Chapter XV

1349 Words
Ashanti's P.O.V Naalimpungatan ako ng maramdaman kong masakit ang katawan ko. Ano bang nangyari? "s**t, my body hurts so much" sambit ko habang hawak hawak ang balikat maging ang likod ko dahil sa nararamdaman ko talaga ang sakit no'n. "Sorry, ang bigat mo kasi kaya nahirapan akong ihiga ka jan sa kama," sambit ni Leth kaya naman sinamaan ko ito ng tingin. "How? paano? Wala akong maalala sa nangyari wala akong maintindihan," naguguluhang sambit ko. "Mas lalo namang wala akong alam sa pinag gagawa mo, basta ka na lamang dinala dito ni Ken yun lang," sambit niya at na upo sa harap nang salamin. "Dinala ako dito ni Ken?" tanong ko. "Yeah, pa ulit ulit?" inis na sambit niya at nag unat ng braso niya. Mukang nararamdaman niya pa ang sakit sa pagkakabuhat sa akin. Ganon ba talaga ako kabigat? Parang hindi naman ah. "Ganon ka talaga kabigat Ashanti, mag bawas ka rin ng timbang minsan ha?" sambit nito na ikinalaki ng mata ko, how did she read my thoughts? "I have that kind of ability," sambit niya. "Stop reading my thoughts!" naiinis na sambit ko. "Then block it! saka isa pa kanina ka pa nila hinihintay sa meeting room go!" sambit niya, hinagis ko ang unan sakanya at nagsimula nang ayusin ang sarili ko. What was exactly happened? iba ang pakiramdam ko sa nangyari. Isinawalang bahala ko na lamang ang gumugulo sa isipan ko at agad nagpunta ng meeting room. Pagkabukas ko ng pinto ng meeting room ay nakita ko ang kakaiba nilang titig sa isa't isa. Nag aaway ba sila? "I'm sorry, I'm late," nakayukong sambit ko. "Let Ashanti vote, and that will be our final answer," biglang sambit ni Sheherazade. "I know that you are agree with that Prince Daniel right?" dugtong pa ni Sheherazade at napatango naman si Prince Daniel. "We let you choose, and choose wisely," sambit ni Prince Daniel at nagtataka naman akong napatango na lamang at naupo sa bakanteng upuan. "Are we going to find the truth or not?" tanong niya na mas nagpagulo sa utak ko. Like what? what kind of truth? nakakasakit ba iyon o hindi? And it was depend on the sitwasyon! Ni hindi ko nga alam ang pinagtatalunan nila. "Even if I don't know what kind of arguments you have I will gladly choose the truth," sagot ko at nakita ko naman ang pag ngisi ni Sheherazade. "Be ready to be hurt," maikling sambit ni Jayvee kaya napatingin ako sakanya at tipid naman itong ngumiti ng magtama ang tingin naming dalawa. "We are always ready," sagot naman ni Ken at tumayo at agad lumabas ng meeting room. "The meeting is done," sambit ni Prince Daniel at parang bula na lamang na naglaho. Naiwan naman kaming dalawa ni Jayvee sa meeting room agad itong lumapit sa akin. "Are you alright?" he asked tumango naman ako. "Yeah? why did you ask?" tanong ko at umiling naman siya kaagad. "Nothing, keep your distance with Ken he's not good for you," sambit nito. "You have an idea on what happened to me yesterday right?" sambit ko, at naramdaman ko naman ang pagulo niya sa buhok ko kaya napasimangot ako. "Just my answer my question!" hasik ko at hinila na niya ako palabas ng meeting room. "You still didn't make a potion for our project right?" tanong niya, at tumango naman ako. "You're changing the topic! Just answer my question first before moving," iritang sambit ko. "Let's make that potion together then," sambit niya at napa padyak naman ako sa inis. "I'll make that potion alone!" sigaw ko at aalis na sana nang muli niya akong higitin. Hayst! "Ano--s**t! let me go!" sambit ko at inis na inalis ang kamay niya sa buhok ko. Narinig ko ang malakas niyang pagtawa niya na dumagundong sa buong hallway. Napatingin ako sa paligid kung saan ako dinala ni Jayvee. Were here in the forest mukhang hindi pa ata nakakakuha ng ingridients ang isang to! "Di ka pa nakakakuha ng ingridients?" tanong ko habang pinagmamasdan ang mga halaman at bulaklak sa paligid. "Hindi pa, ngayon pa lang," sagot niya at naglagay ng halaman sa loob ng basket na hawak ko. "May mga naitabi akong halaman galing sa ardelaine, hindi mo na kailangan kumuha pa ng maraming halaman dito," sambit ko at tumango naman siya. "Saka, bakit dito ka kumukuha ng halaman at bulaklak na gagamitin sa potion? hindi ba't mas magiging maganda ang kalalabasan ng potion kung magagandang klase ng halaman ang gagamitin mo?" takang tanong ko. "Nasa ritwal din ng pagawa ang kalalabasan ng potion," sambit niya at inilagay muli ang nakuha niyang bulaklak sa basket na hawak ko. "Let's go, mukhang iyan lang ang kakailanganin natin," sambit niya at nagteleport kami sa potion Lab. "It's Jayvee!" rinig ko ani ng mga taong nasa loob ng potion lab. Hinawakan naman ako ni Jayvee at nagtungo kami sa bakanteng upuan at bakanteng pot kung saan namin gagawin ang potion. "Maybe she's the new girl in their group how lucky," sambit nila at napakibit balikat naman ako. Ini-abot ko sakanya ang mga halamang ibinigay sa akin ni Leth noon kapalit ng pagtakas ko sakanya, nakuha namin iyon kanina sa dorm bago kami pumunta ng forest. "Don't watch me, make your own potion," sambit niya at napairap naman ako. "I will!" sambit ko at kumuha ng isang pot at inilapit sa akin at nagsimula nang gumawa ng potion. Kinuha ko ang libro na nakapatong sa ibabaw nang lamesa at binuklat iyon, nagtingin tingin ako ng mga iba't ibang klase ng potion na maaari kong gawin at kaya kong gawin. It was really hard to find, dahil ang daming pwedeng gawin na potion sa librong ito! Bat naman ganito? Why is it always hard to choose? "Choose the easiest path," dinig kong sambit ni Jayvee at nakita kong nag i-iba na ang kulay nang mga gamot halaman na nakalagay sa pot niya. "Tss, can you work quietly?" sambit ko at inirapan siya. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa libro at nakita ang isang potion na nakaagaw pansin sa akin. Blaze Powder- A strength potion made with a blazing fire. Can I make this one? Nag umpisa akong kumuha ng tubig at ilagay iyon sa loob ng pot, kumuha ako ng bulaklak at pinukpok iyon sa maliit na pot at dinurog. Nang madurog ko iyon ay agad kong inilagay sa malaking pot na kumukulo at inihalo. Ilang oras din ang inilaan ko, nahirapan din ako sa pagpapa apoy ng mismong tubig sa loob upang maging mas mabisa ito ayos sa instruction na nakalagay, pero kalaunan ay sa tingin ko nagawa ko naman iyon ng ayos. Nag punas ako ng pawis ko at humarap kay Jayvee na nakatingin lang sa akin at kanina pa tapos gawin ang potion na ginagawa niya. Ni hindi man lang ako tinulungan! "I'm done, finally!" sambit ko at malakas na bumuntong hininga at isinandal ang likod ko sa upuan. "Tired?" tanong niya at napataas naman ang kilay ko nang makita ko ang ngisi sa mga labi niya. "What do you think?" sambit ko at inilapit naman niya ang mukha niya sa akin kaya lumayo ako ng kaunti. "I think your not tired, let's go to other place," sambit niya at inilayo na ang mukha sa akin. "Where?" takang tanong ko at agad niya akong hinila kaya naman agad kong inilgay sa basket ko ang potion na nagawa ko. "Wait! The potion may break!" at saka ko hinigit sa kanya ang kamay ko. "I'm sorry," sambit niya at napahawak naman ako sa binti ko ng maramdaman ko ang pagod sa aking binti. Nakita ko ang ginawang pag upo ni Jayvee nang nakatalikod sa akin. "Hop in," sambit niya at hindi na ako umangal pa at umangkas sa likuran niya. Iniayos naman niya ang binti ko sa pagpulupot sa bewang niya at naging marahan din ang paglalakad niya habang buhat buhat ako sa likuran niya. "If I'm heavy it's not my fault, okay?" bulong ko sa tenga niya at pinitik iyon. "Your not heavy though," sambit niya at napangiti naman ako dahil doon. --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD