ANGELA POV Pinipigilan lang ni Tiya si Ben sa ginawa ni Art na paghalik sa akin. tinulak ko siya ng bahagya at tiningnan ng may kahulugan " Yehey ang sweet nila mommy at daddy diba lola " sabay yakap nito sa amin ng daddy niya, ayaw kong sirain ang mood na anak ko kaya hinayaan ko lang. Tiningnan ko ng bahagya si Ben at salubong ang kilay niya at ang kamao ay nais nang manuntok ano man oras , naka hawak lamang ang kamay ni Tiyo sa kanya kaya napipigilan lang. Samantala itong si Art ay naka ngisi lang parang bali wala sa kanya ang ginawa. May problema pa akong aayusin at yon ay kong saan kami tutuloy. May bahay condo naman ako kaya doon na mona kami pero parang walang balak itong si Art pakawalan ang anak ko dahil kinarga pa nito at tuluyan kaming iwan na naka tunganga lang sa kanila "

