Chapter 8

1776 Words
Nicole' s Pov Tinanghali na ako ng gising kinabukasan , dahil weekend naman ay hinayaan ko ang aking sarili na makapag pahinga, tiningnan ko ang oras 10 am na pala, ngunit tamad na tamad pa rin akong kumilos, inisip ko ang pangyayari kagabi at napagtanto ko itong hindi panaginip,hindi ko alam ang aking sunod na gagawin , lumipas ang isang oras nang wala akong nakuhang solusyon sa aking problema kaya naisipan kong maligo nalang para mahimasmasan ako. Pagkatapos kong maligo at makapag bihis saka ako bumaba , nadatnan ko si yaya na naghahanda ng tanghalian "Mabuti at gising kana halika na't nang makakain ka" umupo ako para mag umpisahang kumain, Si yaya naman ay pumasok ulit sa kusina naiwan akong mag isa sa hapag, tiningnan ko ang paligid, feeling ko may matang naka tingin sa akin, pero wala namang ibang tao akong nakikita kaya baka guni-guni ko lamang ito. Pagkatapos kong kumain nagpasya akong magpahinga sa may garden, May mga alaga akong bulaklak at lumaki na ang mga ito at namumukadkad ang mga bulaklak nito. Medyo gumaan ang aking pakiramdam, ngunit bigla itong nasira nang marinig ko ang baritone na boses ni Uncle " Carefull my Angel baka matinik ka" lumingon ako sa kanya pero wrong move pala ako dahil ang lapit pala niya sa akin, kaya napaatras ako bigla pero kinabig niya ako sa baywang. " Gotcha " ngisi niyang sabi tinulak ko siya agad at nagtagumpay naman ako, Lalu akong kinilabutan sa mga kilos niya, babalik na sana ako sa loob nang magsalita siya " I will be gone for a few days and when I return we will get married immediately " napalingon ako sa sinabi niya, hindi ako makapaniwala, tiningnan ko siya ng masama " No , hindi ako magpapakasal sa inyo " galit kong sabi sa kanya " Let's see " sabi niya pa pero hindi kona pinansin at umakyat nalang ako sa kwarto ko. Ang sama-sama ng loob ko, bakit ba niya pinagpipilitan na pakasalan ako, hindi ko mainitindihan ang aking mga magulang bakit nila akong hinabilin sa kanya. I have to do something. Kailangan ko makausap si Attorney baka matulungan niya ako tutal naman nasa right age na ako para mahawakan ang inheritance ko. ******* Arturo Simon Pov ******* Alam ko nabigla ko Angela sa sinabi ko kagabi, wala na sana ako balak pang sabihin sa kanya yon kung hindi lang ako kinain ng selos. Habang nag sasayaw sila ni Enzo nakikita ko sa mga mata niya ang saya at kilig, lalu na magkalapit ang edad nila, Yes I'm a selfish , dahil gusto ko sa akin lang siya ngingiti at sasaya, kaya sa galit at selos na naramdaman ko uminom ako nang uminom para magkaroon ng lakas ng loob ipagtapat sa kanila and I did it. Alam ko sobra kong nasaktan si Anicka pero mas maigi nang mas maaga niyang nalaman habang hindi pa huli ang lahat. Aalis mona ako ng ilang araw , nagka problema kasi sa site sa America and I have to handle it. Hindi niya alam na may naka bantay sa kanya kaya wala na siyang kawala pa sa akin, at pag balik ko , pakakasalan ko agad siya sa ayaw at sa gusto niya. Nicole's Pov Hindi na ako lumabas pa ng kwarto hanggang sumapit ang gabi, dinalhan nalang ako ni yaya ng makakain. Hindi rin ako nag bukas ng social media, tumawag kasi si Beshy sa akin kanina at sinabing pinag pyestahan kami ni Uncle Art, pero hindi naman daw puro negative at mas maraming natuwa lalu na sa side ni Uncle imagine the The Great Arturo Simon Mendez is now finally getting married . Oh diba nakakuha pa siya ng support . Ang iba naman daw ay umiiyak kasama ang fans nila ni ate Anicka.speaking of , Kumusta na kaya si Ate Anicka alam ko nasaktan siya ng sobra, pero anong magagawa ko hindi ko naman 'yon ginusto. Kinabukasan 4 am gising na ako, naligo ako agad at pumasok na sa school. Wala pang tao pag dating ko sa school kaya dumiretso ako sa library buti at laging naka open ito kaya malaya ako nakapasok , natulog mona ako mamayang 8 pa naman ang pasok ko. May naririnig ako na parang nagbubulungan kaya binuksan ko unti-unti ang aking mga mata at tumambad sa akin ang guapong mukha ni Enzo naka pikit din ito at naka harap sa akin , naamoy ko tuloy ang hininga niya kasi sobrang lapit niya sa akin kaya sa gulat ko nasampal ko siya ng bahagya, "Aray naman babe ba't kaba nananampal? " Ani sa akin ni Enzo " Sshhh bakit kaba nandito? " Bulong ko sa kanya pinagtitinginan na kami ng ibang estudyante. Kaya inaya ko na siyang pumasok sa classroom 7:30 na rin naman at malapit na ang klase. Paglabas namin ng library ni Enzo pinagtitinginan kami lahat ng nadadaanan namin 'yong iba nakasimangot pero yong iba binati pa nila ako. Nakasalubong namin ang Principal kaya nag bigay galang kami sa kanya pero ang sagot ba naman sa akin ay "Congratulation Miss Valdez and soon to be Mrs. Mendez " sabi pa ng Principal sa akin saka nag dirediretso sa office niya.lalu tuloy akong nahiya sa sinabi niya . Nakarating kami ng classroom ng hindi na muli nagsalita pa si Enzo. