Huminto ako para patigilin siya sa paglalakad ngunit hindi ko inaasahan ang sunod niyang gagawin " Pasensya kana Ineng napag utosan lang ako " yon lang ang kanyang sinabi at ang sumonod niyang ginawa ay takpan ang aking ilong ng kakaibang amoy kaya naging dahilan ng unti unti kong mawalan ng malay. Nagising ako sa isang madilim na kwarto. kinapa ko ang aking sarili ngunit wala rin naman nagbago pero parang lumuwag ang aking dibdib. Nakompirma kong tinanggal ang naka benda dito. Wala naman akong na akong naaamoy na kakaiba at malambot naman ang kamang aking kinahihigaan. tanging ang madilim na kwarto lamang ang tanging nagpapakaba sa akin.Kaya tumayo ako para kapain ang ilaw. Ngunit laking gulat ko na isang bulto ng tao ang aking nahawakan imbes na switch ng ilaw. kaya napa atras ako "

