Third Person's P.O.V "Hayst! Bakit ako pa ang naging neada niya? Kaya ba hindi ko siya magawang iwasan? Kaya ba ganito ang puso ko kapag nakikita ko siya?" tanong ni Genevieve sa kanyang sarili. Napahiga siya sa kanyang kama at nagpagulong gulong ng muli niyang maramdaman anh sakit ng balikat niya. "Teka, naramdaman niya rin kaya iyon?" tanong niyang muli sa kanyang sarili. Umayos ng pagkakahiga si Genevieve at muling tumayo. Chill ka lang Genevieve okay? Napahinto sa paglalakad si Genevieve ng makaramdam ng kakaibang enerhiya na alam niyang sa ibang alchemyst galing. Agad siyang bumaba sa ibaba at nakitang naroon si Ashanti. "Naramdaman mo rin ba iyon?" tanong ko sa kanya. Agad naman siang tumango. "Mukhang nahanap na nila tayo," sambit niya kaya agad kaming pumunta sa kwarto ng m