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya kaya hinayaan ko na lang. Natapos ang First subject second and third hanggang mag lunch break, saka lang kami nagka chikahan ni beshy, buti at nakapag advance reading ako kasi may pa surprise quiz ang mga teachers sa amin. Nandito na kami ngayon sa Canteen ng kaibigan ko pero hindi mahagilap ng mata ko si Enzo. " Beshy ano plano mo ngayon , magpapakasal kaba kay Papa Arturo? "tanong sa akin ni Trice. " No over my dead body , hinding-hindi ako magpapakasal sa kanya kahit pa hiling ng mga magulang ko 'yon " mahabang sabi ko sa kanya "Eh paano na , I'm sure naman desidido na siya , tingnan mo nga kagabi sobra niyang sinaktan ang fiance niya pero parang wala lang sa kanya" dugtong pa niyang ani sa akin " Bahala na basta gagawa ako ng paraan ". Natapos na ang klase namin, nauna ng umuwi si Beatrice.ako nama'y naghihintay ng taxi para makipag kita kay Attorney, hindi ako nagpasundo sa driver sinabi ko na may group study kami. Ayaw kong malaman nila na nakipag kita ako sa kanya baka makarating pa ke Uncle at mabulilyaso pa ang plano ko. Sakay ng taxi ay narating ko ang meeting place namin ni Attorney , tinanong ko siya kong totoo ba talaga ang video na iyon at sinabi niyang matagal na raw nagawa ng mga parents ko yon, sinabi din niya sa akin na matagal na pala sila nakaka recieve ng death threath kaya yon ang paraan nila para ma protectahan ako ang maikasal kay Uncle ngunit kong sakali man na nag asawa na raw si Uncle ay may naka sunod pa raw sa listahan at iyon ay hindi na niya sinabi kong sino. " Eh Attorney pwede naman po pala na iba nalang , sino po ang sunod sa list nila papa?" Paki usap kong tanong ke attorney " Pasensya kana Miss Valdez pero hindi ko pwede sabihin and besides wala pa namang asawa si Mr. Mendez "Lalu akong nanlumo sa sinabi ni attorney , hindi ko tuloy maiwasang mag damdam sa parents ko bakit may mga ganoon pang kasunduan bago ko tuluyang makuha ang aking mana, actually parang gusto ko namang tanggihan ito, mas gusto ko pang mag hirap kaysa maikasal sa kanya kasu iniisip ko naman ang pag aaral ko,kaya lalu akong naguluhan. Ayon kay attorney kailangan ko daw mona magpakasal para mahawakan ko ang iniwan sa akin ng aking mga magulang. Kailangan daw nila gawin yon para hindi tuluyang maagaw sa akin nila lola At tito Romano. Matapos kaming mag usap ni attorney , masyado akong nanlumo sa sinabi niya, buti at may condo pala akong minana sa kanila, matagal na daw nila yon nabili ireregalo daw sana nila sa akin pagka graduate ko. Yon lang daw ang kaya niyang itulong sa akin . Lumipas pa ang araw hindi pa rin nagpapakita sa akin si Uncle Art, na siya namang pinagpasalamat ko. Hindi na rin kami masyado nagkikita ni Enzo kong dati ay araw-araw niya akong inaabangan para salubongin ako at ihatid sa classroom , ngayon nama'y ni anino niya hindi ko makita, nag aalala na tuloy ako sa kanya , kaibigan ko pa rin naman siya. Naka lipat na rin kami ni yaya sa condo kasu dahil nagkasakit ang anak niya kaya kailangan niya monang umuwi, mag isa na lamang tuloy ako, mabuti at safe ang security nila dito kaya hindi ako nag aalala. Kaya lang alam kong alam na ni Uncle na wala na ako sa mansyon niya, mabuti at hindi nila ako pinigilan kaya kahit papaano naka hinga na ako ng maluwag isa pa parang may maligno sa bahay niya, ngayon payapa na ako nakakatulog sa gabi ng hindi nananaginip ng kakaiba. Nanunood ako ng netflix ngayon ng biglang tumunog ang aking cellphone kaya dali-dali ko itong sinagot ng hindi man lang tinitingnan ang number. " Hello " "Hello whos this? " Ulit ko pang tanong " Where the hell are you young lady? "Para akong nabingi sa lakas ng boses niya, sa takot ko pinatayan ko ito agad.Dumating na pala siya kaya nilukuban na ako ng takot. Pinatay ko din agad ang tv pati na rin ang cellphone ko saka ako pumasok sa kwarto. Nanginginig ang aking kamay, hindi ko alam bakit ako nakakaramdam ng takot sa kanya. Marahil naalala ko ang sinabi niya bago umalis na magpapakasal na daw kami. My god paano ko ba ito matatakasan. Tinawagan ko si Ate Anicka gamit ang isa ko pang cellphone para humingi ng tulong, nakapag usap kasi kami na kung kailangan ko daw ng tulong handa daw niya akong itakas at itago kay Uncle. " H-hello Ate ,,,, dumating na siya " garalgal ang boses kong sabi sa kanya, " Okay Nicole listen, relax kalang hindi ka niya magagalaw kasi naglagay na ako ng security mo sa labas at tight ang security nila diyan sa condo at diba pina blotter mona ang mukha niya na hindi siya maaring pumasok d'yan? Kaya relax kalang bukas na bukas din ilalayo ka Namin ni Enzo." Sabi ni ate " Salamat po ate " " No worries sige goodnight matulog kana at mag-lock ng maayos " yon lang ang sinabi niya at naputol na ang linya.tama siya wala akong dapat ipag alala kay minabuti kong matulog nalang at wag nang alalahanin pa,
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD