Genevieve's P.O.V Dahan-dahan silang lumapit sa akin at pinalibutan ako habang patuloy naman ako sa pag atras at pag-iling kasabay nang pagsasabing hindi ko talaga itinulak si Janice. Napatingin ako sa kanila at napatakip sa aking mukha nang mas napalapit sila sa akin. Napa-pikit ako sa aking mata at hinihintay ang mga kamay nilang dadapo sa'kin ngunit wala akong naramdaman. Napahinga ako nang malalim bago ko unti-unting binuksan ang aking mga mata, pagmulat ko nang akin mata ay tanging kulay puti lamang ang aking nakikita kaya naman agad kong hinanda ang aking sarili. Hindi dapat ako kabahan, may kapangyarihan ako at kaya kong protektahan ang sarili ko. "Hindi ka na dapat nag-balik pa... Ikaw ang gugulo sa balance ng mundo hindi mo ba alam 'yun?" dinig kong sambit nang kung sino at

