IKAWALO

2410 Words

IKAWALO "Mga mahal naming manlalaro, maligayang pagdating sa Grandiosong Bulwagan!" Umalingawngaw ang malakas na boses ni Charon sa buong tunnel. "Dito na nagtatapos ang paglalakbay ninyo kasama ako. Nawa'y mapasainyo ang swerte!" Kasunod niyon ay ang pagkamatay ng liwanag ng dala nitong sulo. Saglit na nagdilim ang buong paligid, at segundo lamang ang lumipas nang bumukas ang ilaw sa kapaligiran. Wala na si Charon sa tapat ng malaking gate, at umugong ang bulong-bulungan. Ang lahat ay nagsimulang magtanong kung nasaan si Charon, ngunit wala namang makasagot sa katanungang iyon. Isa-isang bumukas ang mga ilaw. Ang buong tunnel ay nagliwanag. Hanggang dulo. Agad na lumingon si Faizal, ngunit agad ding gumuhit ang pagtataka sa mukha niya nang makitang wala na sa tunnel kahit isang katawa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD