Genevieve's P.O.V "Hindi ba yan masakit?" tanong ko kay Sabrina. Nasa isa kaming lamesa na bilog. Hindi ko alam kung anong tawag dito ngunit dito daw gagawin anh ritual upang lumabas ang kapangyarihan ko gaya ng sabi nila. "It will hurt but you can endure it," sagot niya sa akin. Napatingin naman ako sa dalawang prinsipe na naroon at nakaupo lamang sa bakanteng upuan. Kumaway sa akin si Ken at ngumiti lamang ako bago ibinalik ang tingin kay Sabrina. "Sabihin mo lamang ang nakasulat sa libro na ito, habang hawak hawak ang sedua," sambit ni Sheherazade at tumango naman ako sa sinabi niya. Umalis siya sa pwesto ko at lumapit sa dalawang prinsipe. Naituro na ito sa akin ni Sabrina kahapon ngunit ito ang unang pagkakataon na tutungtong ako dito sa tinatawag nilang 'God's paradise' ito raw

