Chapter 10

1520 Words
Nicole's Pov Parang may nakadagan sa legs ko pag gising ko kinabukasan kaya binuksan ko ang aking mga mata at tumambad sa akin ang ma balbong mukha ni Uncle Art na mahimbing na natutulog sa aking tabi, "Ahhhhhhh! " Sigaw ko , kaya napabangon siya ng wala sa oras dahil sa gulat ngunit laking pag sisisi ko dahil naka boxer lang siya at ang ano niya naka umbok ng malaki , tinitigan ko pa ito saka ko na-realize na nakatingin din siya sa akin , kaya sumigaw ako ulit "Ahhhh bastos ano ginagawa mo dito ba't katabi kita? " pinagbabato ko na siya ng unan siya nama'y panay ang iwas , naka ngisi siya habang umiilag sa mga binabato ko sa kanya, " Hey listen my Angel. wala akong ginagawang masama " rason niya sa akin, tumigil ako sa pag bato sa kanya at siya nama'y naka tago na sa may pintuan " Ehh ba't katabi kita? "Pagtataka kong tanong " Eh kasi dito ang kwarto ko , look around " sabi niya pa, tumingin naman ako , at ngayon kulang napansin na may pagkakaiba pala , yong sakin ang kurtina ay puti itong sa kanya ay gray. " Bakit ako nandito sa kwarto mo siguro " pagsusungit kupang tanong " I don't know basta pag pasok ko mahimbing na ang tulog mo kaya hinayaan nalang kita" pagpapaliwanag pa niya " And about dito sa suot ko , sorry to say dahil ganito talaga ako matulog, nakahubad pa ngai kaya pasalamat ka nalang dahil nag boxer pa ako " " Whatever" sagot ko nalang sa kanya lalabas na sana ako pero humirit pa, " Baka gusto mo din sabay tayo mag shower " pang aasar pa niya sa akin " Mag shower ka mag isa mo che " at binagsak ko ng malakas ang pinto, at tumakbo sa kwarto ko na katabi lang din pala. " Gosh bakit ba doon ako natulog tanga! tanga! " kausap ko sa aking sarili, sa totoo lang kung dati rati sobra ko siyang ginagalang pero ngayon unti-unti itong naglaho dahil na rin sa kanya, Dumiretso ako sa banyo para maligo at nang maumpisahan kona ang plano ko, ang papayagin siyang umatras sa napagkasunduang kasal. Pagkatapos kong maligo dumiretso ako sa Kusina at nadatnan ko siyang nagluluto. " Good morning Uncle " nakangiting bati ko sa kanya , tiningnan naman niya ako na magkasubong ang kilay " From now on stop calling me Uncle because its not approriate to call your future husband like that " saka tinuloy ang ginagawa, natigilan naman ako sa sinabi niya, paano ko ba isisingit sa usapan namin na ayaw ko talaga magpakasal sa kanya, " Lets eat " sabi niya umupo naman ako at hindi na muli nagsalita, siya nama'y pansin ko ang panay sulyap niya sa akin, puro buntong hininga lang ang aking pinakawalan hanggang matapos kami kumain. Bigla ako nawala sa mood, paano koba ipapa intindi sa kanya na ayaw ko pang mag asawa. Nag pasya akong magpahangin sa labas naglakad-lakad ako sa may dalampasigan hanggang marating ko ang mga batuhan medyo masilong ito dahil sa malalaking puno kaya hindi ako maiinitan, pagka upo ko 'don kona pinakawalan ang iyak kong kanina ko pa pinipigilan. " Daddy kailangan ko ba talaga magpakasal sa kanya? " Kausap ko sa kawalan , tumingala ako sa langit napaka ganda ng mga kulay nito , payapa at tahimik., kumusta na kaya sila Yaya. si Beatrice hindi man lang kami nagkausap marahil nag aalala na ito sa akin. Naisip ko agad si ate Anicka at Enzo ano kaya ang ginawa niya para makapasok sa condo ng gano'n-gano'n lang? kaya bumalik ako agad para hanapin siya, nakita ko siya sa may puno naninigarilyo at may kausap uli sa cellphone naka talikod siya sa akin kaya hindi niya ako nakikita. " Just buy all thier stocks and hold it until i said so " " Okay keep me updated bye " tumikhim ako para malaman niyang nasa likod lang ako, lumingon naman siya " You want to say something? " "Say it and I'll try my best to understand " so alam na niya , kaya di na ako nagpaligoy-ligoy pa. " Makinig po kayo, ayaw ko pong magpakasal sa inyo bata pa ako at marami pa akong pangarap " " Kung magpapakasal man ako 'yun ay sa taong mahal ko, " nakatitig lang siya sa akin na parang nag iisip, " Okay " simpleng sagot niya na kinatuwa ko. " You mean okay? pumapayag kana na hindi na tayo magpakasal? " Nanlalaki kong kumpirama pa sa kanya " Yes! But,,,," bitin niya sa kanyang sasabihin. " But? " Taka kong tanong " They will suffer " sabay bato niya sa akin ng envelop, " What's this? " I'll ask. " Open it for you to find out " pinulot ko ito at binuksan ko ng dahan-dahan at tumambad sa akin ang pictures ng pamilya ni Beatrice na masayang kumakain , ang sunod na pictures naman ay umiiyak ang mommy niya , ang sunod naman ay umiiyak ang kaibigan kong kayakap ng mommy niya. " Anong ibig sabihin nito Uncle? " " Bakit may pictures ka nila? " Sunod-sunod kong tanong, nag buntong hininga siya ay tumitig sa akin, " Naka sangla ang bahay nila sa bangko at ma reremata na ito , ang tatay niya ay may share sa company ko pero maliit lamang ito , hindi sasapat kahit kunin niya pang lahat so humingi siya ng tulong sa akin " mahabang sabi niya. " And then tutulungan mo sila right? " " Ikaw ang makakasagot niyan? Naka salalay sa sa'yo ang kinabukasan ng pamilya nila, hindi biro ang 200 million para lang tulungan ko sila ng walang kapalit " pagpapatuloy niya sa kanyang sinabi. " And why me? " " Sige pahiramin ko sila ng pera kong 'yun lang pala ,hawak mo naman ang pera ko diba so nasaan na ang pipirmahan ko? " Umiiyak na ako at natataranta na , parang alam kona kasi ang patutunguhan ng usapan namin,pinaharap niya ako sa kanya " No ,ikaw mismo ang gusto kong kapalit , pumayag kang magpakasal sa akin and bukas na bukas din ma so-solve ang problema nila." Naka titig siya sa mga mata ko habang sinasabi niya ang mga katagang 'yon. I knew it , sabi ko na nga ba tama ang hinala ko,napaka tuso talaga niya alam niyang hindi ko matatanggihan si Beatrice. Pinikit ko ang aking mga mata saka ako sumagot " Lets do it " sabi ko nalang sa kanya habang umiiyak. Niyakap niya ako at bumulong " Good decision my Angel and now be ready, dahil mamaya na ang kasal natin ". Namumugto pa rin ang aking mga mata ng dumating ang mag aayos sa akin, kahit na naka make up ako halata pa rin ang maga ng mga ito, suot ko ang gown na nakita at nagustuhan ko sa boutique noong minsan sinama nila ako. Hindi ko akalain na magkatotoo ang sinabi niya , at heto na nga ako ikakasal na sa kanya, beach wedding theme ng kasal namin, may iilang bisita kaming kasama ,nandito rin ang kaibigan niya na hindi ko alam ang pangalan at si Attorney at ang Pari na magkakasal sa amin, Naglalakad ako sa buhanginan lahat sila naka tingin sa akin na naka ngiti, hindi ko magawang suklian ang kanilang ngiti dahil feeling ko bibitayin ako, nasa unahan siya naka white tuxedo alam kong guapo siya pero hindi ko man lang magawang humanga sa kanya sa mga oras na ito , kita sa mga mata niya ang tuwa at galak habang ako'y hinihintay. " Your the most Beautiful Bride I've ever seen , kahit nakasimangot ka " bulong niya sa akin, inalalayan niya akong umupo at inumpisahan na ang aming kasal. " And now you may now kiss your bride " Arturo Simon Pov ******* " You may now kiss your bride " I touch her cheek. she cried a lot, I can see it in her eyes. and the moment our lips met I feel like I'm in heaven, god knows what I've been through to make it work. Finally. Alam ko mali ang ipitin ang pamilya ng kaibigan niya pero I don't have a choice, I have to get her by hook or by crook . Hindi nila alam na ako ang may ari ng boung condo unit kaya imposible akong hindi makapasok, may secret passage ako na tanging malalapit kulang na kaibigan ang nakakaalam. denesign ko 'yun para umiwas sa paparatsi at sa mga babaeng humahabol sa akin, and as for Anicka nakapag usap na kami , wala namang naging problema , alam kong hindi naman niya ako gano'n ka mahal , gusto lang makipag sosyo ng magulang niya sa akin kaya ko siya naging fiance and ofcourse I have to settle the deal between her family kaya wala ng naging problema, kay Angela lang talaga nagka problema. But now I'm the happiest man on earth. Alam ko napipilitan lang siya but now that she's mine. Hindi na siya makakatakas and I'm make her fall in love with me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD