoong salita?" tumango ito. "Maging kay Chime ay umilaw rin ang libro na iyon," sambit niya. Ano ang magiging papel namin sa mundong ito? at sa buhay ng babaeng sinasabi sa libro? Nakarating kami sa mahabang lamesa kung saan nakaupo ang hari, at nakatingin sa amin, nakita ko ang paglapit ni Chime sa kanya at paghalik nito sa pisngi. Napangiti ako dahil doon, napaka sweet ni Chime sa kanyang ama, walang duda, masiyahin at malambing na bata si Chime. "Maupo kayo at saluhan niyo ako," nakangiting sambit ng hari. Naupo naman kami sa mga bakanteng upuan na naroon, ipinaghila kami ng mga taga pagsilbi ng upuan agad akong nagpasalamat sa mga taga pag silbi at agad ding nagbigay galang sa hari, sa totoo lamang kanina pa ako nahihiya at hindi alam ang gagawin kung paano ba ako makikitungo sa hari. The king motioned his hands at sumunod agad ang mga tagapag silbi at nilagyan kami ng pagkain sa plato, nakatingim lamang ako sa mga pagkaing nasa harapan ko pinigilan na ang tagapag silbi sa paglalagay ng mapansing marami na iyon. "Ama, hindi ka maniniwala sa nangyari kanina sa underground, isa rin si Ashanti sa nakapag pa ilaw ng libro ni princess Lyrianne!" masayang sambit ni Chime sa kanyang ama, napatingin sa akin ang hari. "Kung ganoon isa ka rin pala Ashanti sa magiging parte ng libro na iyon," sambit ng hari. Ngunit iba ang naririnig ko sa kanyang boses, kakaibang tono ngunit hindi ko iyon mawari. Naging tahimik ang naging pagsasalo namin sa isang mahabang lamesa. Nang matapos kami sa pagkain ay nagpa alam sa amin ang hari na marami pa itong kailangang asikasuhin sa palasyo, kaya't napag pasyahan din naming tatlo na bumalik sa underground sa pamimilit ni Chime na kailangan namin itong pag usapan. "Malakas talaga ang pakiramdam ko na kailangan nating makumpleto at kailangan nating maitama ang lahat, simula ng mapailaw ko ang librong ito ay hindi na ito mawala sa isip ko, ganon ka rin diba kuya? kaya ka nga balik ng balik dito kahit hindi ka naman talaga nagpupunta dito ng madalas," sambit ni Chime. Napatikhim naman si Jayvee sa sinabi ni Chime. "Marami akong ginagawa sa Academy Chime,"sambit nito. "Sa Shera uunti!" sambit ni Chime, sa Shera Academy pala ito nag aaral. "Ilan na kayong nakapag pa ilaw ng librong ito?" tanong ko. "Lahat ng Class Z+ at Jade A+" sambit ni Jayvee. "Isang awitin, isip, at puso? Ito ang mga katagang naalala ko na magiging susi para makita ang itinakdang babae," sambit ko. Napakagat labi rin ako dahil hindi ko maunawaan ang sarili ko kung bakit kating kati akong malaman ang lahat. Ginulo ni Jayvee ang buhok ko at agad ko namang inalis ang kamay niya sa buhok ko, masama ko siyang tinignan ngunit tinawanan niya lang iyon. Hindi ko alam kung paano ito uumpisahan, kung saan mag uumpisa ngunit isa lamang ang tinitiyak ko sa mga oras na ito, malalaman ko rin ang buong katotohanan sa likod nito, malakas ang pakiramdam ko, na isa rin ito sa magtuturo kung sino ba talaga ako, at kung ano ang tunay kong pagkatao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD